Chapter 22

1103 Words
s**t! Kaya pala parang nanghihina ako." Bulong ko. Ng malapit na sila agad ako tumalon tumapak ako sa malaking Vase na nasa gilid namin sabay baliktad sa ere pinuntirya ko ang Isa sa kanila. Sinipa ko ito sa mukha na ikinagulat niya. Bumalandra ito sa tabi. "Magaling ka." Sabi niya sabay punas sa labi niya. Sabay bigkas ng Orasyon. Habang nagbibigkas siya. Mabilis na kumilos ako. Dinukot ko ang kutsilyo na nasa hita ko sabay hagis ito sa kanya. Napaluhod siya dahil sabay na tumama ito sa paa niya. Saka mabilis na lumapit ako sa kanya. Saka tinutok ang Isa pang kutsilyo sa leeg niya. Natigilan siya sa bilis ng ginawa ko. Umilaw ang crystal na nasa tabi. Tanda na tapos na ang laban. Inis na tumingin siya sa akin. Umakyat ang babae na kumuha Kay Azreil inalalayan ako nito. Yung Kasama nitong babae na Isa ang umalalay naman sa kalaban ko. Tatalikod na sana kami ng dumilim ang lahat sa akin. "s**t! Nalason siya..!!' Narinig ko pang sigaw nito. Bago ako kainin ng kadiliman. ***AZREIL POV#*** Nagalala ako ng makita ang kakayahan ng kalaban ni Vea. Nakita ko na pinaglalaruan lang nito si Vea. Kaya hindi na ako nakatiis. Pinasok ko ang isipan niya at kinausap ko siya. Ng may mapansin ako sa gamit nitong patalim. Nagkukulay Violet ito. Sigurado ako na may lason ang patalim. Napakunot ako. Kaya binalaan ko si Vea. Natuwa ako ng matalo niya ito. Pero napatayo ako ng Makita na tumumba ito bago pa ito makababa sa stage. Kaya mabilis na nilapitan ko siya. "s**t! Nalason siya..!!" Rinig kong sabi ng babae na may hawak sa kanya. Agad na lumapit ako sa kanila. Binuhat ko si Vea. Nilapag ko siya sa gilid. Nakita ko ang sugat niya sa braso. Nangingitim ito agad na naglabas ako ng powers ko at hinigop ko ang lason na nasa katawan niya gamit ang powers ko. Napatanga sila ng unti unting lumalabas sa sugat ni Vea ang kulay Violet na dugo. Lumulutang ito. Sa ere. Ng tuluyan na itong makalabas agad na bumagsak ito sa lupa nagliyab ito agad. "Ayos na siya, saan ko siya pwedeng ihiga." Sabi ko sa babae nakatingin lang kasi ito sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Ahh. Dito, dito mo siya ilagay." Sabi nito na natauhan. Sumunod ako sa kanya. Habang karga ko si Vea sumunod narin sa amin ang mga kaibigan niya. Inihiga ko siya sa higaan na naroon sa silid. Nakita ko na nandun din ang kaibigan niyang Isa. "Vea!!" Sabi nito saka lumapit ito kay Vea. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong nito. "May lason Ang sandata ng kalaban niya nasugatan siya nito." Sabi ni Amara na umiiyak na. "Kumusta na siya ayos na ba siya?" Tanong uli nito. " Oo naalis na ni Azreil ang lason sa katawan niya." Sabi uli ni Amara. Huminga ng malalim ito. Iniwan ko muna sila. Pumunta ako sa labas. Medyo nanghina ako sa paggamit ng powers ko na magkasunod. "Bakit ganito pakiramdam ko nanghina ako sa ginawa ko. Totoo nga na may hangganan ang kakayahan ko dito." Bulong ko saka naupo ako ng indian seat Saka nagsimulang mag meditation para bumalik ang lakas na nawala sa akin. "Iniisip ko Yung lalake na nakalaban ko. Alam ko na nangpigil din siya ng kakayahan niya. Nagtataka ako kung bakit Hindi niya nilabas ang tunay na kakayahan niya. Parang may gusto lang siyang alamin." Bulong ko naalala ko na ngumiti ito ng matalo ko. Ng matigilan ako. Napadilat ako. "Hindi kaya may kutob siya na Isa akong Goddess. Kaya pinipilit niya na ilabas ko ang tunay na kakayahan ko." Bulong ko.sa isip ko. Saka napaisip ako. Maya maya tumayo ako. Nakita ko na natapos na ang mga naglalaban sa labas. Nandito kami sa silid na binigay sa amin. Sumilip ako sa labas nakita ko na maraming kawal na naglilibot. Ginamit ko ang kakayahan ko na invisibility. Saka naglakad papunta sa silid nila. Nakita ko na natutulog parin siya. Binabantayan siya ng kaibigan niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko na nanghihina pa siya. Naglabas ako ng powers ko at binalot ko siya ng aura ko. Binigyan ko siya ng konting enerhiya upang magamit niya kinabukasan habang Hindi pa bumabalik ang lakas niya. Saka hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko na medyo lumakas na siya. Napangiti ako. Saka tinitigan ko siya hindi ko alam kung bakit parang may enerhiya na humihigop sa akin upang halikan siya. Pero bago pa mailapat ko ang labi ko sa kanya. Bigla itong umungol kaya natauhan ako. Agad na lumayo ako at lumabas ng silid. "Anong nangyayari sa akin. Hindi dapat ito. Narito ako upang pangalagaan siya para sa bato." Bulong ko saka nagmamadali na bumalik sa silid namin. Agad na naupo at nag meditation baka nanghihina lang ako. Pero kahit Anong gawin na pagpopocus ko mukha niya ang nakikita ko. Kaya inis na tumayo ako at nagsalin ng tsaa na nasa lamesa. ***ALVEA POV#*** Nagising ako na magaan ang pakiramdam ko. Kinabukasan. Pagtingin ko Nakita ko na natutulog sa tabi ko si Amara nakayuko ito sa gilid ng papag ko. Inisip ko kung ano bang nangyari sa akin. Naalala ko na hinimatay pala ako pagkatapos ng laban namin. Tumayo ako at naginat. Nakita ko na may sugat pala ako sa braso ko. "Vea! Gising kana." Sabi ni Amara saka yumakap sa akin sabay iyak. Natawa ako dito kahit matapang ito sa pakikipaglaban sa totoo lang ito ang pinaka iyakin sa amin. Niyakap ko din ito. "Tssk. Kung makaiyak ka parang mamatay na ako." Sabi ko sa kanya. "Ano kaba talagang muntik ka ng mamatay ano Buti na lang may healing power si Azreil. Hinigop niya yung lason na kumalat sa katawan mo." Sabi nito. Natigilan ako. "Si Azreil?" Tanong ko sa kanya. "Oo, masyado siyang nagalala sayo kahapon. " Sabi nito Natigilan ako. "Mabuti pa kukuha muna ako ng pagkain natin para makakain kana." Sabi nito. Pero pinigilan ko ito. "Wag na sasama na ako sayo." Sabi ko sa kanya. "Ano? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. "Oo naman malakas na ako. Napagod lang talaga ako sa laban kahapon." Sabi ko sa kanya at Inayos ko ang sarili ko bago pa siya naimik hinila ko na siya palabas ng silid namin. Napatanga na lang siya Saka napailing. "Pambihira ka talaga Vea parang hindi ka muntik ng mamatay kahapon." Sabi ni Pekto. Tumawa lang ako. Ng may maupo sa tabi ko. Paglingon ko nakita ko si Azreil sa tabi ko. Natigilan ako. "S..Salamat pala kahapon." Sabi ko na lang. Lumingon ito sa akin. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD