ANDROMEDA Maaga akong nagising. O siguro nga ay kahit pagod ako sa mga nangyari kahapon ay namamahay pa rin ang tulog ko kaya hindi ako masyadong nakatulog ng mahimbing. Maka-ilang beses akong nagigising dahil mababaw lang ang bawat tulog ko. Kaya naman nang maramdaman kong umaga na ay agad akong bumangon at naghanda ng pagkain. "Ma'am, tapos na po kaming kumain." nakita kong nakatayo na ang mga armadong lalaki na nagbantay ng bahay ng buong magdamag. "Sige na. Umuwi na muna kayo. Baka hinahanap na kayo ng pamilya niyo." "Ma'am, utos po sa amin na bantayan kayo hanggang sa takdang oras." "Ako na ang bahala kay Metaphor. Pwede ko naman siyang sabihan na may dala pa rin akong baril at kaya kong protektahan ang sarili ko kahit na wala kayo. At isa pa, hindi naman ako mana