Chapter 3 - Trying To Hold Back

863 Words
Nagtama ang mga mata nina Claire at Kent dahil sa sinabi ng huli. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Claire pagkakita sa mga matang iyon na diretsong nakatingin sa kanya. Parang gusto niyang kiligin na di nya maintindihan kung bakit. "Yun naman pala, mukhang hindi naman kontra si Kent this time." Ani Bart Tila biglang naglungkot si Claire sa sinabing yon ni Bart. She doesn't like anyone. Si Kent lang ang gusto nyang magkagusto sa kanya..kahit parang bawal... Maya-maya pa ay napagpasyahan na rin nilang magsiuwi na. Walang dalang kotse si Kent dahil sumabay lang siya kay Kyle kanina at dahil mau kotse naman si Claire ay doon na siya sumakay. Ngayon nga ay magkasama nang pauwi sina Claire at Kent. "You seemed to enjoy talking with that man." Biglang sabi ni Kent habang nagddrive. "S-sakto lang. Palakwento kasi si Justin tsaka palabiro." Nagulat man sa sinabi ni Kent ay nakahanap naman agad ng sagot si Claire dito. "Maybe he's interested in you." Sabi ni Kent na di man lang tumitingin kay Claire. "Gusto lang siguro niyang makipagkaibigan." Ngumiti si Claire kay Kent kahit di naman nakatingin sa kanya ang huli. "Do you like him?" 'So what, may paki ka ba? Ni halos di mo na nga ako pinapansin.' Nasabi nlng ni Claire sa isip. "Ano naman sayo?" "Just answer!" hindi pasigaw pero mariin ang pagkakasabi niyon ni Kent. "Hindi ko siya gusto ok?" Sagot ng nagtatakang si Claire. 'Ano bang problema ng lalaking to? Baka naparami ng inom kaya kung anu-ano nang pinagsasabi.' Naisip nalang ni Claire. Pagkarating sa bahay ay saka lang nakaramdan ng konteng pagkahilo si Kent dahil sa nainom kaya di muna siya agad bumaba ng kotse. Napansin naman siya ni Claire kaya hinintay siya nitong makababa at akmang aalalayan siya papasok ng bahay pero mabilis na iwinaksi ni Kent ang mga kamay ni Claire. Nagulat si Claire sa ginawa ni Kent kaya tiningnan niya itong may pagtataka. "Napansin ko lang na parang nahihilo ka kaya tutulungan sana kitang umakyat sa kwarto mo." Pagpapaliwanag ni Claire. "I'm ok." Mabilis na tugon ni Kent. "Sabi ko kasi sayo na ako nalang ang magddrive. Let me help you." "Please....mauna ka nang pumasok." Seryosong saad ni Kent. Wala na ngang nagawa si Claire kundi pumasok sa loob. 'Nandidiri ba siya sakin? Bakit ayaw man lang niyang hawakan ko siya? Samantalang nung mga bata pa kami lagi nya naman hinahawakan ang kamay ko? Tapos ngayon, ni halos hindi pa ako tingnan.' Nagtatampong aniya sa sarili. 'God, I don't know if I can hold back any longer. How I wanted to punch that man she was with kahit wala naman itong ginagawang masama. I would seem crazy kung di ko napigilan ang sarili ko na magsalita ng disgusto sa pakikipaglapit ng lalaking yon kay Claire.' Those were Kent's thoughts. He doesnt like Justin to be Claire's friend. He simply just don’t like that man na panay pa ang pa-cute. Mabuti nalang at kahit mdyo tinamaan siya ng alak ay nakapag’isip parin siya ng normal at naiwasang sunggaban si Claire pagkauwi nila ng bahay. Matagal na nyang ginagawa ang pag iwas rito kaya hindi na iyon bago sa kanya basta wag lang itong masyadong lalapit o magdidikit ang katawan nila at baka di na siya makapagpigil. Ilang araw ang nakalipas. Isang gabi, hindi makatulog ni Claire. Pabiling-biling siya sa higaan ng ilang oras hanggang sa napagpasyahan nyang bumaba para magtimpla ng gatas. 11pm na kaya malamang tulog na ang dalawang kasambahay na puro babae. Di rin siya sure kung umuwi si Kent dahil minsan ay sa Condo nito ito umuuwi pag busy sa trabaho. Hindi na siya nag abalang magsuot ng roba para takpan ang suot nyang pantulog. Isang spaghetti strap pantaas at mainipis at maiksing short lang ang suot nya nang bumaba sa kusina. Pagbukas niya ng ilaw sa kusina ay nagulat siya pagkakita kay Kent sa tapat ng refrigerator na akmang bubuksan ang pinto niyon. Gulat na gulat ito pagkakita sa kanya at mabilis na ibinalik sa harap nito ang mga mata. Nakasuot lang ito ng boxer shorts kaya kitang kita nya ang maskuladong pangangatawan nito na tila ba iniengganyo siyang lapitan at hipuin iyon. 'Sayang nakatagilid siya...' Sinita nya agad ang sarili sa naisip. "M-magtitimpla lang sana ako ng gatas k-kasi di ako m-makatulog. Huwag nalang pala." Nagkandautal na sabi ni Claire at mabilis na tumalikod at naglakad paalis ng kusina. Nakaka dalawang hakbang pa lang siya nang maalala na binuksan niya nga pala ang ilaw kaya nagmamadaling umikot siya. "Ang ilaw--" "I'll go upstairs." Putol ni Kent sa sasabihin ni Claire. "Ok." Pagdaan ni Kent ay saglit na tumigil ito sa tabi niya. Di alam ni Claire kung may sasabihin ba ito o ano. Awkward lang kasi medyo revealing ang suot niya kasi di naman niya inexpect na maaabutan niya ito rito. Tapos it naman ay naka boxers shorts lang din. Siguro nga ay nagiging malisyosa na siya. 'Pagkakataon naman oh!' "M-may nakalimutan ka?" Tanong ni Claire. Pumikit ito ng mariin. "Wala. S-sige goodnight." Anito at nagmamadaling umalis sa kusina. 'Myghaddddd!! Kinabahan ako dun ah! Kinabahan sa ano, excitement?!' Aba at mukhang nag-aaway pa ang magkaibang panig ng isip nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD