Lumipas ang mga araw. Madalas na bumibisita sa Mansiyon si Alejandro para dalawin siya. Palagi rin itong may dalang bulaklak o pasalubong sa kanya. Kahit sa opisina niya ay madalas rin siya nitong binibisita. Kinausap na niya ang binata na wala pa sa isip niya ang pagnonobyo ngunit patuloy parin ito sa pagsuyo sa kanya. Ayaw naman niya itong pilitin na tumigil na dahil pag nalaman ni Doña Faustina ay malamang magalit pa sa kanya. Kahit nasa ibang bansa na muli ang Doña ay ayaw pa rin niyang mabalitaan nito na hindi niya pinakikitunguhan ng maayos ang anak ng kaibigan nito. Lalo tuloy nabawasan ang oras nila ni Kent na magkasama. Nagkataon ring busy si Kent sa negosyo kaya bihira sila nitong magkita dahil minsan ay nasa out of town ito. Mahal niya si Kent. Mahal na mahal. Pero paano