Chapter 2 - Coincidence

1292 Words
Hindi mapigilang mapangiti ni Claire pagkatapos ay tatawa, at papagalitan ang sarili pag naaalala niya ang sinabi ni Kent dati. 'Do you want to touch it?' Kinikilig sya at kalaunan ay napapahiya sa sarili. Hello? Parang kapatid nya na ito. At parang tunay na Mama nya na si Doña Faustina. Ganunpaman, alam niyang mali pero hindi nya mapilit ang sarili na wag magkagusto kay Kent. May gusto siya kay Kent. Matagal na. Hindi nya kailangang magsinungaling sa sarili pero hnd ito maaaring malaman ng iba. Marami ang nanliligaw sa kanya pero wala syang nagugustuhan kahit isa sa mga ito. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang magkagusto siya kay Kent. Siguro dati pa nung mga bata pa sila. Siguro dahil palagi siyang inaalagaan at palagi silang magkasama noon. Baka dati pa siyang may gusto rito pero di pa siya aware sa feelings na iyon? O baka dahil dalaga na siya kaya nag iba na ang tingin niya rito dahil hindi naman talaga sila magkapatid? Hindi niya alam kung kailan at kung paano. But she knows that she likes him not as a friend especially not as a brother. She likes him romantically. Biglang nag-ring ang phone niya at nakita nyang si Faye ang tumatawag kaya agad na sinagot nya ito. "Hello." Bungad niya pagkasagot ng tawag. "Hi Sis! Let's have a girls' night out tutal Friday naman ngayon. Tinawagan ko na rin si Betty." "Ok. Gusto ko ring magrelax ngayon." Sagot niya agad rito. Sina Betty at Faye ang best friends nya. They were classmates in college at pare-parehong Business Ad ang course na kinuha nila. Now they own, or if not, manage their own businesses. In her case, she's managing one of Doña Faustina's businesses while nasa abroad ito. It was the latter’s request. Sa isang bar nila napagkasunduang mag jamming since bihira rin naman silang pumunta rito nang magkakasama. Strict din kasi ang boyfriend ni Betty. While Faye and her are both single. "Ang daming pogi." Kumento ni Faye habang panay ang tingin sa paligid. "Oy girl, panay hanap ka ng pogi pero ayaw mo namang magjowa." Umismid na sabi ni Betty. "Problema lang yan pag may commitment. Kita mo ikaw, halos hindi na namin nakakasama ni Claire pag gagala. Paano pa pag mag-asawa na kayo? Ano kakalimutan mo na kami?" Naiiling na sagot ni Faye. "Hindi naman. Pero syempre maganda yung may label. May right ka tsaka may matatawag na 'sayo.'" Tila kinikilig na sambit nito. "Kanya-kanyang trip lang yan, diba Claire?" Baling sa kanya ni Faye. "Ah..siguro...iba-iba naman kasi ang gusto ng mga tao." Ngumingiting paliwanag niya sa dalawa. "Isa rin kasi tong mapili eh. Aba't ang dami mong manliligaw nong college pero ni isa wala kang sinagot." Sabi ni Betty. "Ang sabihin mo, baka hinaharang lahat ng kuya-kuyahan niya. Diba Claire? Masyadong istrikto." Ani Faye na naiiling. “ay korek ka jan sis. Paano magkakaboyfriend itong kaibigan natin niyan.” Tumango-tangong saad naman ni Betty. “baka maexpired na lang ang matris mo sis single ka parin.” Biro sa kanya ni Faye at nagtawanan ang dalawa. Magsasalita na sana si Claire nang may biglang nagsalitang lalaki malapit sa kanya. "Hi ladies. Mind if I join you?." Napatingala siya sa lalaking kadarating lang. Gwapo ito at palangiti, mukhang friendly. “Hi! Sure, you can join us.” -si Faye. “By the way, I’m Justin.” Nakalahad ang kamay nito sa kanila--specifically to her dahil sa kanya pinakamalapit. Nakipagkamay naman sya at nagpakilala, "Claire." Sumunod naman ang dalawa pa nyang kaibigan. "Napansin kong di kayo nagsasayaw. Is it really ok if I join you here? May magagalit ba?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo pagkatapos at napako sa kanya ang tingin nito. "Walang magagalit. Right Claire? Sure, you can join us." Si Faye na ang sumagot at ngumingiti pang tumingin sa kanya. Sinita nya ito sa pamamagitan ng panlalaki ng mga mata niyang nakatingin dito. 'Mukhang mabait naman si Justin.' Ani Claire sa isip habang kakwentuhan ito. Saglit namang nagpaalam ang dalawang kaibigan niya para pumunta sa confort room. Hindi naman ito boring kausap at panay rin ang biro nito. Mukhang sanay rin itong mambola kaya natatawa nalang siya rito madalas. Sa ganoong tagpo siya nakita ni Kent na kakapasok lang sa bar kasama ang mga kaibigan nito. "Kent pre, diba si Claire yon?" Tanong ni Bart sabay nguso sa isang babaeng tila kinikilig na nakikinig sa isang lalaki. Napakunot naman ang noo ni Kent pagkakita kay Claire. 'What is she doing here alone with that man? And who is that man?' Tanong ni Kent sa sarili. Kilala niya ang close friends ni Claire, even her suitors before ay nakilala rin niya but that man na kausap ni Claire, he's sure na ngayon pa lang niya iyon nakita. 'Bakit parang close na sila?' Tanong nya parin sa isip. "Is that her boyfriend?" Tanong naman ni Kyle. "I doubt it." Sagot ni Kent na nakakunot-noo parin. "Kung pinayagan mo kasi sana akong manligaw kay Claire, ako sana ang kasama nya ngayon." Ngumingising saad ni Kyle. Tiningnan nya lang ito ng masama na ikinatawa nito at ni Bart. Siguro, sa palagay ng dalawa nyang kaibigan ay over-protective lang siya kay Claire kaya di niya pinayagan ang kaibigan na ligawan ito. But what they don't know is that he just dont want any man to be her boyfriend. Especially his friends. Ayaw niya. Basta ayaw niyang magboyfriend ito. No more explanations to himself. Sakto namang napatingin sa gawi nila si Claire kaya nakita nito ang seryosong mukha ni Kent. Halatang nagulat ito pagkakita sa lalaki. Agad lumapit sa mga ito sina Kyle kaya napasunod nalang din siya sa mga ito. "What's up Claire?" Masiglang bati ni Kyle kay Claire nang makalapit sa dalawa. Pagkatapos ay binalingan nito ang lalaking kausap ni Claire nang may pagtatanong ang mga mata. "Nandito rin pala kayo. Siya nga pala si--" "Justin." Putol ni Justin sa sasabihin ni Claire at nag akmang makikipagkamay. "Kyle." At nakipagkamay kay Justin. "Bart." pakilala naman ni Bart at nakipagkamay rin kay Justin. "And this is Kent, Claire's---" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Kyle nang biglang dumating sina Faye at Betty. "You're here too." Tila di makapaniwalang saad ni Faye habang papalapit. Pinsan nito si Kyle at malapit ang dalawa. "Oh, nice to see you here cousin." Ani Kyle at nagbeso kay Faye. Nakatingin lang si Kent habang nakikinig sa mga ito. Hindi pa rin niya alam kung sino ba ang lalaking ito na kasama ni Claire. 'Well, atleast kasama pala ang mga kaibigan niya.' Aniya sa isip. Wala rin naman siyang lakas ng loob para direktang itanong kung sino ito o kung ano ito ni Claire. Tsaka bakit naman niya itatanong? Bago pa man sila makaupong muli ay nagpaalam na si Justin sa kanila. Nagsayaw naman sa dance floor ang magpinsan na sina Kyle at Faye. "I heard di ka parin tinatantanan ni Monique." Ani Bart kay Kent. Nagkibit-balikat lang si Kent sabay tungga ng alak. "Iba ka talaga pre. Ishare mo naman sakin ang secret mo." "She just needed someone to be with and I happened to be there." Walang anuman na sagot ni Kent. "Parang tinamaan talaga sayo si Monique." Iiling-iling na sabi ni Bart. "Ano Claire, pasado ba?" Tanong agad ni Faye pagbalik sa table. "Pasado alin??" Maang na tanong ni Claire sa kaibigan. "Sus. Hindi alin, sino! Si Justin. Obvious naman na type ka." Napatawa naman si Claire sa sinabi ng kaibigan. "Masyado kang advance mag-isip." "Ang tanong, pasado ba kay Kent?" Baling naman ni Kyle kay Kent. Tumingin lang dito si Kent na blangko ang ekspresyon ng mukha. "Tssskk! Baka tumanda kang dalaga Claire sige ka." Ani Faye. "It surely won’t happen." Biglang sabi ni Kent kaya gulat na napatingin dito si Claire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD