"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Pekto na nagmamadaling pumunta sa amin. Inutusan ko ito na silipin ang mga Items.
"Vea! Nandito sila nasundan nila tayo." Sabi ni Pekto. Nakita ko na hawak na nito ang baril niya.
"Si Papa nasan?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa loob pa, pinalabas niya ako para puntahan...." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin agad na akong tumakbo papunta sa likod. Nililis ko ang suot ko na gown kinuha ko ang baril na nasa hita ko. Sumunod sila sa akin.
Saktong nakakarating kami nakita ko na hawak na ng mga nakakulay itim ang Papa ko.
"Papa!" Sigaw ko. Nakita ko ng ginilitan nila ng leeg ang Papa ko.
"No! Papa.!!" Sigaw ko. Naglingunan sila sa akin. Pinagbabaril ko sila. Nabitawan nila ang Papa ko. Tinakbo ko si Papa
.
"Papa!" Sabi ko habang kalong ko siya. Pinapuputukan naman ng mga kaibigan ko. Ang mga nakakulay itim na mga lalake.
"A...Anak.. T...Tumakas kana... D...Dalahin moi..Ito." Sabi ni Papa na nanghihina na. Tiningnan ko ang hawak niya. Yung peke na mapa. iyak ako ng lyak.
"Hindi Papa dadalahin ka namin sa hospital." Sabi ko saka pilit ko siyang binubuhat. Kaso hinawakan niya ang kamay ko saka umiling.
"No! Papa..!!" Sigaw ko ngayon lang ako natakot ng ganito. Ng makita ko na pumikit na siya Saka nabitawan na niya ako
"Papa!!" Sigaw ko.
"Kunin niyo ang babae at ang mapa!" Utos ng pinaka leader. Galit na tumingin ako sa kanila. Kinuha ko ang baril ko na nasa tabi ko. Nakita ko na sugatan na ang mga kaibigan ko sa tabi ko. Ng aktong lalapitan nila ako. Humanda kaming magkakaibigan. Ng may biglang sumulpot sa harap ko na lalake na nakakulay puti. Natigilan ang leader ng mga nakaitim na nilalang. Natigilan din kami.
"Itakas niyo na siya!" Sigaw ng lalake na nasa harap namin sa mga kaibigan ko. Natauhan ang mga ito. Bago pa ako makakilos hinawakan na ako ni Pekto sa kamay. Sabay hinala nila ako.
"Hindi! Papatayin ko sila!!" Sigaw ko habang nagpupumiglas ako. Biglang lumakas ang hangin nadala kami nito. Ng makalabas kami ng pintuan agad na nagsara ito. Saktong nakakawala ako kayla Pekto. Tumakbo ako sa pintuan. Pilit ko itong binubuksan.
Kahit anong gawin ko. Hindi ko mabuksan ang pintuan. Kaya sa galit ko pinagbabaril ko ito. Hangang maubos ko ang bala ko. Maya maya kusang bumukas ang pintuan.
Agad akong tumakbo sa loob. Sumunod ang mga kaibigan ko sa akin. Wala na ang mga nakaitim na nilalang pati ang lalake na naka puti at kulay puti din ang mahaba nitong buhok. Niyakap ko ang Papa ko na wala ng buhay. Wala narin ang hawak nitong mapa. Iyak ako Iyak.
Dumating ang mga pulis ang daming sugatan. Sila Pekto ang sumagot sa mga tanong ng mga pulis kasi hindi ako makausap. Dahil Sige ang iyak ko.
Hindi ako umalis sa tabi ng kabaong ng Papa ko.
"Pinapangako ko Papa hahanapin ko sila kahit nasaan pa sila naroroon. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sayo." Bulong ko. Habang nakakuyom ang kamao ko.
****AZREIL POV#*****
Nasa kalagitnaan ako ng pagiinsayo ng biglang sumakit ang noo ko. Saka lumabas ang marka ko sa noo. Nagliwanag ito. Napapikit ako. Nagulat ako ng dumilat ako nasa harap ko na ang mga Lorcan. Nakita ko na aktong kukunin nila ang babae na nasa likod ko. Agad na nilabas ko ang ispada ko.
"Itakas niyo na siya!" Sigaw ko sa mga kasama ng babae na mga sugatan na.
Natauhan naman ang mga ito at hinila nila ito pero nagpumiglas ang babae kaya nagpalabas ako ng hangin para ilabas sila at agad na sinara ko ang pintuan. Nakita ko pa ang mukha ng babaeng tao na umiiyak habang nagwawala. Natigilan ako hindi ko alam ang naramdaman ko. Nagulat ako ng atakihin ako ng leader ng mga Lorcan. ang tauhan ni Nucturna. Agad akong nakailag. Ng aatakihin ko na sila biglang naglaho ang mga ito. Nagtaka ako na napatingin sa paligid. Naramdaman ko na may dumarating na iba pang mga tao. Kaya Binuksan ko na ang pintuan. Nagtago muna ako sa isang sulok pinagmasdan ko pa siya ng Isang beses bago ako lumisan.
Nasa Palasyo na ako. Hindi parin siya maalis sa isipan ko. Napapangiti ako kapag naiisip ko ang itsura niya. Hindi ko alam kung papano ako nakarating sa mundo ng tao. Ang alam ko hindi kami pwedeng basta na lang tumapak sa lupa. Dahil maaring manganib sa amin ang mga tao.
Kinabukasan hindi ako mapalagay ginugulo ako ng alaala ng babaeng tao. Kaya pumunta ako kay Demeter. Upang magtanong at upang makita muli ang
babaeng tao. Nasa Lugar ito ni Aphrodite. Siguradong magtataka ito pag Nakita ako. Kaya nagpasalamat ako ng malaman na wala ito nasa Palasyo. Dahil nagpatawag ang aking ama ng pagpupulong.
Nagulat si Demeter ng makita ako na dumating sa lugar nila.
"Mahal na prinsepe Azereil napadalaw po
kayo? May kailangan po kayo?" Tanong nito.Sa akin.
"May nais lamang po akong malaman Ginoong Demeter." Sabi ko dito. Tumingin ito sa akin.
"Nais ko pong malaman. Ang Isang goddess po ba ay maaring bumaba na lamang sa mundo ng mortal at immortal?" Tanong ko dito. Napaisip siya.
"Hindi maari yun mahal na prinsepe. Dahil hindi kakayanin ng mga tao ang presensiya ninyong mga goddes." Sagot nito napaisip ako sa sinabi niya.
"Maliban na lamang po kung may pahintulot sa taas." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Paano po mangyayari yun?" Tanong ko dito.
"Kung ang mate niyo ay nasa ibaba. Siya po ang sasalo ng prisensiya niyo. Kaya Hindi nito mapipinsala ang mga tao. Ngunit hindi po iyon magtatagal. Dahil hindi po ganoon kalakas ang mga nilalang sa ibaba. Maliban kong Isa na po silang alagad kagaya ng Diyosa ng liwanag." Sabi nito. Kaya napaisip ako.
"Meron pa ba kayong katanungan Kamahalan?" Tanong uli nito. Napatingin
ako sa kanya.
"Maari ko bang makita ang mundo ng tao?"" Tanong ko dito. Nagalinlangan muna ito. Pero maya maya pumayag din ito. Kaya tuwang tuwa ako.
"Humarap po kayo sa crystal at isipin niyo po ang nais niyong makita at ipapakita niya sa inyo." Sabi nito. Tuwang tuwa na inisip ko siya. Parang may kumirot sa akin ng makita siyang tumatangis. Nagtaka si Demeter sa pinakita ng Crystal.
"Ipagpaumanhin niyo kamahalan kahapon pa po nagloloko ang portal." Sabi ni Demeter. Hindi ako umimik titig na titig ako sa babaeng tao habang walang humpay ang pagtangis niya. Parang nais ko siyang yakapin at punasan ang kanyang mga luha. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko.