Chapter 12

1087 Words
Nagtataka na nagkatinginan ang mga kasama ko. "San niyo nakuha ang mga sandata niyo? At sino ba kayo?" Tanong nito sa amin. Tiningnan ko lang siya. "Kahit sino pa kayo hindi niyo kami masisindak." Sabi ng Isa sabay sugod sa amin. Sumugod din ang iba nilang Kasama. Humanda kami sa pakikipag laban. Nagulat ako kasi parang may isip ang sandata ko. Sumusunod ito sa bawat maisip ko. Kapag nais kong humaba ito humahaba ito kapag nais kong maghiwalay ang blade nito nagiging dalawa ito. Kaya nagenjoy ako sa paggamit nito. Para kasing nagiging Iisa kami nito. Ng hahampasin ako ng kadena inisip ko na humaba ang sandata ko. Sabay sanga sa kadena. Pumulupot ang kadena niya dito sabay tusok ko sa kanya. Nabitawan niya ang kadena. Naiwan na nakapulupot sa sandata ko ito. Sugatan na nagsitakas sila. Nagulat kami ng kusang mawala ang sandata sa mga kamay namin. "Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila ng lapitan ko sila. "Ayos lang Vea." Sagot ni Amara. "Whoo! Ang galing nun ah. Pakiramdam ko parang nabalutan ako ng pwersa na hindi ko alam." Sabi ni Pekto. "Ako pakiramdam ko Iisa kami ng sandata ko." Sabi naman ni Berto. Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang bag na hawak ko kanina. Kinuha narin nila ang mga bagahe nila at nagsimula na kaming maglakad. Sige ang kwentuhan nila habang naglalakad kami. ***AZREIL POV#*** Kanina pa namin sila sinusundan. Nakita namin na huminto sila sa Isang bahay. Napakunot ako ng noo ng may lumabas na matanda sa bahay. Nakita ko na kinausap niya ang binibini. Nakita ko na may inabot ang matandang lalake sa binibini. Ng makita ko na umalis na ang grupo ng binibini nilapitan ko ang bahay kumatok ako dito. Nakita ko ang pagkagulat ng matanda ng makita niya ako. Napakunot ang noo ko ng makita ko siya. Aktong aalis na ito ng hawakan ko siya sa damit.Bigla itong nagbago ng anyo. Naging ashnow ito. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanya. Nagtakip ito ng mukha. "Patawad kamahalan napagutusan lang po kami." Sabi ng mga ito at agad na yumukod. "Sino ang nagutos sa inyo?' Tanong ko uli sa kanila. Nagkatinginan ang dalawa.Tinitigan ko sila. "Patawad kamahalan hindi po namin pwedeng sabihin." Sabi ng dalawa. Napakunot uli ang noo ko. Tinitigan ko sila ng maigi kung nagsasabi sila ng totoo. Huminga ako ng malalim. "Kung ganun ano ang binigay niyo sa binibini?" Tanong ko uli sa kanila. "Lambana kamahalan. Inutos po sa amin na ibigay po yun sa binibini upang Hindi ito maligaw." Sabi uli nito. Napakunot ang noo ko. "Maligaw saan?" Tanong ko sa isip ko. Pero hindi ko na itinanong dahil alam ko na Hindi rin nila ako sasagutin. Kaya kailangan kong alamin. Kung saan pupunta ang binibini Saka bakit mukhang kailangan makarating ang binibini doon? At mukhang ginagabayan siya ng mga Diyosa. Sino ba siya?" Naguguluhang tanong ko sa isip ko. Pinakawalan ko na ang dalawa. Agad na naglaho ang mga ito. Nagmamadaling sinundan ko ang grupo ng binibini. Kinabahan ako ng may makasalubong kami na mga sugatan. "Ayon sa amoy ng dugo nila Isang makapangyarihang sandata ang ginamit sa kanila at mukhang hindi na magtatagal ang mga ito dahil nakikita ko na ang mga tagasundo na sumusunod sa kanila." Bulong ko sa isip ko. Ng maalala ko ang binibini agad akong nagmadali. "Nanganganib siya." Bulong ko. Ngunit huli na kami. Nakita na sila ng grupo na nasagupa ng mga sugatan na nilalang na nakasalubong namin. Gagawa na sana ako ng liwanag upang Iligtas ang binibini pero nagulat ako ng biglang lumabas sa kamay niya ang kakambal ng sandata ko ang blade of internal frost. Ikinagulat ko din ang mga sandata ng mga kasama niya. "Blade of Transcendent night!" Bulong ko napakunot ang noo ko. "Pano napunta sa kanila ang mga sandata ng mga Goddess." Bulong ko sa isip ko. Tiningnan ko sila sa pakikipaglaban. Bihasang bihasa sila gamitin ang sandata. "Pano nangyari na napaamo nila agad ang mga sandata?" Tanong ko uli. Dahil kung titingnan mo kinilala agad sila ng mga sandata. Samantalang ngayon ko palang nakita na hawak nila ang mga ito. Ng may maalala ako. "May nangyayari dito na hindi ko alam. Meron ba silang hindi sinabi sa akin." Bulong ko habang pinapanood ko kung papano sila nakipaglaban. "Ang galing pala ng grupo na yan. Kung titingnan mo pangkaraniwan lang sila. " Sabi ni Biboy. Na nasa tabi ko. "Ano ka ba tingnan mo ang sandata nila nagliliwanag. Siguradong Hindi lang sila pangkaraniwan malakas din sila." Sabi naman ng Isang kasama ko. Nakita ko na umurong na ang mga kalaban nila. Humanga ako sa paggamit nila ng sandata. Nagsimula na silang maglakad "Mukhang papunta sila sa lugar ng mga Gargoyles." Sabi ni Biboy. Napatingin ako dito. "Dilikado ang lugar na yun. Malulupit ang mga nakatira dun." Sabi naman ni Jepoy Tiningnan ko ang grupo na nasa unahan namin. Hindi ko nararamdaman ang takot sa kanila. Sinundan lang namin sila. "Mukhang padilim na mas lalong dilikado na ang paligid." Sabi ni Jepoy. Tiningnan ko ang paligid padilim na nga unti unti ng na nawawala ang kulay blue na liwanag sa langit. Tiningnan ko ang grupo na nasa unahan namin. Parang balewala lang sa mga ito. Maya maya Nakita namin na huminto ang mga ito. Pumunta sa ilalim ng puno. Maya maya walang ano ano na nagakyatan ang mga ito sa puno. Pumunta kami sa ilalim ng puno na inakyatan nila. Naupo kami dun. Naglabas ako ng aura at pinaikutan ang puno. Pansamantala kaming nagpahinga dun. Nakita ko na agad na nakatulog ang dalawa kong kasama. Nag concentrate ako. Nais kong makipagusap kayla ama. Sa pamamagitan ng isipan. "Azreil! Bakit mo kami tinawag?" Tanong ni Ama sa akin. "May nais po akong malaman ama." Sabi ko sa kanya. "Ano yun anak?" Tanong ni ama sa akin. "Mayroon pong gumugulo sa isipan ko. Meron po ba kayong inutusan pumunta sa lupa maliban sa akin?" Tanong ko Kay Ama. "Wala anak." Sabi ni ama sa akin . Napakunot ang noo ko. "Bakit?" Tanong ni Ama sa akin. "May Nakita po ako dito mga transcendent." Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo ni Ama. "Pano nangyari yun? Wala akong pinababa diyan maliban Sayo." Sabi ni Ama. Napaisip ako. "Hayaan mot tatanungin ko ang mga Goddess kung may pinababa sila na alagad nila." Sabi nito uli. "Bakit nakagulo ba sila sa iyo diyan?" Tanong ni ama sa akin. "Hindi naman po ama. Nagtaka lang po ako kung Anong dahilan kung bakit sila nandito." Sabi ko sa ama ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD