***ALVEA POV#***
Inilibing namin ang Papa ko. kanina ko pa tinintingnan ang mapa na hawak ko.
"Ano ang meron sayo at gusto ka nilang makuha?" Bulong ko. Saka nilipit ko ulit ang mapa at lumabas ng sild ko.
"Alvea!" Tawag sa akin ni Amara. Lumapit sila sa akin.
"Anong balak mo ngayon?" Tanong ni Pekto ng lapitan nula ako.
"Kung ano man ang plano mo. Asahan mo nasa likod mo lang kami Vea." Sabi ni Pekto sa akin. Tumingin ako sa kanila. Balak ko sana na hindi na sila idamay sa gulo na pinasok ko.
"Kung inisip mo na magsolo. Kalimutan mo yan. Dahil sa ayaw at sa gusto mo Vea sasama kami sayo, Damay na kami dito kaya sama sama tayo hangang huli." Sabi ni Amare. Huminga ako ng malalim. Tama naman sila na damay na sila dahil hindi lang si Papa ang napatay ng mga taong itim na yun. Pati ang Papa nila Pekto at Amara dahil sila ang mga alalay ni papa.
"May utang din sa amin ang mga taong yun na dapat nilang pagbayaran." Sabi ni Pekto. Kaya wala na akong na gawa.
"Kung ganun kailangan natin ng kargada. Yung magandang klase." Sabi ko sa kanila.
"Madali lang yan may kilala ako na tao na mapagkukunan natin niyan." Sabi ni Berto. Tinawagan niya ito. Kinagabihan nakipagkita kami dito.
"Sino ang kukuha ikaw?" Rinig kong tanong ng lalake na kuay brown ang buhok. Kay Pekto. nasa loob pa ako ng sasakyan.
"Hindi ako ang amo namin." Sagot ni Pekto at pinagbuksan ako ng pintuan ni Berto.
"Ako. Nais kong makita ang armas mo kung magandang klase ba ito." Sabi ko sa kanila. Tumingin itong mga ito sa akin. Naka suot ako ng Tank top na kulay itim at pantalon na itim sin na inibabawan ko ng coat na hangang binti ko kulay itim na leader ito at pinaresan ko ng boots na kulay itm din na 5 inches ang taas saka ko tinirintas ang buhok ko ng buo.Tiningnan nila ako mula ulo hangang paa. Saka ito ngumise ng nakakaloko. Napakunot ang noo ko.
"Baka gusto mo ng ibang armas. Meron ako libre lang." Sabi nito sa akin. Mas lalong napakunot ang noo ko. Ng aktong hahawakan ako nito agad kong pinilipit ang kamay nito sabay tutok ng baril sa ulo nito.
"Hindi ako pumunta dito par makipag lokohan sayo." Sabi ko dito. Agad na tinaas nito ang kamay niya.
" Ok! Ok, I Got it." Sabi nito. Saka sinenyasan ang mga tauhan na ibaba na ang mga aramas nila. Binaba narin nila Pekto ang mga armas nila. Binatawan ko na siya. Inayos niya ang suot niyang damit. Saka kami niyaya sa loob. Tiningnan ko ang mga armas niya.
"Kukunin ko ito lahat." Sabi ko sa kanya.
Saka sinenyasan si Amara. Binigay ni Amara ang attache case. Tiningnan nila ang laman. Pinalagay ko sa likod ng sasakyan ang mga Aramas.
"Ano Ang susunod na Plano?" Tanong ni Berto sa akin.
"Bukas na bukas din babalik tayo ng China. Kung saan natin sila na kita." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila Saka tumango.
"Kay mag ready kayo bibiyahe tayo bukas ng gabi." Sabi ko sa kanila.
"Magpahinga na kayo para may lakas kayo sa lakad natin." Sabi ko sa kanila at lumabas na ng sasakyan. Pagdating ko sa silid ko tinawagan ko Yung kontact ng Papa ko na sinakyan namin dati ng pumunta kami ng china. Kasalukuyang hawak ko ang logbook ng Papa ko. Nakasulat dito ang mga Kontact niya sa buong mundo. Kinuha ko ito sa gamit niya dahil baka kailanganin ko ito. Nagimpake ako ng mga gamit ko. nilagay ko yun sa mga bagahe Kasama ng mapa. Isang malaking back pack ang dala ko.
Kinabukasan kinausap ko ang Natitirang tauhan ni Papa. Iniwan ko sila sa bahay. Kinausap ko ang assistant ni Papa sa opisina.
"Kung ano man ang problema itawag mo sa akin O kaya kay Atorny." Sabi ko kay Manang. Kasalukuyan na nasa kusina ako.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo anak?" Sabi ni manang sa akin.
"Hindi po ako matatahimik hangat hindi mo naigaganti si Papa. Kung dati sinundan nila ako. Ngayon ako ang magahahanap sa kanila kahit saang sulok ng mundo pa sila naroroon." Sabi ko Saka naikuyom ko ang kamao ko. Naramdaman ko na naman ang galit sa dib dib ko.
"Kung ganun hindi ko na talaga mababago ang isip mo. Magiingat ka sana anak. Ipangako mo na magkikita pa tayo." Sabi ni manang na naiiyak na niyakap ko siya. Para ko na siyang Ina.
"Pangako po magiingat ako." Sabi ko sa kanya. Niyakap niya din ako.
Kinagabihan hinatid nila kami sa Pier. Kagaya ng dati sumakay kami sa Barko. Pare pareho kami may dalang Traveling bag maliban sa back pack namin.
Pagdating namin sa China may sumalubong sa amin. Ito ang tinawagan ko bago kami pumunta dito. Isa siya sa Contact ni Papa dito sa China. Nagpakilala ako sa kanya. Dinala niya kami sa Isang bahay aliwan. Sinalubong kami ng Isang magandang babae.
"May nabalitaan nga ako dito niyan. Pero walang nakakakilala sa kanila dito." Sabi ng babae.
"Tingin ko mga dayuhan lang sila dito." Sabi nito uli. Napatingin ako sa kanya.
"Pano mo na Sabi?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi ayun sa Isang nakakita. Hindi sila marunong ng wika namin." Sabi nito. Napaisip ako. Ako Kasi sinanay ako ni Papa sa ibat ibang klase ng wika. Kasi kung saan saan kami nakakarating noon para kumuha ng mga Antiques. Iniwan na nila kami sa silid na pinagdalahan nila sa amin.
"Pano ngayon yan Vea, saan natin hahanapin sila?" Tanong ni Amara. Napaisip ako ng maalala ko yung Monghe.
Kinabukasan bumiyahe kami papuntang Monesteryo ng mga Monghe.
"Alam ko na babalik ka uli." Sabi ng Monghe ng makita niya ako. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Sumunod kayo sa akin." Sabi niya. Nagaalanganin kami. Dahil naalala ko pa noong una namin siyang nakita na wala sa sarili ang mga kasama ko. Tumingin sa akin ang mga kaibigan ko. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa Monghe.