Kabanata 4

1201 Words
ANDROMEDA "Bumili ako dito ng adobo, may sabaw na rin dyan at kanin. Kumain ka na, tapos na akong kumain."     "Salamat." naglabas ako ng plato at mangkok at nilagay ko ang mga binili ni Tulip sa mga 'yon. Nandito pala siya at kanina niya pa ako hinihintay. Meron siyang spare key kaya nabuksan niya ang bahay ko.     "Hindi ko alam kung naiinggit ka na kumakain ako dahil sa pagtingin mo sa akin ng ganyan." tapos tumingin siya sa akin ng nanloloko dahil sa sinabi ko. Paano ba naman kasi, simula pa lang ng paglalagay ko ng kanin ko sa plato hanggang sa pagsubo ko ay hindi humihiwalay ang mga mata niya sa akin.     "Anong nangyari kanina, nahanap mo ba siya?" panimula ni Tulip.     "Hindi eh."     "Ano? Ang tagal mo, ginabi ka na ng uwi tapos hindi mo siya nahanap? Ano kaya 'yon?"     "Hindi nga. Pumunta ako doon sa Strontium Industry tapos hindi naman pala siya ang may-ari no'n."     "Pero ang nakalagay sa card ay siya daw ah. Anong nangyari?"     "Bukas, pupunta ulit ako. Aalamin ko kung ano ang koneksyon nung nakilala kong may-ari do'n sa hinayupak na lalaking 'yon."     "Ha, bakit?"     "Eh Strontium din ang apelyido eh."     Namilog ang mga mata niya. "Strontium din?" pinalakpak niya ang kanyang kamay ng isang beses. "Sabi ko na eh, siya nga yung may-ari!"     "Hindi nga siya. Sabi nung nasa front desk na kausap ko kanina, hindi naman yung Nathaniel ang tunay na may-ari. Bihira nga lang daw pumunta 'yon do'n eh."     "Pero at least, konektado pa rin siya sa Strontium Industry!" inirapan ko siya. Paano kasi, patuloy ang pag-iisip niyang mayaman ang nakabuntis sa akin. Tapos kapag napatunayan na mayaman nga, tiyak na yayaman na din ako. Para namang papakasalan ko yung lalaki, hindi ganon ang mga tipo ko 'no.     "Nga pala, kanina, hinanap ka ni Madam! Naku, nag-alburoto na naman!"     "Talaga?"     "Oo, jusko! Nakita ko may tumubo na namang puting buhok habang nagtatatalak doon! Pero nawala rin kasi nabili 'yong pinakamalaking LED TV!"     "Eh? Sino ang nakabenta?"     "E di syempre pa, ako!" dinugtungan niya 'yon ng isang matagumpay na tawa.     "Kaso mukhang sumuko na yung heels ko kanina. Akalain mo ba naman habang naglalakad ako muntik na akong matisod. Jusko yung isang takong, ayun warak."     "Baka kasi bumigat ka na."     "Ano ka! Iyon 'yong sinasabi ko sayong luma na, kaya nga sa akinse iyon agad ang bibilhin ko." tumayo ako at hinugasan na ang pinagkainan ko.     "Nga pala, makikitulog ako sayo ngayong gabi ah. Birthday kasi no'ng katabi ng apartment ko, pag-uwi ko kanina ang ingay ingay."     "Sige." narinig ko ang pag-akyat niya sa hagdan. Nang matapos ako sa paghuhugas ay umupo muna ako sa sofa. Maliit na 'yon at lumang luma na. Nakailang tapal na ng tela at ilang tahi na rin para lang hindi lumabas ang spring at magmukhang maganda. Kaso kahit ilang tapal ang gawin ko ay bakas pa rin karukhaan do'n.     Hindi lang 'yon ang kailangan ng pagbabago. Pati na rin yung TV ko. Bihira lang naman kasi ako manood kaya hindi ko madalas nagagamit. Walang maayos na pintura ang pader ng bahay. Iyong mga bakal, may mga iilang kinakalawang na. Iyong mga kahoy, unti-unti nang nababawasan. Kulang na kulang din ang mga gamit dito. Matagal na akong nagtatrabaho pero hindi ko naman magawang punan ang mga kulang dito sa bahay. Paano, eh sa pagkain pa lang ay nagkukulang na. Nakakaipon naman ako pero minsan lang. Maliit lang ang kinikita ko, wala akong ibang bibig na pinapakain, pero kulang na kulang pa rin.     Mahirap mamuhay ng mag-isa. Pwedeng isipin na madali lang dahil maghanap ka lang ng trabaho, punan ang iyong mga kailangan, ayos ka na. Iyon ang natutunan ko sa ilang taon na rin ng walang kasama dito sa bahay. May mga pagkakataon na nakikitulog si Tulip dito kapag ayaw niya sa apartment niya dahil sa ingay, ayos lang naman 'yon. Naisip na namin na mag-isang bahay na lang ang titirhan namin kaso hindi pwede. Hindi niya kayang iwan ang apartment niya dahil malapit iyon sa tiyahin niya. Hindi ko kaya dahil ayaw kong iwan ang bahay na iniwan sa akin ng lola'ng kumupkop sa akin. Sanay na rin naman akong mag-isa. Minsan malungkot pero natutunan kong walang mararating ang pagtatanong kung bakit ako mag-isa ngayon dahil wala namang mangyayari.     Nang lumalaki ako sa pangangalaga ng lola ko, minsan ay nagtatanong ako kung bakit naging ganito ang buhay ko. Kung bakit maaga akong iniwan ng nanay ko at hindi ko man lang nakilala ang tunay kong ama. Minsan ay naitanong ko 'yon sa lola na nag-alaga sa akin at sinabi niyang baka dahil tingin ng Diyos ay kaya kong mag-isa at malakas ang kalooban ko. Iyon din ang akala ko. Akala ng iba ay masayang mag-isa, nakukuha mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin, may kalayaan ka, tapos wala kang iintindihin kundi ang sarili mo lang. Pero may naipagkait sa akin, bagay na wala ako at mayroon naman ang iba. Tuwing mapapadpad ako sa kahit saang park, o kahit sa mall, may nakikita akong magulang na kasama ang kanyang anak. Doon ko naisip na namulat man ako sa maraming bagay sa murang edad, doon ko napagtanto na nakalimutan ko ang pakiramdam kung paano yakapin ng isang ina. Madaling sabihin, pero mahirap maramdaman.     Hinawakan ko ang tiyan ko. Iyon ang dahilan kung bakit ko hinahanap ang lintek na lalaking 'yon. Hindi ko habol kung mayaman ba siya o katulad ko. Ang kailangan ko lang ay makilala niya ang bata at matanggap ito. Kakayanin kong buhayin ang bata ng mag-isa, kahit walang sustento na galing sa kanya, basta may makilalang ina at ama ang dinadala ko ay masaya na ako. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman kong kakulangan sa akin. Ayokong maranasan niya ang naranasan kong hirap. Mahirap nang mabuhay sa mundo ngayon. Kung hindi ka marunong ay madadapa ka. Dapat ay matuto kang bumangon at tumayo kahit na masakit na ang sugat sa tuhod mo.     Sa nangyari sa akin, naging maswerte ako dahil pagkatapos ng kalbaryo ko ay may nag-alaga sa akin. May nagmagandang loob na alagaan ako. Masama lang sa pakiramdam na namatay ang lola ko'ng hindi man lang nakadadama ng ginhawa—ginhawang pinagpaguran ko, ginhawang naging produkto ng pagod at pagsisikap niya. Kung ipapanganak ko sa mundo ang batang ito, hindi ko siya iiwan. Hindi ako sigurado kung magiging kapalaran din niya ang akin na nakahanap ng mabuting loob at inalagaan ako. Kung hindi matatanggap ng lalaking 'yon ang batang ito, hindi ko siya pipilitin. Ipapaalam kong nagbunga ang ginawa niya sa akin, kung hindi niya tatanggapin, ayos lang. Mabubuhay kami, nandyan man siya o wala. Isa pa, ayokong makasal sa kanya. Sinong tanga ang gustong magpakasal sa ganong klaseng lalaki? Tsk.     Inaantok na ako. Bukas ay kailangan ko pang gumising ng maaga para magawa ang plano ko.     Nagbalik sa akin ang babaeng sinundan ko kanina. Sandali, kung may ganon siyang marka at isa siyang Strontium, ibig sabihin ay konektado siya do'n? Posible kayang si Nathaniel Strontium din ay may ganong marka at konektado din siya sa grupong 'yon?     Ilang taon ko 'yong iniwasan. Kinalimutan ko ang markang 'yon at hindi ko alam na makikita ko ulit 'yon ngayon. Siguro ay panahon na para kilalanin ko ang grupong 'yon. Kung ito ang pagkakataon para masagot kung sino ang pumatay sa aking ina ay kukunin ko na. At kung konektado man si Nathaniel Strontium do'n, wala akong magagawa, kailangan kong subukan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD