ANDROMEDA
"Nandito na tayo. Handa ka ng pumasok?" inikot niya ang kanyang mukha para harapin ako. Nakataas ang kilay niya na para bang sinasabing lagot na ako.
"Ano pang ginagawa mo, pumasok ka na." walang katakot-takot na wika ko.
"Start palpitating, you're doomed." patuloy ang pagtutok ko ng baril sa kanya. Natigil lang 'yon ng makita niyang ginalaw ko ang trigger. Papalapit na ang sasakyan sa guard, binaba niya ang kanyang bintana, at ako naman ay ibinaba din ang nguso ng baril sa tagiliran niya. Nang ginawa ko 'yon ay naramdaman kong napagalaw siya dahil sa gulat.
"Gawin mo ang sinabi ko at hindi ka magagalusan, choose wisely." bulong ko sa kanya bago siya tanungin ng guwardya.
"Magandang araw po, Ms. Atria."
Nabakas ko ang mata ng guwardya na dumapo sa akin. "Good day, too."
Hindi pa man nagtatanong ay nagsalita na agad ang kasama ko. "Uh, s-she's... a v-visitor. The Prime ordered me to bring her here."
Malamig ang mga mata ng guwardya nang titigan ako, tila hindi sigurado sa narinig mula sa kaharap.
"Everything's fine, Sixteen. Everything is under my control, don't worry." nagsarado ang bintana at umandar na ang sasakyan pero ramdam kong ang paningin ng lalaki ay hindi pa rin natatanggal sa akin.
"He's name is Sixteen. We called them by numbers, not by their real names. Remember that."
"Bakit?"
"For you to know the person who'll kick you outside this place."
Tumaas ang kilay ko. "Ah, akala ko kung ano. Huwag kang mag-alala, hindi ako mapapalayas dito."
"Really?"
"Oo, itaga mo pa sa bato." patuloy lang ang pagmamaneho niya, nakikita ko na ang gusali. At ngayong nasa sasakyan ako ay mas malinaw ko pang nasasaksihan kung gaano kalaki ang lugar na 'to. Tingnan pa lang ang mga gusali ay malulula ka na kung gaano ito kataas, mas mataas pa sa gusali ng Strontium Industry. Malayo pa lang ay kita ko na rin ang mga armadong lalaki, nakasuot sila ng itim na damit at itim na leather jacket. Kung papansinin ang paligid ay nakabibinging katahimikan ang sasalubong sayo, pero sa kabila no'n ay ang hindi mapapalitang tensyon na nanggagaling sa kung saan.
"Brace yourself." aniya, binigyan niya pa ng tono ang pagsasabi no'n.
Kung ano man ang kakaharapin ko sa loob ay handa na ako.
Umandar ang sasakyan palapit sa dalawang lalaking nagbabantay sa magkabilang gilid ng kulay gintong gate, parehong may mga maliliit na wireless earphones ang tainga nila, pareho sa nakita ko sa lalaking nakakita sa akin kahapon.
"Ms. Atria, masayang pagbabalik." wika ng lalaki sa baritonong boses. Lumipad ang tingin niya sa akin na mabilis na nakapagpadala sa akin ng kaba. Kahit naman pursigido ako sa aking gagawin ay kinakabahan pa rin ako, pero mas nangingibabaw na kailangan kong gawin ang bagay na 'to.
"She's a visitor. I'm sure Sixteen did tell you that."
"Siya ba 'yon?" tanong ng parehong lalaki.
"Yeah. The Prime ordered me..." tinanguan siya ng lalaki at lumayo na ito sa sasakyan. Nagsarado ang bintana at umandar muli ang sasakyan.
"Now I'm asking why I had to utter names and to all people, ang Prime pa? Really, Atria?" inirapan ko ang bagay na nakikipag-usap ang babaeng nasa harapan ko sa kanyang sarili.
"Malapit na ba tayo?"
"We are here. Don't do things that will make them turn their attention to you, is that clear?" mahina ngunit may pagdidiin ang kanyang boses. Dama ko ang panginginig sa kanya.
Tumango ako. Kaso ilang segundo lang ay nagulat kami nang may magpaputok ng baril at pinatamaan ang kotse ng babaeng kasama ko.
"s**t!" aniya.
Nilingon ko ang likod ng kotse at mabilis kaming pinalibutan ng mga armadong lalaki.
"They saw the gun pointing at me!" hindi niya na napigilan na maghisterya, which left me no choice.
"Nasilip nila na may nakatutok ng baril sa akin na hawak mo!"
Hinatak ko ang buhok niya at pinulupot sa kamay ko, puno ng daing ang narinig ko nang ginawa ko 'yon.
"Bumaba ka."
"What?"
"Bumaba ka!" sigaw ko.
"Okay okay!" bumaba siya ng sasakyan at nang makatuntong ang paa niya sa lupa ay mabilis din akong bumaba. Wala akong pakialam kung malaking tao ang bihag ko ngayon, ang mahalaga ay may maipansalag ako.
Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya at ang nguso ng baril sa kanyang sintido. Batid kong mas nadadagdagan pa ang taong nakapalibot sa amin na posibleng bumaril sa akin pero kailangan kong ipagpatuloy ang aking nasimulan.
"Magpaputok kayo at siya ang pagdidiskitahan ko." wika ko ng puno ng determinasyon.
"Ibaba mo si Ms. Atria, kung hindi ay mamamatay ka." wika ng isang armadong lalaki.
"Pakawalan mo ako! Wala ito sa mga sinabi mo sa akin!"
"Pasensya na pero ang kahilingan mo ay hindi pa nakatakdang matupad."
"Akala ko ba gusto mong makita si Neon? Bakit ganito ang ginagawa mo ngayon?!"
"Oo nga, nasa plano pa rin ako, huwag kang mag-alala."
"Ibaba niyo ang mga armas niyo, kung hindi—!" hindi ko naipagpatuloy ang sinabi ko nang maramdaman kong kinuryente ako mula sa likod. Nabitawan ko ang babae kaya naman nang makakuha ng pagkakataon ay tumakbo siya palayo sa akin.
Napaluhod ako sa semento at hinawakan ang parte ng balikat kong namamanhid dahil sa kuryente. Isang lalaking itim ang suot, pormal ang kasuotan niya kumpara sa iba. Tingin ko ay mas mataas ang posisyon niya kaysa sa mga armadong lalaking nakapalibot sa amin. May hawak-hawak siyang baril, iyon yata ang ginamit niyang kasangkapan para makuryente ako. Nang mapansing nararamdaman ko pa ang sakit ay may mga naglapitan ng iba pang lalaki at pinosasan ako. Sapilitan nila akong pinatayo at hinatak.
"Sandali!" umagaw ng atensyon ang pagsasalita ng babae, ang tinatawag nilang si Atria, na ginawa kong bihag kanina.
"Ang sabi niya ay gusto niyang makausap si Neon kaya siya nandito."
"Ms. Atria?" kunot ang noo ng lalaki, nagnanais ng mas maayos na paliwanag kay Atria dahil sa sinabi.
"Uh... bago niyo siya dalhin sa kung saan man siya nararapat ay... sabi niya gusto niyang makita si Neon. May... pagkakautang daw ito sa kanya... Can she?" napangisi ako sa sinabi niya. Sa wakas ay may naidulot ng maganda ang pagsama ko sa kanya.
"Ms. Atria—" mukhang tututulan ng lalaking nagkuryente sa akin ang sinabi ni Atria ngunit pinutol agad ito ng babae.
"I know what I'm doing, Aluminum. If ever she does something wrong, I'll stake my name onto it." wika ni Atria.
Dinig ko ang ginawang pagpili ng lalaki at ang kanyang desisyon ay pagpayag sa sinabi ni Atria.
"Hawakan niyo ng maigi ang babae, baka makawala." pinangunahan ng lalaking nagkuryente sa akin ang pagharap sa kulay gintong gate. Mas malinaw kong nakita kung gaano ito kalaki, kataas, at katayog. Nang mapagtanto kong bubuksan nila ang gate na 'yon at makikita ko na ang nasa likod no'n ay hindi ko mapigilang ma-excite.
Bumukas ng awtomatiko ang gate at ipinakita sa akin ang itinatago nitong lugar. Hindi ko napigilang igala ang aking paningin sa paligid. Hindi ko din napigilang mamangha sa aking nakita. Ang unang makikita mo ay ang gusali, lima silang pare-pareho ng lebel ng taas. Ang pagkakatayo nila ay pinormang hexagon, ang pang-anim na gilid ay ang gate, kahit hindi mo na busisiin ang pag-obserba ay mapapansin mo ng perpekto ang pagkakaayos. Sa loob ng limang gusali ay ang maaayos na tinabas na mga d**o. May malawak na daanang nagmistulang pilapil, para hindi maapakan ang mga d**o. At sa gitna ay ang mga d**o ulit at sa tuktok ay may nakalagay na rebulto. Lalaki ang rebulto ngunit hindi ko kilala. Malawak ang lugar na 'to. Akala ko ay malawak at maganda na ang nakita ko sa labas, hindi pa pala.
Dumiretso kami sa unang gusali, dumaan kami sa lobby ngunit hindi rin kami nagtagal dahil pumasok kami sa elevator. Nasa pinakalikod kami, dalawang lalaki ang nakahawak sa magkabila kong braso, parang hindi nila iniisip na may posas ako kaya hindi ko magagawang tumakas. Sa harap ko ay ang lalaking kumuryente sa akin kanina, hinawakan niya ang kanyang maliit na earphone at nagsabing, "may dala kaming isang babae at pupunta kami dyan ngayon, ipatawag niyo si Neon." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumingin siya kay Atria. At nasa harapan naman nilang dalawa ang tatlo pang armadong lalaki.
Tiningnan ko ang itaas na bahagi ng elevator at nakita kong mukhang sa pinakamataas na palapag ng building ang punta namin.
"Hawakan niyo siyang mabuti, papunta na tayo." wika ng lalaking nasa harapan ko. Mabilis na sumunod ang dalawang lalaki sa tagiliran ko dahil mas lalong humigpit ang hawak nila sa aking braso.
"Hindi niyo na kailangang gawin 'yan, wala akong planong tumakas." mariin akong tinitigan ng dalawang lalaki sa gilid ko.
"Ano ba, nag-iisip ba kayo? Paano ako makakatakas eh wala nga akong gamit. Jusko naman."
Maya-maya lang ay tumunog ang elevator at nasa twentieth floor na kami. Bumukas ang pinto at nakita ko ang lugar na pinuntahan namin. Mula sa naggagandahan at naglalakihang mga chandelier na nakasabit sa ceiling, sa makinang na sahig na mukhang araw-araw nililinis, hanggang sa mga mesa, upuan, hagdan, lahat ito ay magarbo. Bahay ang pinuntahan namin at mukhang umaabot hanggang sa ikatlong palapag ang mansyon na ito. Hindi pa ako kailanman nakakapunta sa ganitong lugar. Ang hotel lang na pinagtrabahuhan ko dati ang itinuring kong pinakamagandang lugar para sa akin, pero hindi ko alam na mas may gaganda pa pala doon.
Nang bumukas ang elevator at magsimulang tumuntong ang mga paa namin sa makintab na sahig, agad na naglingunan ang mga tao na nasa mansyon. Ang iba ay nakatayo, at ang iba naman ay nakaupo sa mga mahahabang sofa, mayroon pa ngang isa na nakaupo mismo sa mesa. Hindi ko nabilang ang mga taong lumingon sa amin basta sigurado akong higit sila sa sampu. Ikinalat ko ang aking paningin upang hanapin ang lalaking naging dahilan ko para pumunta dito, ngunit mas una kong nasilayan ang lalaking nakakita sa akin kahapon at panlalaki ng mata ang ibinato niyang reaksyon sa akin. Hindi ko 'yon pinansin dahil sa isang pahayag na nagmumula sa lalaking kumuryente sa akin ang narinig ng lahat.
"Hindi ko inaasahan na nandidito kayong lahat. Ang kailangan ko lamang ay si Neon, ngunit kung may pinag-uusapan kayo ay maghihintay kami hanggang sa matapos." naglakad si Atria papunta sa grupo ng mga tao. Sa pagtitig ko sa kanilang lahat ay napansin kong lahat sila ay nakasuot ng itim, iba-iba ang mga damit nila ngunit iisa ang pinagkapareho, bawat isa ay may nakalagay na marka—marka na nakita ko din kay Atria. Ang markang 'yon na pa-V at sa loob ay may mata. Hindi nga ako nagkamali. Nang pumunta si Atria sa kanila ay mabilis na nahalata ang kanyang pagkakaiba, dahil siya lamang ang nakasuot ng puting damit at silang lahat ay itim.
"Hindi, Aluminum. Tapos na kami sa pag-uusap. Tungkol lang naman ito kay Minus at sa nasirang kontrata." wika ng lalaking nasa mid-50s. Siya ang nakita kong pinakamatanda sa kanilang lahat dahil lahat sila maliban sa kanya, kung hindi ako nagkakamali ay kaedad ko lamang. "Bakit hindi mo ipakilala sa amin ang babaeng kasama mo, Aluminum?"
Tumikhim ang lalaking tinawag na Aluminum at hinarap ako. "Bitawan niyo na siya. Hindi na siya makakawala anuman ang kanyang gawin." binitawan ako ng dalawang lalaki.
"Sundan mo ako." utos niya sa akin. Nagsimula siyang maglakad at gaya ng sinabi niya ay sinundan ko siya. Bawat hakbang na pinapakawalan ko, alam kong lahat ng mga mata nila ay nakadikit sa akin. Marahil ay may mga nabubuo na sa kanilang isipan na pagkatao ko pero wala akong pakialam do'n, ang mas mahalaga ay maipakilala ko sa kanila kung sino ako at ano ang pakay ko dito.
Nang huminto ang lalaki sa harapan nilang lahat ay huminto na din ako. "Sabihin mo ang iyong pangalan, binibini."
Tumikhim ako bilang paghanda. Tiningnan ko sila isa-isa at nang matapos ay nagdesisyon akong magsimula.
"Ang pangalan ko..." huminga ako ng malalim. "...ay Andromeda Crealle."