Kabanata 12

2319 Words
ANDROMEDA "Binibining Andromeda, maupo ka." umupo kaming dalawa ni Sulphur sa mahabang upuan na gawa sa kahoy ng sinasabing opisina ni Metaphor. Pagbukas pa lamang ng pinto ay mapapatitig ka na sa mga kagamitan na gawa sa kahoy. Mula sa makintab na sahig hanggang sa mga upuan, mesa, pader, dingding, at mga dekorasyon na nakasabit sa pader. Hindi rin maipagkakaila kay Metaphor na mahilig din siyang mangolekta ng mga replika ng mga ulo ng iba't-ibang hayop, sa ngayon ay may nakikita akong labing apat na replika ng mga ulo ng mga hayop na maayos na nakalapag sa cabinet sa magkabilang gilid ng kanyang opisina. Hindi naman masyadong masikip ang lugar dahil sa dami ng mga nakalagay sa loob.     Wow, kung ibebenta ang lahat ng nasa kwarto ni Metaphor, siguradong magiging mayaman siya.     Umupo siya sa upuan din na gawang kahoy upang matapatan kami. Hawak-hawak ang tasa ng tsaa ay lumatag ang kanyang paningin sa akin.     "Anong maipaglilingkod ko sayo, Binibining Andromeda?"     Sumulyap ako kay Sulphur bago ako nagsalita. "May pumasok sa loob ng bahay ko kanina. Nakapagtago ako kaya hindi nila ako nakita. Ang sabi nila, may hinahanap silang isang bagay na siguradong nasa bahay ko. Kaso wala silang nakita kaya babalik sila sa mga susunod na araw, at sisiguraduhin nilang pati ako ay kukunin nila."     "At ang nakita niyang tao ay walang iba kundi si Black." pagpapatuloy ni Sulphur.     Tumayo si Metaphor at tumungo sa mesa. Bago buksan ang drawer ng mesa niya ay nagsuot muna siya ng salamin. Pinanood namin siya ni Sulphur kung paano niya iniisa-isa ang paghahanap ng papel. Papel na hindi ako sigurado kung may kinalaman sa sinasabi ko.     Pagkatapos ng ilang minuto ay may kinuha siyang folder na naglalaman ng mga papel. Umupo siyang muli sa kanyang upuan at binasa ng tahimik ang mga nakalagay sa papel.     "Ayon sa kontrata, pumirma ang Isosceles ng kasunduan na wala silang maaaring galawin na anumang pag-aari ng Vaun Deriogne. At kasama ka na doon, Binibining Andromeda."     "Pero Metaphor, hindi pa alam ng lahat ang tungkol dyan kaya hindi pa rin nila alam na lumabag sila sa kasulatan." ani Sulphur.     "Maaari nga 'yan, Ginoong Sulphur. Ngunit ano naman ang bagay na pagmamay-ari mo na nais nilang kunin?"     "Hindi ko alam. Kaya naisip kong baka may kinalaman ito sa aking ina." nakita ko ang pagkunot ng noo ni Metaphor.     "Si Binibining Petunia?" tila nag-isip siya ng sandali dahil sa nabanggit na pangalan.     "Natatandaan kong nagkakilala na si Black at ang iyong ina sa isang misyon. Pareho silang kilala sa negosyo. Si Binibining Crealle ang isa sa mga kilalang piraso ng Vaun Deriogne at si Black naman ang magiting na sundalo ng Isosceles. Nagkrus na ang landas nilang dalawa ngunit hindi nila pinatay ang isa't-isa kahit pa alam nilang mahalaga ang karakter nila sa kanilang organisasyon at batid nilang ang kawalan ng bawat isa ay maaaring ikapilay ng kinabibilangan nila."     "Alam na nila na buhay ang anak ni Miss Petunia Crealle. Pero ano naman ang atraso ni Andromeda sa kanila?"     "Kaya kailangang bilisan ang mangyayaring piging sa darating na linggo." komento ni Metaphor.     Nagpasalin-salin ang mata ko sa kanila hanggang sa nagkaroon na ako ng pagkakataon na makapagtanong. "Paano na 'yan, hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ko. Kahit gaano ko man kagustong umuwi doon ngayon, hindi pwede dahil sa dinadala ko."     Tumango si Metaphor. "Alam ko, Binibini. Kaya naman ipahahatid kita sa isang safe house na malapit lang dito. Kumpleto na ang mga kagamitan doon. May mga iilang damit din na maaari mong gamitin pansamantala sa iyong panunuluyan at bukas na bukas ay maaari kang bumalik sa iyong bahay para kunin ang mga mahahalagang gamit na naiwan doon."     "Ano? Hindi. Pasensya na at hindi ko matatanggap ang inaalok niyo. Tutuloy na lang muna ako sa kaibigan kong si Tulip. Baka mas ligtas pa doon."     "Binibining Andromeda, hindi naman sa pinipilit kita na sumunod sa inaalok namin sayo pero tingin ko ay mas nakabubuti sayo at sa kalagayan ng bata na manirahan muna kayo sa ligtas na lugar. Kung tutuloy ka sa bahay ng iyong kaibigan ay baka mas lalo kang mapahamak. Paano na lamang kung nakita ka doon at hindi ka protektado? Mahirap ang kalagayan mo ngayon."     "Ada, tanggapin mo na 'to. Hindi lang naman bahay ang inaalok namin kundi mga taong poprotekta sayo eh. May magbabantay sayo kaya hindi mo kailangang mag-alala. Sinasabi ko sayo, itataya ko ang pangalan ko kapalit ng kasiguraduhang kaligtasan na matatamo mo." matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Metaphor at Sulphur. May pag-aalinlangan pa rin sa akin ngunit isasantabi ko muna ang bagay na 'yon kapalit ng sinasabi nila.     "Sige. Pero kailangan ko ng baril in case na hindi kayanin ng mga tauhan niyo si Black oras na dumating siya." tumango si Metaphor.     "Huwag kang mag-alala dahil iyan ang hindi namin makakalimutan na ihabilin sayo, Binibini. Sulphur, bigyan niyo siya ng armas at sapat na bala para sa kanya bilang pandepensa." tumayo kaming tatlo at lumabas ng kwarto.     Nabigyan na rin ako ni Sulphur ng baril at mga bala. Kahit pa hindi ako bihasa sa paggamit ng baril ay kailangan ko pa ring magkaroon ng isa. Isa ito sa mga maaari kong kapitan kahit na may pagdududa pa rin ako sa mga nangyayari.     Paglabas ng gusali ay mas malinaw ko nang nakikita ang pagkagat ng dilim. Patuloy pa rin akong sinasamahan ni Metaphor at Sulphur sa paglalakad.     "Metaphor—oh, si Andromeda ba 'yan?" nilingon namin ang nagsalita at nakita ko ang isang lalaking may singkit na mga mata. Agad siyang ngumiti at lumapit sa akin nang makita ako.     "Andromeda, bakit nandito ka?" kinunutan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. Pero agad ding nawala nang magsalita si Metaphor.     "Ano ang ginagawa niyong dalawa ni Neon dito sa labas, Radon?"     "Dumating si Dandelion. Sinalubong namin dahil may mga kargado siya. Kulang ang mga tao niya para magbantay sa labas kaya sumunod kami." sagot ni Strontium.     "Ah Metaphor, tingin ko naman hindi ko na kailangang makinig sa pinag-uusapan niyo kaya uuwi na ako. Salamat sa impormasyon." nagsimula na akong maglakad nang pigilan ako nang kanyang salita.     "Kailangang may maghatid sayo. Siguradong ibabalik ka dito ni Sixteen oras na malaman nilang may nakapasok at hindi mo rin alam ang lokasyon ng safe house."     "Ako na ang maghahatid sa kanya, Metaphor. Tutal alam ko naman ang eksaktong coordinates ng lugar." suhestyon ni Sulphur.     "Hindi, Sulphur. Mas maiging si Ginoong Strontium na ang maghahatid kay Binibining Andromeda—"     Agad akong umangal. "Ano? Ayoko. Hindi pwede. Baka mamaya kung anong gawin sa akin ng lalaking 'yan eh."     "Binibini, kung mangyari man ang naiisip mong mangyayari ay binibigyan kita ng karapatan para gamitin mo laban sa kanya ang regalo ko sayo." aniya na ikinabigla ko.     "Magandang gabi, Binibini." tumalikod na si Metaphor kasama si Sulphur. Parang ayaw pa nga ni Sulphur na iwan ako ngunit wala rin siyang nagawa. Ang huli ay ang pag-alis ng tinawag na Radon habang sumisipol kaya naman naiwan kaming dalawa ni Strontium.     "Tsk." dahil sa inis ko ay tinalikuran ko siya at naglakad na. Ayaw ko siyang makasama at itataya ko ang buhay ko para lang mawala siya sa paningin ko.     Maya-maya ay narinig kong may naglakad na din papalayo kaya napahinga ako ng maluwag. Habang naglalakad ako ay hawak ko nang mahigpit ang bag na naglalaman ng baril at mga bala. Maliwanag pa naman ang daan na babagtasin ko para makalabas sa lugar na ito kaya walang problema. Iyon nga lang ay tiyak na mapapagod ako dahil mahaba-habang lakaran ang gagawin ko bago makalabas sa gate na 'yon.     "Hop in." napalingon ako sa pulang Ferrari na nasa gilid ko. Nakabukas ang bintana at tanaw na tanaw ko sa loob ang driver ng kotse.     Inirapan ko siya. "Kaya ko."     "Hop in."     "Kaya ko nga sabi eh."     "Masasabi mo pa rin kaya 'yan kapag hinarang ka nina Sixteen sa gate?"     "Syempre sasabihin mong bisita ako nila dito kaya hindi nila ako pwedeng hulihin."     Tumaas ang kilay niya. "Talaga? Kung sasabay ako sayo sa gate at sasabihin ko sa kanilang bisita ka nga dito, hindi mangyayari sayo 'yon. What if not?"     Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige. Hanggang sa gate lang ah."     Binuksan ko ang pinto ng back seat at pumasok sa loob. "Dito ka sa front seat. Pagmumukhain mo ba talaga akong driver mo?"     "Kung ako sayo magdrive ka na lang nang matapos na 'to." nang sabihin ko 'yon ay nakipagmatigasan pa siya pero hindi ako natinag kaya naman umandar na ang sasakyan niya.     Dahil mabilis ang pagpapatakbo niya ay agad kaming nakarating sa malaking gate ng lugar kung saan maraming armadong lalaki ang nakabantay. Tumigil ang sinasakyan sa guard house at may pamilyar na lalaki ang pinagbuksan ni Strontium ng bintana. Mabilis na napako sa akin ang kanyang tingin.     "Sixteen, bisita namin siya." sagot ni Strontium nang mapansing nakatingin sa akin ang tinawag niyang Sixteen.     "Talaga? Bakit yata napapadalas ka dito? Baka naman may ginagawa ka ng kalokohan, hindi lang namin alam." malamig ang tingin sa akin ng Sixteen habang binabanggit ang mga salitang 'yon.     "Kung may ginagawa akong tulad ng sinasabi mo, tiyak na hindi mo ako makikita dito."     "Una, si Miss Atria. Tapos ngayon naman ay si Neon. Ano ba talagang balak mo?" inirapan ko siya. Hindi ko na siya sinagot dahil baka mas lalong mag-init pa ang ulo ko.     "Sixteen, malalaman mo rin ang katotohanan ng madalas niyang pagpunta dito. Inutusan ako ni Metaphor na ihatid siya at ihahatid ko na siya kaya kung ayos na, baka pwedeng makalabas na kami."     "Sige, mag-iingat ka, Neon." nagsarado na ang bintana at nakalabas na kami ng gate.     "Ibaba mo na ako."     "Not yet."     "Nandito na tayo sa labas. Ang usapan ay usapan."     "Oo, kaya susundin ko ang inutos ni Metaphor."     Napangisi ako sa sinabi niya. "Iba ka rin talaga eh. Alam mo, hindi mo kailangang gawin 'to. Kung napipilitan ka lang, may oras ka pa para palabasin ako sa sasakyang ito. Hindi porket inutusan ka ni Metaphor ay susunod ka. Pwede mo akong iwanan dito at hindi ako aamin sa totoong nangyari kapag tinanong ako ni Metaphor. Alam nating pareho na hindi natin gusto ang isa't-isa kaya tingin ko ay walang rason para makipagplastikan."     "Keep your mouth close. I'm not as stupid as what you think. I'm not dumping ladies. They are ladies and should be treated right." inirapan ko siyang muli. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas ng kotse.     Talaga? Kung tratuhin ng maayos ang babae ang gusto niya, bakit niya ginawa sa akin ang bagay na 'yon? Tsk.     "Ano ba ang nangyari at lilipat ka ng safe house?"     Tila wala akong naulinigan kaya patuloy pa rin na tahimik ang loob ng kotse. "Ayaw mong pag-usapan? Siguro hindi ka nakabayad ng renta mo."     Dahil sa inis ay tinadyakan ko ang likuran ng upuan niya. "Mind your own business nga. At uso ang manahimik."     "Sige. Malalaman ko din naman ang dahilan."     "Tsismoso ka rin naman, 'no? Hindi mo mapigilang mangialam?"     "Sorry na. Galit ka na naman. Kaya ka lalong tumatanda eh." napapikit ako sa tono ng pananalita niya. Tono ng kapag naglalambing. For heaven's sake, lalo lang akong naiirita sa kanya kaya hindi ko na siya pinansin pa.     Nanatili ang katahimikan hanggang sa huminto ang sasakyan. Bumusina muna si Strontium bago lumabas ng kotse, at syempre pa ay lumabas na din ako. Isang village ang pinasukan namin. Ang mga bahay ay hindi kasinggara ng mga bahay na mansyon na talaga. Nasa tapat kami ng isang bahay na may mga mayayabong na halaman. Hanggang isang palapag lang ang bahay ngunit sa labas pa lamang ay mahahalata mo namang maluwag ang bahay na ito kahit papaano.     Nakabukas ang ilaw sa loob ng bahay kaya nahalata ko agad na may tao. Ang sumunod ay nakita kong naglakad si Strontium papunta sa bahay. Binuksan niya ang maliit na gate at naglakad sa makitid na sementong daanan sa gitna ng mga mayayabong na halaman. Hanggang sa umakyat siya sa tatlong-hakbang na hagdanan para kumatok sa pinto, doon ko na naramdaman na kailangan kong sumunod sa kanya nang sulyapan niya ako.     At kailan pa ako naging utusan? Tsk.     Nang makarating ako sa pintuan ay nakita ko na maraming tao sa loob ng bahay. Hindi lang sila basta tao kundi mga armadong tao. Tapos ay nakita ko si Strontium na nakaupo sa maliit na sofa ng bahay.     "Na-scan niyo na ba ang buong bahay?" tanong na para sa mga lalaking mukhang kakilala niya.     "Oo, kahit na hindi laging nagagamit ay maayos at malinis pa rin ang lugar na ito. Ang mga kagamitan ay wala pang sira, organisado ang mga damit, at kumpleto ang mga pagkain. Kulang na lang ang titira dito."     Natuon ang paningin ni Strontium sa akin, isang uri ng bored look. "Siya ang titira dito. Siya ang babantayan niyo ayon sa utos ni Metaphor."     Tumango ang lalaki sa akin at ganun din ako sa kanya. "Pwede bang iwan niyo na akong mag-isa dito? Gusto ko ng magpahinga."     Mabilis na tinipon ng lalaking kausap ni Strontium ang lahat ng lalaking nagkalat sa bahay at saka sila lumabas, kaya naiwan kami ni Strontium sa loob ng bahay.     "O', at ikaw din, sumama ka na sa kanila."     Tumayo siya at nilagay ang mga kama sa bulsa ng pants. "Mas maganda pala kapag pagod ka, mas bumabait ka eh." at tinapos niya ang kanyang pahayag sa isang halakhak.     Inirapan ko siya dahil doon. Wala na akong lakas pa para labanan siya sa mga sinasabi niya. Para bang naubusan ako ng lakas ngayong araw, sa bagay marami naman talagang nangyari sa akin sa araw na 'to.     "Nasaan dito ang pwede kong maging kwarto?"     "Ewan ko. Ikaw ang mamili. Ikaw ang bahala." tinanguan ko siya at pumasok na sa kwartong malapit sa akin.     "Goodnight!" bago ako makapasok ng tuluyan ay narinig ko siyang sinabi 'yon.     Bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. "Damn."     "Fine. I'll think of that as a goodnight too." sabi ni Strontium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD