"Anong balak mo ngayon Vea?" Tanong sa akin ni Amara. Huminga ako ng malalim.
"Magumpisa na tayo sa paghahanap. ihanda niyo ang sarili niyo sa maaring mangyari oras na lumabas tayo." Sabi ko sa kanila. Tumango sila sa akin.
Kinuha nila ang mga sandata nila na maaring magamit nila.
"Maganda sana Yung binigay nung babae kaso biglang na wala kasabay ng pagkawala niya." Sabi ni Perkto habang sinusuot ang five pinger na bakal sa kamay niya. Sumangayon naman ang dalawa. Sinuot ko sa bewang ko ang baril ko. Saka ako nagsuot ng jacket na itim. Tinali ko pataas ang buhok ko. Saka ko sila niyaya ng lumabas.
"Saan kayo pupunta? Alam niyo ba na dilikado ang lumabas ngayon. Lalo na ang mga kagaya niyo." Sabi ng may Ari ng aliwan na tinutuluyan namin.
"Ayos lang kami. Wag Kang magalala. Maghahanap lang kami ng makakainan." Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya kami ng maigi. Maya maya tumango na lang ito.
"Pinapaalalahanan ko lang kayo. Dahil alam ko na mga baguhan kayo dito." Sabi niya sa akin.
"Salamat sa paalala." Sabi ko saka ngumiti dito.
"Alam ko na may hinahanap kayo. Baka makatulong ang sasabihin ko sayo. May nakarating na Balita sa akin kahapon. Nagbukas ng Academy ang mga Ace clan. Bukas para sa lahat baka gusto niyong pumunta dun malay niyo doon niyo makita ang hinahanap niyo. Mas safe kayo dun dahil ang balita ko nandoon ang Diyosa ng liwanag." Sabi nito napakunot ang noo ko.
"Diyosa ng liwanag?" Tanong ko sa kanya. Parang narinig ko na yun.
"Baka siya yung nakausap nating babae Vea." Bulong ni Amara sa akin. Napaisip ako.
"Kung ganun kailangan naming pumunta dun dahil marami pa akong nais itanong sa kanya." Bulong ko sa isip ko.
"Maari ba naming malaman kung saan namin makikita ang Academy na sinasabi mo?" Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka ngumiti ito sa akin. Sinabi niya kung saan namin makikita ang academy na sinasabi niya. Nagpaalam na kami sa kanya. Lumabas kami ng bahay aliwan dala ang mga bagahe namin. Tanging Yung kulay asul na liwanag sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"Magiingat kayo." Sabi ng mayari ng bahay aliwan sa amin. Nagpasalamat kami dito. Bago kami lumabas. Napaka tahimik sa labas ng lumabas kami. Iilan lang ang nakita namin na nilalang. Sinuot ko ang hood ng Jacket ko. Nagsimula na kaming maglakad. Sabi ng babae na may ari ng bahay aliwan. Wag daw kaming sasakay kahit anong sasakyan na humintoat magalok sa amin at magiingat din kami sa makakasalubong at nakakausap namin. Kaya tahimik kami habang naglalakad may binigay na mapa sa amin ang babae. Papuntang academy ng mga Ace.
Nakita namin na napapatingin sa amin ang mga nilalang na nadadaanan namin. May mga grupo na naguusap sa gilid. May naghahasa ng sandata niya. May nakaupo. Tahimik naman kaya nakahinga kami ng maluwag. Huminto muna kami sandali ng makaramdam kami ng pagod. Kinuha ko ang tubig na nasa bag ko at uminom. Ganun din sila Pekto.
"Nasaan na tayo Pekto?" Tanong ko dito. Nasa kanya kasi ang mapa.
"Palabas palang tayo sa unang baryo." Sagot nito. Napatango ako. Inabutan ako ng tinapay ni Amara. Isa ito sa pinabaon ng may ari ng bahay aliwan. Kumakain kami ng may biglang lumabas na matanda galing sa loob ng bahay na sinasandalan ko. Agad na naging alerto sila Pekto. Pero sinita ko sila. Tumingin ito sa amin.
"Mga Ginoo maari ba akong makahingi ng makakain sa inyo? Nagugutom na kasi ang asawa ko na may sakit." Sabi nito. Nagkatinginan ang mga kasama ko.
"Amara! Ibigay mo sa matanda ang baon nating tinapay." Sabi ko kay Amara. Magrereklamo sana sila sa akin pero sinamaan ko sila ng tingin kaya walang nagawa si Amara binigay niya ang tinapay sa matanda nagpasalamat ito sa amin.
"Salamat mga Ginoo. Sa tingin ko makakatulong ito sa inyo para matuntun niyo ang hinahanap niyong lugar. Kung sa tingin niyo na naliligaw kayo pakawalan niyo lamang yan at sundan niyo Ang liwanag na yan ihahatid niya kayo sa lugar na pupuntahan niyo. Magiingat kayo sa paglalakbay niyo." Sabi nito saka nagmamadali ng sinara ang pintuan ng bahay niya. Napatingin ako sa maliit na bote na inabot niya sa akin. May maliit na bagay na nagliliwanag sa loob. Huminga na lang ako ng malalim at binulsa ito Saka niyaya na sila na maglakad uli.
"Magsimula na tayong maglakad." Sabi ko sa kanila. Sa sumunod na Lugar na dinaanan namin naging alerto kami. Dahil nagkakagulo dito. May nasalubong kami na mga sugatan.
"Magiingat kayo! Wag na kayong tumuloy Hindi niyo sila kakayanin." Sabi nila sa amin. Napakunot ang noo ko.
"Vea, Magiba na lang kaya tayo ng daan." Sabi ni Amara sa akin. Tumingin ako Kay Pekto.
"May iba pa ba tayong dadaanan?" Tanong ko kay Pekto. Pero imbis na sumagot tumingin ito sa harap namin.
Kaya napatingin ako sa harap namin. Nakita ko ang Isang grupo. Puro dugo ang katawan nila. Patungo ito sa amin.
"Sa tingin ko Vea huli na para humanap ng ibang daan." Sabi ni Berto. Saka humanda sila. Hindi ako umimik.
"Anong gagawin natin Vea?" Tanong ni Pekto.
"Ano bang klaseng tanong yan Pekto. Ano ba sa palagay mo ang gagawin natin. E di lalaban ano pa nga ba. Maliban kung gusto mong mamatay na lang ng Hindi lumalaban." Inis na sabi ni Amara natawa si Berto.
"Pikon agad nagtatanong lang e." Sabi ni Pekto. Napailing na lang ako sa kanila. Tiningnan ko ang grupo na palapit sa amin. Nakita ko na ito yung grupo na Muntik na naming nakalaban sa kainan.
Hawak na naman nila Yung mga sandata nila na kakaiba. Ngumise ang lalake ng Makita niya kami.
"Kayo na naman. Minamalas talaga kayo." Sabi ng Isa sabay tawa. Hindi ako umimik. Tiningnan ko lang siya.
"Magsipag handa kayo. Mag pocus." Bulong ko sa mga kasama ko. Ng biglang atakihin kami ng mga ito. Nagkahiwahiwalay kami. Sige ang ilag ko sa atake ng may hawak na kadena. Sunod sunod na hinampas niya ako ng kadena she ang Iwas ko ng tatamaan na niya ako dadalahin ko sana ito ng kamay ko nagulat ako ng lumabas sa kamay ko ang sandata na binigay ng matandang babae sa akin. Agad na nagliwanag ito. Nagulat ang kalaban ko.
"Blade of internal frost.!!' Sigaw ng kalaban ko. Sabay layo. Nagtipon sila Lumapit sa akin sila Amara nagulat ako ako ng makita na hawak narin nila ang mga sandata na binigay ng matandang babae sa limang bahay. .
"The transcendent blade..!!" Sabi ng lalake na leader nakatingin siya Kayla Pekto. Bakas ang pagkabigla nito sa nakita. Napakunot ang noo ko.