"Halata kaya ang pagaalala niya sayo." Sabi ni Amara. Tiningnan ko siya.
"Alam mo ba na siya din yung lalake na bigla na lang sumulpot sa tabi mo nung mamatay ang Papa mo. Hindi kaya tinadhana talaga kayo sa isat Isa Vea." Sabi nito napakunot ang noo ko.
"Ewan ko sayo." Sabi ko at pumasok na sa loob.
"Hindi nga Kasi lagi kayong pinagtatagpo." Sabi na naman nito.
"Tigilan mo nga ako Amara." Sabi ko sa kanya.
Tumawa lang ito.
"Ano ba kasi Ang inisip mo at kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo." Sabi nito maya maya.
"Iniisip ko lang kasi Yung mga nilalang na nakatagpo natin kahapon saka yung mga nakaitim na nilalang. Sabi ko dito. Napatingin siya sa akin.
"Ano naman ang problema sa mga yun?" Tanong niya sa akin.
"Sa tingin ko hindi lang yung mapa ang gusto nila sa akin." Sabi ko sa kanya. Napaisip siya sa sinabi ko.
"Teka, ano naman ang hahanapin nila sayo?" Maya maya tanong nito sa akin.
"Yun na nga ang inisip ko. Ano ang kailangan nila sa akin maliban sa mapa." Sabi ko Saka napaisip na naman.
"Haays, Ang hirap naman ng problema mo Vea." Sabi nito. Gunulo pa nito ang buhok niya. Natawa naman ako dito. Maya maya nagpaalam ako sa kanya. Iniwan ko siya na isip parin ng isip.
Hinanap ko si Jepoy.
"Jepoy!" Tawag ko dito. Lumingon ito sa akin
"Oh, Vea!" Sabi niya.
"Bakit? May kailangan ka?" Tanong nito sa akin.
"Ahhm. Itatanong ko lang kung saan mo nabasa Yung tungkol sa propisiya?" Tanong ko dito.
"Ahh, yun ba. Sa tribo namin yun sa lumang gamit ng Lola ko" Sabi nito sa akin.
"Bakit?" Tanong nito uli.
"Ahhm. Wala na curious lang ako kaya gusto ko lang sanag basahin." Sabi ko na lang.
"Hayaan mo kapag na gawin uli tayo doon ipapabasa ko Sayo." Sabi niya. Tumango na lang ako. Nilibang ko na lang ang sarili ko para hindi ko na maisip pa yun. Nag exercise na lang ako.
Kinabukasan pagkatapos naming magalmusal nagtipon na naman kami sa bulwagan. Ngayon na gaganapin ang pangapat na pagsubok namin.
"Siguro naman nakabawi na kayo sa mga lakas ninyo." Sabi ng lalake.
"Ngayon niyo haharapin ang pangapat at panglimang pagsubok ninyo." Sabi nito uli nagkaingay ang mga nilalang na nasa tabi namin.
"Kailngan niyong hanapin ang mga bato na ito. Ang sinumang makakapagdala sa amin ng mga bato nato ang siyang pasado sa pagsubok." Sabi ng lalake. Napatingin ako sa mga bato.
"Hindi lang pala Iisa ang bato marami pala itong klase.
"Pano naman namin mahahanap yang mga bato?"
Tanong ng Isa.
"Simple may Ibibigay kaming mapa sa inyo na maaring makatulong sa inyo kung papano niyo matatagpuan ang mga bato na yan. Hahatiin namin kayo sa grupo makikita niyo sa screen kung sino ang magiging kagrupo niyo. Bawat grupo bibigyan namin ng mapa. Isa lang ang masasabi namin sa inyo. Hindi sila madali na mahanap. Kaya Good luck sa inyo. Hihintayin namin ang inyong pagbabalik." Sabi nito saka
Yumuko at umalis na. Maya maya may Lumitas ang mga pangalan ng unang grupo. Pinapunta sa harapan. Pati pangalawang grupo. Tuwang tuwa kami ng Makita na magkakasama kami sa grupo. Bawat grupo ay may sampong myembro. Kaya may tatlong nilalang na napasama sa amin. Isang babae at dalawang lalake. Yung babae medyo weird Yung dalawang lalake Yung Isa mataba Yung Isa naman ay mapayat. Kinuha na namin Ang mapa.
Nilatag ni Azreil sa lamesa ang mapa. Ng makuha namin.
"Sa tingin ko dito tayo magumpisa. Meron ditong tuldok na pula mapapansin niyo na iilan lang ang tuldok na pula. Kaya sa tingin ko yan Ang palatandaan kung saan natin makikita ang hinahanap natin." Sabi ni Azreil tumango ako dahil napansin ko din yun agad.
"Sino ang nakakaalam ng lugar na ito?" Tanong niya sa amin. Tumingin ako Kayla Jepoy.
"Meron akong alam kung pano tayo makakarating ng madali diyan." Sabi ng Isang lalake. Napatingin kami sa kanya.
"Pamilyar ako diyan." Sabi nito.
"Dito tayo dadaan sa ilog ng yangbai papunta diyan sa bundok ng Maraguza sa tuktok niyan doon mo makikita ang kweba na yan." Sabi nito kaya nagsipaghanda na kami sa paglalakbay. Pumunta kami ng kusina para kumuha ng pagkain na maari naming baunin. Si Berto at Biboy ang pinagdala namin ng pagkain namin. Nagsimula na kaming maglakbay. paglabas namin ng academy sumakay kami ng kalesa. Bumaba kami sa Isang baryo.
"Sandali lang may kakausapin lang ako." Sabi ng lalake. Maya maya bumalik na ito.
"Pwede natin arkilahan ang bangka niya kaya medyo mahal." Sabi nito.
"Magkano?" Tanong ko sa lalake.
"Dalawampong ginto." Sabi nito.
"Dalawampong ginto?" Sabi ni Jepoy.
"Oo, sa tingin ko kasi matatagalan niyo bago maibalik ang bangka ko Wala akong ipapakain sa pamilya ko. Alam niyo naman na yan lang ang pinagkukunan namin ng makakain." Sabi ng may Ari ng bangka.Tuningnan ko ito mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Kaya dudukot na sana ako. Kaso inunahan na ako ni Azreil. Binayaran niya ito ng tatlompong ginto. Kaya tuwang tuwa ito.
Isinakay na namin ang mga gamit namin. Medyo Malaki laki din ito. Sila Jepoy, Pekto, Berto at Yung lalake ang nagsagwan. Nung una nagkakatuwaan pa sila.
Pero Nung nasa kalagitnaan na kami lumalakas na Ang agos ng tubig. Hirap na sila. Dahil pagdating sa gitna kailangan naming iliko ang bangka kundi magdederederetso kami sa talon. Nagulat kami ng pagdatingsa gitna tumayo si Azreil saka kumumpas. Biglang parang nagkaroon ng sariling isip Ang tubig bigla itong lumiko. Namangha ang mga kasama namin. Tuwang tuwa sila Jepoy. Parang wala lang na naupo si Azreil. Magdidilim na ng marating namin ang bundok. Marami pa kaming dinaanan na parang may ipo ipo Ang tubig. Buti na lang nauutusan ni Azreil Ang tubig.
Bago kami umakyat Nagpalipas muna kami ng magdamag sa paanan ng bundok.
"Dilikado kung aakyatin natin ngayon ang bundok. Masyadong madilim. Masmabiti na ipagpabulas na natin. Sabi ng lalake. Kaya nagsipag sangayon kami. Nanguha ng mga kahoy sila Berto saka sinigaan. Nanghuli naman ng isda si Azreil. Inihaw namin ito. Ito ang kinain namin. Pero Yung babae na Kasama namin. Hindi siya kumain. May baon siya na nasa garapon yun ang kinakain niya.