"Ayos lang." Tilpid na sagot nito. Hindi na ako umimik. Binigyan ito ng inihawa na manok at tinapay ni Jepoy. Nagulat ako ng lagyan niya rin ang Plato ko. Napalingon ako sa kanya.
"Ahhm.. Kumain ka ng maigi para may lakas ka mamaya." Sabi nito na hindi tumitingin sa akin.
"S..Salamat." Sabi ko na lang.
Pagkatapos naming kumain tinawag kami sa bulwagan.
"Pinatawag namin kayo para sabihin na wala munang pagsubok ngayon. Alalm namin na marami ang nasugatan sa nangyaring pagsubok kahapon. Kaya naman ituring niyo na pahinga ang araw na ito at Ang tatlong araw na susunod." Sabi ng matandang lalake. Nagkaingay ang mga nilalang na nasa tabi namin.
"Maari kayong lumabas at magikot. Gamitin niyo Ang kahoy na na nasa inyo upang ipakita sa tagabantay sa gate upang palabasin at papasukin kayo. Kailangan niyo lang makabalik bago sumapit ang dilim." Sabi nito. Kaya tuwang tuwa ang mga nilalang.
"Ay siya nga pala Vea. Eto nga pala Yung ginto na napanalunan mo kahapon." Sabi ni Amara sabay abot sa akin ng maliit na supot.
"Ginto?" Tanong ko dito.
"Oo. Ako nga hindi rin makapaniwala kahapon. Eto raw Kasi Ang ginagamit na pambili rito.pilak at ginto." Sabi ni Pekto. Tumango na lang ako.
"San tayo ngayon?" Tanong ni Jepoy.
"San pa e di magliliwaliw Wala naman tayong gagawin dito no." Sabi ni Biboy. Nagapiran ang mga ito saka si Biboy. Lumabas na kami. Marami kaming nakasabay na lumabas.
"Ang saya nito." Sabi ng Isa.
Nagikot kami pumunta kami sa pamilihan. Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko.
"Grabe Vea mga antique ang mga binibenta dito. Karamihan mga ginto at pilak. Pag nadala natin ito sa Maynila. Siguradong mahal ang mga ito kung maibebenta." Sabi ni Berto. Tiningnan ko ang isang Vase.
"Mga antique nga ang mga ito." Bulong ko sa isip ko.
"Nasaan na ba kaming lugar bakit kakaiba ang mga bagay dito?" Tanong ko sa isip ko.
"Hindi lang mga bagay pati mga tao dito kakaiba." Bulong ko uli. Tingin lang kami ng tingin sa paligid Hindi naman kami bumibili. Ng mapagod pumasok kami sa Isang kainan Omorder kami ng pagkain dito. Mami ang inorder nila na pagkain namin. Kumain kami ng may lumapit sa akin.
"Ikaw ba yan Alvea'?" Tanong ng lalake sa akin. Napalingon ako dito napakunot ang noo ko.
"Ako ito yung lalake sa Barko." Sabi niya. Saka ko lang naalala Yung lalake na may dalang Bata.
"Kayo po pala manong. Kumusta po?" Sabi ko dito.
"Ayos naman eto may sarili na akong kainan. Kailan pa kayo nandito?" Tanong niya uli.
"Ahhm. Ilang araw palang kami dito." Sagot ko.
"Buti naman at nakarating kana dito. Saan kayo ngayon naglalagi?" Tanong niya uli.
"Sa Academy." Sagot ko. Tumango siya ng mapatingin siya sa katabi ko.
"Nagkatagpo na pala kayo." Sabi niya napakunot ang noo ko.
"Ano pong Ibigsabihin niyo manong?" Tanong ko sa kanya.
*Ahhm..Gusto ko lang sabihin na magpakatatag ka Iha. Dahil simula ngayon marami pa kayong haharapin na pagsubok. " Sabi nito. Saka humarap ito Kay Azreil.
"Natutuwa ako na nagkatagpo na ang landas niyong dalawa. Sana pagdating ng huli piliin mo ang nararapat." Sabi nito kay Azreil napakunot ang noo namin ni Azreil. Ngumiti ito.
"Ahhm. Kumain lang kayo wag kayong magaalala. Isipin niyo na lang na eto na ang bayad ko sa tulong ni Vea sa amin ng anak ko sa Barko."
Sabi nito. Tuwang tuwa sila Betong nagpasalamat ako dito. Nagpaalam na ito sa amin. Wala na ito pero ginugulo parin ako ng isipin tungkol sa sinabi nito. Nagpakasawa sa paginom ang mga kasama namin. Habang kami ni Azreil nakikiramdam sa paligid. May pakiramdam ako na may nagmamasid sa amin. Hindi ko alam pero kanina ko pa yun nararamdaman mula ng lumabas kami ng Academy.
Hindi na makagulapay ang mga kasama namin ng bumalik kami sa Academy. Nagiwan parin kami ng ginto sa tindahan kahit ayaw ng lalake.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Ng maipasok namin sila Pekto at Berto. Tagisa kami ni Amara sa dalawa samantalang siya Isa lang siya na naghawak Kayla Biboy at Jepoy. Parang wala lang na hawak niya ang dalawa.
"Ayos lang." Sagot ko sa kanya. Tumango siya.
"Bakit nga pala kayo na padpad dito? Sa tingin ko kasi hindi kayo tagarito." Sabi niya ng lumabas kami ng silid. Napatingin ako sa kanya.
"May hinahanap kaming grupo. May nakapagsabi na dito namin sila makikita." Sagot ko sa kanya.
"Nakita niyo na ba?" Tanong niya sa akin.
Inabutan niya ako ng tsaa. Tinangap ko ito Saka naupo kami sa lamesa na nadoon. Huminga ako ng malalim.
"Isang beses Nung papunta tayo dito. Pero kulang ang kakayahan namin para harapin sila. Kaya naman napagpasyahan namin na magaral dito sa academy para madagdagan ang kakayahan namin para pag nagtagpong muli ang landas namin kaya ko na silang harapin." Sabi ko at nagtagis ang mga ngipin ko sa galit na naramdaman. Naalala ko na naman ang Papa ko.
"Mukhang Malaki ang kasalanan ng mga ito sayo." Sabi nito.
"Sila ang may kagagawan ng pagkawala ng Papa ko." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Napatingin ako sa kanya.
"Ikaw bakit narito ka? Sa tingin ko din hindi ka tagarito." Sabi ko sa kanya at
Ininom na Ang tsaa na laman ng baso na hawak ko.
"May mission ako kaya nandito ako." Sagot niya. Napalingon ako sa kanya.
"Mission? Bakit alagad ba ito ng batas. Pero parang Wala sa itsura niya. Para siyang Master ng matial arts kung titingnan Lalo na sa pananamit." Bulong ko.
"Mission?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko napigilan.
"May kailangan akong hanaping tao at kailangan ko siyang bantayan." Sabi niya. Napatango ako.
"Alagad nga siya ng batas." Bulong ko sa isip ko.
"Siguro witness ang hinahanap niya." Bulong ko sa isip ko.
"Natagpuan mo na ba siya?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya. Napatingin ako sa kanya.
"Actually binabantayan ko na nga siya." Sabi nito. Napatingin ako sa paligid namin.
"Binabantayan niya na. Ibig sabihin nandito sa academy din ang hinahanap niyang tao. Buti pa siya." Bulong ko uli sa isip ko. Ng pareho kaming natigilan. May naramdaman kaming tao. Pareho kaming napatayo. Maya maya may dumating na
mga kawal may hinahanap ang mga ito.