Days, weeks, and months passed. Patuloy pa rin sa panunuyo sa kanya si Alejandro pero hindi naman nagbabago ang pakikitungo niya rito. Malamig parin. Sa totoo lang ay nai-stress siya kung paano niyo ito patitigilin. Nagulat pa siya nang isang araw ay biglang umuwi muli si Doña Faustina. Anito ay kinukumusta lang nito ang kalagayan nila ni Kent at ang mga negosyo. But she has a feeling na gusto lang nitong tulungan na mapalit sa kanya si Alejandro. Niyaya pa ng Doña ang binata na magdinner sa kanila isang gabi na agad naman nitong pinaunlakan. “Alejandro, kumusta naman kayo nitong anak ko?” tukoy sa kanya habang kumakain sila. “Ok naman po tita..although di po yata siya sanay makipagkaibigan sa mga lalaki.” “Actually hijo that’s my fault kasi di ko siya pinapayagan noon makipaglap