***AZREIL POV#***
Naramdaman ko na lumabas sila kaya lumabas narin kami. Pumasok sila sa Isang kainan. Nakaramdam ako ng kakaibang pwersa pagpasok ko sa lugar igunala ko ang paningin ko. Nakita ko ang Isang grupo. Lihim ko itong pinagmasdan habang nakaupo. Kagaya ng dati ang mga kasama ko ang nakipagusap sa nilalang na lumapit sa amin.
"Malapit na naman ang Eklipse. Dilikado na naman gumalagala ang mga mahihinang nilalang." Rinig Kong Sabi ng isang matanda malapit sa lamesa ng binibini. Nakita ko na lumipat dito ang Isang kasama ng binibini. Nakipagkwentuhan ang Kasama ng binibini sa mga matatanda. Lihim akong nakikinig sa kanila habang umiinom ng tsaa. Ng biglang tumayo ang lalake na nasa tabi ng lamesa namin. Tinitigan ko ito. Narinig ko na naguusap sila ng mga kasama gamit ang isipan nila. Ng maglabas ito ng itim na usok nagaalala ako. Kilala ko ang kakayahan na yun Isa iyong Salamangkang itim. Oras na pumasok sayo ang itim na usok mapapasunod kana niya kahit ayaw mo.
Aktong tatayo na ako ng bigla itong sipain ng binibini. Naglabas uli ito ng usok at inis na humarap ito sa binibini pero bago niya pa malapitan ang binibini Sinipa siya uli ng lalaking kausap ng mga matatanda. Nagtakbuhan ang mga kausap nito ng makita ang grupo ng lalake na kalaban ng binibini. Mga nakatayo na ang lahat ng kasama ng lalake na may usok sa kamay. pinaikutan nila ang grupo ng binibini.
"Naku mga Warlocks ang mga yan." Sabi ni Biboy. Napakunot ang noo ko.
" Kilala ko ang mga Warlocks sila Ang lahi ng Ina ng Diyosa ng liwanag at hindi gumagamit ang mga Warlocks ng karunungang itim." Bulong ko.Nakita ko na nilabanan ang mga ito ng grupo ng binibini. Gusto Kong humanga sa kakayahan nila. Kaso alam ko na Hindi nila kakayanin ang mga pekeng Warlocks. Kaya naglabas ako ng nakasisilaw na liwanag. Nagulat silang lahat at Isa Isang lumisan ang nga ito. Naiwan ang grupo ng binibini na nagtataka.
"Ang galing mo Master! Pano mo nalaman na sa liwanag sila takot!?" Tanong ni Jepoy. Ngumiti lang ako. Nakita ko na lumabas na ang grupo.
Lihim Kong sinundan ang mga ito.
Nagulat ako ng makitang pumasok ang mga ito sa bahay na nagbebenta ng mga Sandata. Nakakita ako ng Isang inuman sa tabi naupo ako doon. Tuwang tuwa ang dalawang kasama ko.
"Uy! Ikaw Master ah. Hindi mo sinasabi na umiinom ka pala." Sabi ni Biboy. Hindi na lang ako umimik. Lihim Kong pinakikingan ang nasa loob ng bahay. Pero hindi ko marinig ang pinaguusapan sa loob. Kahit Ginamitan ko na ito ng pwersa. Ang sumunod na ginamit ko ang mata ko. Pero hindi ko naman makita kung Anong nangyayari sa loob.
"Nababalot ng malakas na mahika ang bahay." Bulong ko. Dahil ngayon pa lang nangyari na may nakasangga sa kakayahan ko. Napakunot ang noo ko. Maya maya hindi na ako makatiis aktong tatayo na ako ng biglang naglaho ang bahay. Nakita ko na naiwan ang grupo ng binibini na nakatayo.
"Goddess power!" Bulong ko. Dahil ang may kakayahan lang na ganun ay Isang goddess. Walang ibang nakapansin sa pagkawala ng bahay. Miski ang mga kasama ko. Dahil ang makakapansin lang nun Yung may malakas na kapangyarihan.
"Kaya pala Hindi tumtalab ang powers ko. Hindi rin pala basta basta ang nasa loob." Bulong ko. Pinagmasdan ko ang grupo. Nagsibalik na sila sa bahay aliwan.
"Napapaisip ako bakit nandito ang Isang goddess? Akala ko ba ako lang ang pinababa dito sa lupa? Ano ang kailngan nila sa binibini? At sino siya bakit Hindi niya ako kinausap man lang. Alam ko na alam niya na nasa paligid lang ako." Sunod sunod na tanong ko sa isip ko. Napapaisip ako.
"Parang may mali sa nangyayari?" Bulong ko uli. Sak inilabas ang bato. Nagliliwanag ito. Tanda na nasa paligid ko lang ang nagmamayari sa kanya. Huminga ako ng malalim. Maya maya tumayo ako Nakita ko na Natutulog ang mga kasama ko. Nilabas ko ang bato Saka sinundan ito. Huminto ito sa tapat ng pangatlong pintuan. Ginamit ko ang power of sight ko. Nakita ko kung sino ang mga nasa loob. Nagulat ako ng makita ang grupo ng binibini.
"Kung ganun Isa sa kanila ang nagmamayari sa bato." Bulong ko.
"Kaya pala nanatili ang liwanag ng bato." Bulong ko. Bumalik na ako sa silid namin.
"Ang kailangan ko na lang malaman kung sino sa kanila ang nagmamayari ng bato." Bulong ko uli Saka napaisip.
***ALVEA POV#***
Hindi na ako nagtaka ng magising kami kinabukasan na madilim parin sa labas.
"Vea, Mukhang dumating na ang eklipse na sinasabi ng mga matatanda kahapon." Sabi ni Amara.
"Maari. Kaya maging handa kayo. Maging alisto lagi sa paligid. Maaring maulit ang nangyari kahapon." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Nakatingin kami sa labas. Tahimik ito Hindi kagaya noong nakaraang araw.
"Vea baka ngayon natin makikita ang mga taong nakaitim." Sabi ni Perkto. Nakaramdam agad ako ng galit.
"E di maganda." Sabi ko Saka naikuyom ang kamao ko.
"E Vea, sa tingin ko Yung mga nakalaban natin noong Isang araw walang pinagkaiba sa mga taong nakaitim. dahil noong noong nakalaban namin sila may napansin ako sa kanila. Mukhang Hindi sila namamatay." Sabi naman ni Berto. Napatingin ako sa kanya. Binatukan ito ni Pekto.
"Sira ulo sino naman ang nilalang dito sa mundo na hindi namamatay ano sila Diyos." Sabi ni Pekto. Tumawa naman si Amara. Kumamot sa ulo si Berto.
"Pano mo naman nasabi na hindi namamatay ang kalaban natin nun E bussy tayo sa pakikipaglaban." Sabi ni Amara.
"Napansin ko kasi. Parang bale Wala lang sa kanila ang sandata natin." Sagot naman ni Berto.
"Yun ang sabihin mo. Hindi yung Hindi sila namamatay." Sabi ni Pekto. Napaisip ako.
"Kung pagbabasihan ang mga nakalaban namin noong Isang araw. Mga kakaiba silang nilalang maaring mangyari nga ang sinasabi ni Berto. Maaring makaengkwentro kami ng mga nilalang na walang kamatayan. Kung nagkataon ano ang gagawin namin?" Bulong ko sa isip ko.
"Ano ang gagawin namin kung ang mga dala naming sandata ay walang talab sa kanila. Ano bang klaseng mga nilalang ang hinahanap namin? At ano bang klaseng lugar tong napuntahana namin?" sunod sunod na tanong ko sa isip ko.