“Claire Hija, what do you think about Alejandro?” Bigla siyang napatigil sa pagsubo ng pagkain sa tanong na iyon ni Doña Faustina. Awtomatikong napabaling siya kay Kent na kumakain sa harap niya na bahagya ring natigilan. “Uhm. Mukhang mabait naman po siya Mom.” “Kung ganon bakit di mo siya bigyan ng chance hija? He really likes you.” “Wala pa po sa isip ko ang mag magboyfriend Mom.” Wika nalang niya habang pasikretong sinusulyapan si Kent na tahimik lang habang kumakain. “It’s really my fault. Masyado kaming naging strikto sayo, tuloy nasanay kang hindi pinapansin ang mga nanliligaw sayo. But Alejandro’s different anak, kilala ko ang pamilya niya.” “Mom wag mo nang pilitin si Claire na magustuhan ang lalaking yon. Hayaan mo siyang magdecide.” Hindi nakatiis na nagsalita na rin si K