Chapter 4 - Can't Resist

1164 Words
Weekdays. Busy nanaman si Claire sa trabaho. Although maaasahan naman ang mga employees niya pero gusto nya paring hands-on sa negosyong pinamahala sa kanya ni Doña Faustina. Ayaw niyang masira ang tiwala nito at ayaw niyang madisappoint ito. Ilang araw na ring hindi umuuwi si Kent sa bahay pagkatapos nung gabing iyon sa kusina. 'Siguro busy sa trabaho kaya sa Condo niya siya nag sstay kasi mas malapit naman iyon sa workplace niya.' Di maiwasang maisip niya. Siyempre ay namimiss niya ito. Kahit naman di siya nito kinakausap, basta nakikita niya ito ay nakukumpleto na ang araw niya. Kakauwi lang niya ng hapon na iyon at papasok na siya ng bahay nang biglang nagring ang telepono. Sinagot ito ni Seli, isang kasambahay na mas matanda lang kay Claire ng ilang taon. "Hello po, Montecarlo Residence." Sagot nito sa tumawag. "Ay Maam kayo po pala. Wala po dito si sir eh. Ilang araw na rin pong hindi umuuwi. Opo. Opo andito na po si Maam Claire tawagin ko po." "Hi Mom kumusta po? Napatawag po kayo?" Tanong ni Claire kay Doña Faustina na nasa kabilang linya. "Akala ko nandyan si Kent. Kanina ko pa kasi tinatawagan pero di sinasagot." "Naku baka po busy sa trabaho, ilang araw na nga pong hindi umuuwi rito." "Naku talagang bata yan. Sinabi ko nang dyan na muna siya maglagi para may kasama ka dyan." "Ok lang naman po ako dito Mommy, kasama ko naman po sina ate Seli at Manang Lory." Tukoy niya sa mga kasambahay. "Kahit na. Mas panatag parin ako pag nandyan siya para nagkakakumustahan kayo lagi lalo at wala ako diyan." 'Kahit naman po nandito siya halos hindi niya naman ako kinakausap.' Sa sarili nalang niya iyon nasabi. "Pag pumunta po siya dito sabihin ko pong tawagan po kayo at nag aalala kayo." "Oo hija please pakisabi nalang na tumawag siya sa akin at may importante akong sasabihin sa kanya." Maya-maya ay nagpaalam na ito at may gagawin pa raw na importante. Katatapos lang maligo ni Claire ng gabing iyon. Gusto niyang naliligo pag gabi para mas masarap ang tulog niya. Nakasuot na siya ng pantulog at nagsusuklay ng buhok nang parang may narinig siyang kalabog sa kabilang kwarto. 'Umuwi ba si Kent?' Tanong niya sa isip. Magkatabi kasi ang kwarto nila kaya di nakapagtatakang narinig niya ang malakas na kalabog na iyon na tila malakas na pagsara ng pinto. Maya-maya pa ay nagsuot siya ng roba at tinungo ang kwarto ni Kent. Hindi pala nasarado ng maayos ang pinto ng kwarto nito kaya siguro ay narinig nya ito. "Kent.." tawag niya rito mula sa labas ng kwarto. Walang sumagot. "Kent nandiyan ka pa?" tawag niyang muli pero wala ulit sumagot. Napagdesisyunan na niyang pumasok sa kwarto nito. Habang papasok ay saka niya lang narinig ang lagaslas ng tubig mula sa cr nito. 'Ah naliligo pala kasi.' Lalabas na sana siya sa kwarto nito nang bigla namang lumabas ito mula sa CR na nakatapis lang. Nagulat ito pagkakita sa kanya pero mabilis itong naglakad papunta sa gilid kung saan naroon ang cabinet nito. "Kent tumawag pala kanina si Mom, hinahanap ka niya. Hindi ka raw kasi niya makontak. May importante raw siyang sasabihin sayo kaya tumawag ka raw sa kanya." Mahabang paliwanag niya rito kung bakit siya narito sa kwarto nito. Hindi man lang ito sumagot at tila walang narinig na ipinagpatuloy ang paghanap ng susuoting damit. Parang naasar naman si Claire sa inakto nito kaya nilapitan niya ito at hinawakan ang braso para mapaharap sa kanya. "Kent narinig mo ba ang sinabi ko, ang sabi ko ay--" "I heard you. So please just get out of my room." Anitong iwinaksi ng mabilis ang kamay niyang nakahawak rito nang hindi tumitingin sa kanya. "Bakit ba kasi di ka sumagot? Tsaka ano bang problema mo bakit parang nandidiri ka sakin?! Ni hindi mo ako tinitingnan. Para akong nakikipag-usap sa hangin!" Inis na talaga si Claire. Hindi na talaga siya nakapagpigil at bahagyang tumaas ang boses nya. Pagkatapos ay hinila niya ulit ang braso nito para mapaharap sa kanya. Dahil sa ginawa niya ay napaharap na nga sa kanya si Kent at nagkatitigan sila. Parang biglang nag iba ang ihip ng hangin at nawala nalang bigla ang inis niya. Parang bigla siyang nag init. Nagulat nalang siya nang biglang isinandal siya ni Kent sa cabinet nito at biglang hinalikan ang mga labi niya. Parang nagmamadali ang halik nito at parang sabik na sabik na ayaw nang lubayan ang kanyang mga labi. Nabigla man ay napapikit na rin siya at ramdam na ramdam niya ang panggigigil nito habang hinahalikan siya at maging siya ay tumugon na rin sa halik nito kahit di naman siya marunong. Maging ang mga kamay niya at napahawak na rin sa batok nito. ‘Gosh, is this really happening?’ taong nya sa isip. Napaungol pa siya nang maramdaman ang mga kamay nitong sa bewang niya. Naitaas na pala nito ng bahagya ang roba niya kung kayat damang dama niya ang mainit na mga kamay nitong humahaplos sa bewang niya hanggang pati ang tyan niya ay hinahaplos narin nito. Bumaba pa ang paghalik nito sa leeg niya hanggang sa dumapo ang mga labi nito sa may puno ng dibdib niya. Sobrang init na ng pakiramdam niya at sarap na sarap siya sa ginagawa nitong paghalik at paghaplos sa kanya. Hanggang sa humimas na ang kanang kamay nito sa kaliwang dibdib niya na natatabunan pa ng damit nya. Bahagya na ring nakalabas ang kanang dibdib niya na hinahalik halikan nito at dinidilaan. Napasinghap siya at napaungol sa sarap. "Ahhh Kent..." hindi naiwasang natawag niya ang pangalan nito habang nalalasing sa ginagawa nitong paghaplos at paghalik sa kanya. Sa halip na lalong mag init ay bigla itong napatigil sa ginagawang paghaplos at paghalik sa kanya. Tila binuhusan ng napakalamig na tubig na bigla itong nagising. Agad nitong hinila ang mga kamay at tumayo ng maayos. "I-I'm sorry." Anito pagkatapos ay tumalikod sa kanya. "Please leave." Pakiusap iyon pero sa pagkakabigkas nito ay tila utos iyon. "K-kent..." nag aatubili pa si Claire kung aalis na ba siya o gusto niyang pag usapan ang nangyari. "Please lumabas ka na!" May diin ang pagkakabigkas nito sa mga huling salita kaya wala nang nagawa si Claire kundi lumabas ng kwarto nito. 'Ano'ng nangyari??' Tila hindi makapaniwalang tanong ni Claire sa sarili pagkapasok sa sariling kwarto. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Pero parang ramdam na ramdam pa niya ang maiinit na halik ni Kent sa kanya pati ang kamay nito sa kaliwang dibdib niya. Ngayon lang niya naisip ang posibleng nangyari kanina kung hindi natauhan si Kent sa ginagawa. Mixed emotions ang nararamdaman niya ngaun habang natutulalang humiga sa kama niya. May gusto rin kaya si Kent sa kanya? Pareho kaya sila ng nararamdaman sa isa’t-isa ngunit pareho niya ay pinipigilan din nito iyon? Nabigla lang ba ito kaya nagawa iyon? Pinagtitripan lang ba siya nito? Ilan lang iyon sa mga tanong niya sa sarili habang tulalang nakatingin sa kisame ng kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD