"May napansin ba kayo na nilalang dito?" Tanong ng punong kawal. Nagkatinginan kami ni Azreil.
"Ahhm. Meron pero na Wala din siya agad." Sagot ni Azreil. Tumango ang punong kawal.
"Pumasok na kayo sa inyong mga silid." Sabi nito kaya nagpaalam na ako kay Azreil. Hinatid nila ako sa silid namin.
Kinabukasan maaga pa ng magising ako. Nag jugging muna ako sa labas. Pagdating ko kakagising lang ni Amara.
"Saan ka ba galing Vea?" Tanong niya sa akin.
"Nagjugging lang ako sa paligid." Sagot ko dito Saka kumuha ng damit ko. Pumasok na ako sa banyo.
"Narinig niyo ba yung usap usapan ng mga kawal. May nakapasok daw na Lorcan dito kagabi." Sabi ng Isang lalake na nasa kabilang lamesa namin.
"Oh. Teka bakit wala bang sumali na Lorcan sa atin?" Tanong naman ng Isa. Natigilan ako sa pagsubok ko ng marinig ang sinabi nilang pangalan.
"Lorcan? Yun Yung pangalan na sinabi sa amin na pangalan ng grupo na hinahanap namin." Bulong ko sa isip ko.
"Ano kaba, Hindi sila pinayagan na sumali kasi bawal ang gumagamit ng karunungang itim sa academy dahil pipili sila ng magiging transcendent night at ang mga transcendent ang kaunaunahang kalaban ng mga gumagamit ng itim ng kapangyarihan." Sabi naman ng Isa. Naging interesado ako sa pinaguusapan ng mga ito.
"Na huli ba nila?" Tanong naman ng Isa.
"Hindi nga daw. Pero ang pinagtataka ng mga kawal. Pano nakapasok ang mga ito ng hindi napapansin ng Crystal na nasa gate. Madiditect ng Crystal ang itim na aura Sayo kaya iilaw ito. Oras na dumaan ka sa gate." Sabi naman ng Isa. Napaisip ako. Ng matapos kaming kumain nagpasya kaming lumabas uli.
"Narinig mo yun Vea nandito daw kagabi Yung Isa sa mga hinahanap natin. Hindi kaya natunugan nila na nandito ka." Sabi ni Amara sa akin.
"E di maganda Hindi na natin kailangan hanapin sila." Sabi ko habang nagiikot. Na mili kami ng mga damit namin. Nakatuwaan din namin na pilian si Azreil. Nakalimutan na namin yung tungkol sa Lorcan. Paglabas namin sa tindahan nagkakagulo. Nagtaka kami kasi biglang dumilim ang langit sa labas samantalang maaga pa. Na Wala na ang asul na liwanag sa langit naging kulay itim ito. Bigla ako kinabig ni Azreil. Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang paningin namin.
"Did you trust me?" Tanong niya sa akin. Napatango ako ng hindi ko alam.
"Ok! Come we need to go." Sabi niya na seryoso.
Napakunot ang noo ko. Mabilis na hinila niya ako.
Mapasunod kami sa kanya.
"Listen, no matter what happened just stay behind me." Sabi niya sa akin. Hawak niya ang kamay ko. Nalilito man ako sa kinikilos niya. Hindi na lang ako umimik. Nagpatuloy kami sa pagtakbo pabalik. Ng magsigawan ang mga tao. Napalingon ako. Nakita ko ang Isang bata na na walay at sa magulang niya. Natigilan ako.
"Sandali." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Hinila ko siya nilapitan namin Ang bata. Ng malapit na ako dito bigla na lang akong hinila ni Azreil saka hinapit. Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya magsasalita sana ako. Ng magsalita siya.
"She's not a child." Sabi niya napatanga ako. Ng biglang humalakhak Ang bata. Sabay kaming Napatingin dito. Biglang nagbago ang bata naging Isa itong magandang binibini.
"How did you know?" Tanong nito kay Azreil. Sabay halakhak. Lumabas ang mga pangil nito.
Napahawak sa braso ko si Amara.
"Hindi sila tao Vea." Sabi nito. Pagtingin ko Nakitta ko na nagbago narin ang mga itsura ng mga nilalang sa paligid namin. Napapaikutan nila kami.
May kalahati kabayo na may sungay.
"Mga Demons!" Sabi ni Jepoy." Napatingin kami dito.
*Dumarating talaga sila kapag ganitong Eklipse. Pero Isang beses lang nangyari yun. Matagal na panahon na. Noong nabubuhay pa ang Reyna ng mga Lorcan dahil nais nilang hawakan ang sangkatauhan. Pero ngayon anong dahilan bakit bigla na naman silang nagpakita dito." Sabi ni Jepoy.
"Pano mo na laman yan?" Tanong ni Biboy.
"Nabasa ko yun sa lumang aklat." Sabi niya ng matigilan.
"Maliban na lang kung nandito narin ang... " Sabi nito Napatingin kami sa kanya.
"Ang alin?" Tanong ko sa kanya.
"Ang itinakda." Sabi ni Jepoy.
"Ang itinakda? Ano yun?" Tanong ni Jepoy.
"Ayun sa aklat. Ayon sa propisiya may mga darating na Hindi pangkaraniwang mga nilalang sa immortal world upang maghahasik ng kaguluhan kasabay ng taong itinakda upang Iligtas ang buong sangkatauhan." Sabi ni Jepoy. Napakunot ang noo ko.
"Tama na Ang satsatan niyo. Kailangan namin ang babaeng yan." Sabi ng babae na kanina Bata. Saka itinuro ako. Napatingin sa akin sila Jepoy. Nagulat ako ng pumunta sa unahan ko si Azreil.
" Pano kung hindi namin siya ibigay." Sabi ni Berto.
"Pwes tangapin niyo ang inyong kamatayan." Sabi nito sabay nagliyab ito. Agad na nagsipaghanda kami sa gagawin nila. Pero bago pa sila makalusob sa amin biglang kumidlat at na hawi ang kadiliman nagliwanag ang langit.
"s**t! Nandito na sila kailngan na nating umalis." Sabi ng lalake na kalahati kabayo. Tumingin sa amin ang babae.
"Hindi pa tayo tapos. Babalikan ka namin at sisiguraduhin namin na makukuha ka namin." Sabi nito Saka nagsipaglaho sila. Napakunot ang noo ko. Bigla ring na wala ang kidlat at kulog. Naging normal ang paligid. Unti unting naglabasan ang mga nilalang.
"Kailangan na nating bumalik sa Academy." Sabi ni Azreil.
Kanina pa kami nakabalik pero Hindi parin ako mapalagay sa silid namin ni Amara. Ginugulo ako ng nangyari kanina.
"Ano ang nasa isip mo Vea?" Tanong ni Amara sa akin.
"Hindi mo ba napapansin Amara. Nung kaharap natin ang mga Lorcan ako din ang nais nila. Ngayon kaharap natin ang mga Demons ako din ang gusto nila." Sabi ko dito.
"Kasi nga nasa ito ang tunay na mapa." Sabi nito. Napakunot ang noo.
"Hindi, parang may iba pa silang kailangan sa akin." Bulong ko.
"Haay, ano pa bang kailangan nila sayo E yun lang naman ang kinuha natin na hinahabol nila Sayo simula pa noon." Sabi ni Amara. Hindi ako nakatulog agad.
"Matanong ko lang Vea bakit Ikaw ang gusto ng mga Demons Anong dahilan?" Tanong ni Jepoy.
"Aba malay ko." Sagot ko sa kanya. Tinitigan nila ako.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Iniisip ko lang Kasi Ang nakalagay sa propisiya na taong itinakda malakas ang kapangyarihan. Pero wala naman akong nararamdaman na aura Sayo." Sabi ni Jepoy.
"Haay, ibig sabihin lang yun hindi si Vea yun." Sabi ni Berto.
"Kung ganun ano ang kailangan nila sayo?" Tanong uli nito. Nagkibit balikat na lang ako.
Hindi na kami lumabas pinahinga na namin Ang huling araw. Kasi bukas na ang pang apat na pagsubok namin.
Nilabas ko ang mapa pinagmasdan ko ito ng maigi iniisip ko ang sinabi ni Jepoy.
"Anong Meron Sayo bakit ka nila hinahabol sa akin?" Tanong ko. Ng may magsalita sa likod ko.
"Hi!" Bati ni Azreil, napalingon ako sa kanya.
"Ahhm. Salamat pala kahapon." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"B..Bakit ka nga pala nandito. May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa tuwing magsasalubong ang tingin namin.
"May gusto sana akong itanong sayo." Sabi niya. Kinabahan ako.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung ano ang gusto niyang malaman.
"Sa tingin ko kasi may kailangan sila Sayo. Meron ka bang Idea kung ano ang kailangan nila sayo?" Tanong nito sa akin. Tinitigan ko siya yinatantiya ko kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo.
"Ahhm. Ayos lang kung hindi ka pa handa na sabihin sa akin. Basta magiingat ka at kapag may problema wag mong kalimutan na tawagin ako sa Crystal. Kahit Anong mangyari darating ako." Sabi niya Saka nagpaalam na sa akin. Napatanga ako.
"Uy! Nandito na naman si Azreil ah. Anong ginawa niya dito? Nagtatapat na ba siya?" Tanong ni Amara napakunot ang noo ko.
"Ano bang sinasabi mo diyan?" Tanong ko dito.