Pumasok kami sa Isang silid. puro libro ang paligid nito. May kinuha siya sa Isang drawer at inabot sa akin.
"Makakatulong sayo yan. Yan ang makakatulong sayo para makita ang lugar na nasa mapa na hawak mo."
Sabi niya.
"Magiingat ka. Dahil sa Oras na malaman nila na peke ang hawak nilang mapa siguradong hahanapin ka nila." Sabi nito. Hindi ako umimik.
"So Ibig sabihin hindi pa pala nila alam na peke ang ang nakuha nilang mapa." Bulong ko sa isip ko.
"Maari ko bang malaman kung sino ang mga tao na yun at kung bakit nila kailangan ang mapa?" Tanong ko dito.
"Pasensiya na. Wala akong alam tungkol sa laman ng mapa ang tangi ko lang alam ay kung sino sila."
Sabi nito sa amin.
"Kung ganun sino po sila?" Tanong ko dito.
"Sila ang mga Lorcan." Sagot nito.
"Lorcan!" Sabay sabay na bigkas namin.
"Sino po sila at saan sila nangaling?" Tanong ni Amara dito.
"Pasensiya na Wala akong alam tungkol sa kanila ang alam ko lang kung anong lahi nila." Sabi nito. Saka may inabot ulit sa akin Isa itong lumang libro.
"Baka makatulong sayo. Nakapaloob diyan ang ibat ibang lahi baka may nakasulat diyan tungkol sa kanila." Sabi uli nito. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na kami bumalik kami sa bahay aliwan. Pinagmasdan ko ang mapa na hawak ko.
"Dark Contenent." Basa ko sa nakasulat dito. Tiningnan ko ang mapa na binigay ng Monghe. Nasa Arctic Circle ito.
"Kailangan nating bumiyahe Magmula rito papunta dito. Ayun sa Monghe dito daw sa mga lugar na ito matatagpuan ang nilalaman ng mapa na ito." Sabi ko sa mga kaibigan ko nakaharap kami sa mga mapa na nakalatag sa lamesa.
Kinabukasan din kumuha kami ng flight papuntang Finland. Nagpasalamat kami sa babaeng may Ari ng aliwan na tinuluyan namin. Habang nasa airplane kami Sige ang search ko tungkol sa mga Lorcan. Pero wala akong Nakita kahit Isa. Kaya Inis na isinara ko ang laptop na dala ko. Ng maalala ang libro na binigay ng Monghe. Kinuha ko iyon at binuklat.
Marami akong nabasa doon. Ibat ibang klase ng lahi ng mga immortal at Isa nga ang Lorcan sa mga yun may kanya kanya silang Leader. Ang mga Lorcan ay Isang Goddess ang kinikilala nilang Leader ang Goddess of death. Kilala sila sa black magic. Ngunit maparusahan ang kanilang Leader dahil sa pagiging Salim nito. Kaya ikinulong ito ng katas taasang Bathala sa mundo ng mga patay. Ilang daang taon na itong nakalibing sa Isang Sagradong libingan na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng mundo. Marami pa akong nabasa dito. Napaisip ako sa mga nabasa ko.
'King ganun Vea ang ibig mong sabihin Hindi tao ang mga hinahanap natin?" Sabi ni Pekto ng sabihin ko sa kanila ang mga nabasa ko. Kasalukuyan na nasa Isang hotel kami. Kakarating lang namin sa lugar na tinatawag na Dark Contenent. Kaya pala tinawag na Dark Contenent ito dahil bihira lang ang sumapit ang araw dito.Tumango ako sa kanya.
"Kung ganun Wala palang gamit ang mga dala nating kargada." Sabi naman ni Berto.
"Mismo." Sagot ko sa kanila. Napatanga sila.
"So pano natin sila Lalabanan?"
Tanong ni Amara. Napaisip ako.
"Kung hindi sila tinatalaban ng bala siguradong may sandata parin na tatalab sa kanila at kung dito natin sila makikita ibig sabihin dito din natin matatagpuan ang mga sandata na maaring ipanglaban sa kanila." Sabi ko sa mga kasama ko. Kaya nagliwanag ang mga mukha nila. Nagpahinga kami ng ilang Oras at ng magising kami. Lumabas kami at nagikot ikot sa lugar.
Namamangha kami sa mga nakikita namin. Dahil mga hindi ito pangkaraniwan. may mga naglalabas ng apoy sa kamay. Manghang mangha ang mga kasama ko. Maya maya napansin ko na nakatingin sa amin ang mga tao na nasa paligid namin. Kaya kinalabit ko ang mga kasama ko. Nagpatuloy kami sa paglilibot.
***AZREIL POV#***
"Haring Hedduis kailangan na natin kumilos Nagpakitanh muli ang pulang buwan at Hindi na ito muling na wala pa. Iisa lamang ang ibig sabihin nito gising na ang Diyosa ng pulang buwan. Gising na si Nucturna." Sabi ni Aphrodite ang Diyos ng Oras.
"Ano?" Tanong ni Ama at pumunta sila sa lugar nila Aphrodite. Nakita nila ang pulang buwan sa crystal. Napakunot ang noo ni Ama.
"Bakit kalahati lamang siya?" Tanong ni Ama.
"Maaring hindi pa buo si Nucturna. Dahil ilang daang taon siyang na wala sa kanyang katawan.Maaring na lusaw na ito.' Sabi ni Calliope.
"Kung Ganun maghahanap si Nucturna ng magagamit niyang katawang lupa upang maari siyang manatili sa lupa." Sabi naman ni Ina.
"Kubg ganun mahina pa si Nucturna dahil hindi pa siya buo." Sabi naman ni Artemis.
"Kung ganun kailangan na natin kumilos hangat kaya pang ikulong ng bato si Nucturna." Sabi ni Ama. Nagbalik na sila sa King palace.
Nagulat ako ng ipatawag ako ni Ama.
Kaya pumunta ako sa Palasyo nila. Nagulat ako ng makita ang ibang Goddess na kausap ni Ama.
"Azreil! Anak, maupo ka." Sabi ni Ama ng makita niya ako. Naupo ako sa Isang bangko. Na nasa harap niya. Nagtataka akong tumingin sa kanila.
"Azreil, Anak pinapunta ka namin dito upang ibigay na sa iyo ang huling pagsubok Sayo ng nasa itaas. Kailangan mong pumunta sa lupa at hanapin si Nucturna." Sabi ni Ama Napatingin ako sa kanya.
"Paano po ako makakapunta sa lupa ama? Hindi po ba bawal tayong pumunta sa lupa.Dahil maari silang mapinsala sa atin." Sabi ko kay ama.
"Hindi anak dahil may pahintulot ka sa taas. Maari mong gamitin ito. dahil dito maari kang magkatawang tao." Sabi ni Ama at binigay sa akin ang isang kwintas na nagsisimbolo ng Araw.
Napatingin ako sa kanya.
"Ginagamit ko yan tuwing bumababa ako sa lupa." Sabi niya sa akin. Kaya pala Minsan ko ng nakita na suot niya ito.
"Hanapin mo si Nucturna at ibalik sa mundo ng mga patay." Sabi uli ni Ama sa akin.
"Ngunit paano ko po siya makikita ama?"
Tanong ko kay ama.
"Hanapin mo ang nagmamayari ng bato na ito dahil siya lang ang nilalang na pwedeng gamitin ni Nucturna upang Manatali sa lupa." Sabi ni Ina at inilahad nito ang kamay at lumabas dito ang pulang bato.
"The Fire stone!" Wala sa sariling sabi ko. Tumango siya.
"Gamitin mo ito upang mahanap siya." Sabi ni Calliope at binigay sa akin ang isang kwintas na may pendant na pulang bato.
"Magliliwanag ang bato Oras na nasa tabi mo ang may ari nito.Dahil Isa yan sa bahagi ng Fire stone. Nagkahiwahiwalay ang mga bato ng gamitin ng Diyosa ng liwanag at ang Fire stone ang napinsala sa kanila. Natagpuan ko yan ng minsang dalawin ko ang Diyosa ng liwanag." Sabi ni Calliope. Napatingin ako sa bato. Para lamang itong pangkaraniwang bato.
Kinuha ko ito at nagpasalamat. Nagpaalam na ako sa kanila upang makapaghanda sa pagbaba ko sa lupa.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang na sasabik ako sa muli kong pagpunta sa lupa.
Kinahapunan nagulat ako ng puntahan ako ni Demeter.
"Nabalitaan ko na baba ka sa lupa upang gawin ang huli mong mission." Sabi nito sa akin. Tumango ako. Si Demeter ang Isa sa naging guro ko dito sa Heavenly reliam. Tumango ako sa kanya.
"Kaya pumarito ako upang ibigay sayo ito. Hinanda ko talaga ito upang magamit mo sa huling mission mo." Sabi ni Demeter. Nagulat ako ng ibigay niya sa akin ang isang spear kulay gold ito.
Nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ito. Napaka ganda niya may tatak ito ng Isang Dragon.
"Saan mo ito nakuha Demeter?" Tanong ko sa kanya. Habang tumawang tuwa na tinitingnan ang binigay niya.
"Natagpuan ko yan ng Minsang nagloko ang portal. Hindi yan pangkaraniwang Spear makakayahan siyang maging ibang sandata oras na hawak mo siya. Ayun sa nakasulat sa katawan niya. Kung ano ang nasa isipan mo siya ang magiging anyo niya. Ng makita ko siya Ikaw kaagad ang pumasok sa isipan ko. Kaya pinagaralan ko siya. Sa tingin ko Ikaw lang Ang makakapag pasunod sa kanya. Kaya hinanda ko yan para sa araw na ito." Sabi niya. Napatanga ako sa nalaman. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Magiingat ka sa pagbaba mo sa lupa. Ang mga nilalang na nabubuhay sa lupa ay nahahati sa dalawa. Isang immortal at mortal. Na hahati din sa dalawa ang mga nilalang na yan may masama at mabuti. Hindi porket immortal mabuti na siya. Meron ding masama at mabuti sa kanila. Ganun din ang mga mortal. Kaya magiingat ka kung saan ka man dalahin ng bato." Sabi ni Demeter. Nagpasalamat ako sa kanya. niyakap niya ako. Kinagabihan dumalaw sa akin si Ina at si Ama.
"Alam namin anak na makakaya mo ang mission na nakaatang sayo.May tiwala kami sayo anak." Sabi ni Ama sa akin at niyakap ako.
"Hangad namin na mapagtagumapayan mo ano man ang pagsubok na dumating sayo sa lupa." Sabi ni Ina habang hawak niya ang kamay ko.Niyakap ko si Ina.
Kinabukasan hinatid nila ako sa Portal.
Lahat sila pumunta upang ihatid ako.
"Lagi ka namin babantayan anak." Sabi ni Ina ng nakaapak na ako sa bato na siyang magdadala sa akin sa lupa. Ngumiti na lang ako sa kanila. Kumumpas na si Demeter.Nagulat ako ng magiba ang paligid ko.
"Dinala kita kung nasaan ang may ari ng bato Azrei.!!" Rinig ko pang sigaw ni Demeter. Napatingin ako sa paligid. Walang nagbago sa akin maliban sa buhok ko naging kulay itim ito. Ganun parin ang suot ko. Naka kulay puti parin ako. iba sa suot ng mga nilalang na nasa paligid ko. Naglakad lakad ako. Parang alam ko ito. Nasa Isang pamilihan ako.
Madalas Kasi ipakita sa akin ni Demeter ang lugar dito noong maliit pa ako. Kaya medyo marami narin akong alam dito.
Nagulat ako ng magkagulo sa tabi ko.
Nakita ko na may binibugbog ang Isang grupo ng kalalakihan na dalawang binatilyo. Aalis na sana ako ng biglang kumapit sa laylayan ng damit ko ang Isa na bumalandra sa tabi ko.
"T..Tulong." Sabi nito at pilit na inaabot ang kamay niya. Kaya napatingin ako sa Kasama niya. Nakita ko na naglabas ng sandata ang Isang lalake. Napakunot ang noo ko.
"Tama na yan. Wala na silang laban sa inyo." Sabi ko na hindi nakatiis. Natigilan ang mga lalake. Saka tumingin sa akin. Hinawakan ko ang binatilyo na nasa tabi ko at dinala ito sa tabi.
Ngumise ang Isang lalake at sinipa ang binatilyo na Isa. Saka lumapit sila sa akin.
"Masyado Kang ma epal. Bakit kakasa ka ba?" Sabi nito at aktong hahawakan ako nito. Mabilis ko itong hinawakan sa kamay at tinapik sa dib dib bumalandra ito sa mga Kasamahan niya. Nagulat ako. Akala ko pangkaraniwan na lang din ang lakas ko. Hindi mo inaasahan na ganun parin ang lakas ko. Nagalit ang grupo aktong susugod ang mga ito sa akin. Ng palakasin ko ang hangin. Nagliparan ang mga ito at sabay sabay na bumalandra sa tabi. Nahirapan ng magsibangon dahil sa pinsalang inabot sa pagkakabalandra nila sa lupa. Parang walang ano man na binuhat ko ang dalawang binatilyo. Dinala ko sila sa Isang sulok sa walang tao at pinagaling ko ang mga sugat nila. Maya maya nagkamalay na sila. Nagulat sila ng makita nila ako. Napatingin sila sa mga katawan nila.
"Anong nangyari?" Tanong ng Isa. Tumayo na ako. Ng tatalikod na ako para Iwan sila dahil ayos na naman sila. Nagulat ako ng hawakan ako ng Isa sa kamay. Napatingin ako dito.
"San ka pupunta? Sasama kami Sayo." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Hep! Wag ka ng umangal sa tingin namin dayuhan ka dito sa lugar na ito. Makakatulong kami sayo. Kahit doon lang makabawi man lang kami sayo." Sabi nito.
"Hindi na kailangan sapat na sa akin na makitang ayos na kayo." Sabi ko Saka naglakad na. Pero sumunod parin sa akin ang dalawa.
"Pero hindi yun ok sa amin. May utang kami sayo na dapat naming bayaran." Sabi ulit ng mga ito. Sasagot pa sana ako. Kaso biglang uminit ang bato. Tanda na nagliliwanag ito. Kaya inilabas ko ito Saka sinundan kung saan ito pupunta Nagsunuran naman sa akin ang dalawa. Sisitahin ko sana sila kaso nagsalita ang Isa.
"Anong klaseng bato yan bakit nagliliwanag?" Sabi ng Isa. Nagulat ako dahil hindi nakikita ng mga mortal ang bato. Maliban kung immortal ka. Kaya napatingin ako sa kanila.
"Sino kayo?" Tanong ko sa kanila at agad na tinago ang bato.