Yumakap ako kay Papa ng dumating na ang Barko na sasakyan namin.
"Magiingat kayo." Sabi ni Papa. Tumango ako at kumaway sa kanya habang naglalakad na kami.
Pagpasok namin sa Barko may sumalubong sa amin na lalaki, dinala nila kami sa pinaka ilalim ng Barko. Nakita ko na maraming tao dito iba iba ang lahi. Naupo kami sa gilid.
Tinitingnan ako ng lalake sa kabilang gilid. Ng lingunin ko ito. Kinindatan niya ako. Napakunot ang noo ko. Nakasuot kasi ako ng tank top na kulay itim at maong pants na fit sa akin pinaresan ko ito ng boots na kulay itim. Saka ko tinirintas ang buhok ko. Hawak ko ang Jacket ko na maong. Nasa likod ko ang back pack na kinalalagyan ng mga kailangan kong gamit. Natawa ang mga kasama ko. Nakita din pala nila yun.
"Type pa yata si Vea ng loko." Sabi ni Pekto. Na tumatawa nilabas naman ng lalake ang dila niya saka nagpacute sa akin. Lalong nagtawanan ang tatlong Kasama ko. Kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nagsitigil sila. Hindi ko na lang pinansin yung lalake. Sumandal ako sa ding ding ng Barko saka pumikit. Malayo layo pa ang biyahe namin. Kaya matutulog muna ako.
Nagising ako sa iyak ng bata. Nilingon ko ito nakita ko na pinatatahan ito ng lalake na may karga dito. Mukhang naghahanap ng nanay ang bata. Tumingin ako sa mga kasama ko. Nakita ko na tulog na tulog ang mga ito. Kaya pumikit uli ako para matulog. Ng may sumigaw.
"Ano ba patigilin mo nga yan nakakarindi ang ingay." Sigaw ng lalake na kumikindat sa akin kanina. Natakot ang bata sa sigaw niya kaya mas lalo itong umiyak.
"Hindi mo ba talaga patatahimikin yan. ihahagis ko yan sa labas." Sigaw na naman ng lalake. Pilit naman pinatatahan ng lalake ang anak niya.
"Sinabi ko ng patigilin mo yang anak mo." Sabi ng lalake saka kinuha ang bata
na lalong nagiivak. Tiningnan ko ang
mga kasama namin nakatingin lang. Tumingin ako uli sa magaama. Nakita ko na nagmamakawa ang ama ng bata.
"Halika ritong bata ka dahil sayo hindi ako makatulog." Sabi ng lalake at aktong hahablutin nito ang bata. Mabilis ko itong sinipa sa mukha. Bumalandra ito sa sahig. Saka ko ito tinutukan ng baril. Gulat na napatingin ang mga tao sa akin.
"Ang ingay mo hindi ako makatulog dahil sayo. Bwisit ka." Sabi ko. Nanlaki ang mata nito. Nagmakaawa ito sa akin.
"Sa susunod na marinig ko pa ang boses mo papasabugin ko yang bao ng ulo mo dito. Naiintindihan mo?" Sabi ko sa kanya. Agad na tumango ito. Saka nagsiksik sa tabi. Tinago ko na ang kargada ko. Saka dumukot ng sandwich at tubig sa bag ko. Saka ako lumapit sa magama.
"Pakainin mo yang bata baka nagugutom yan." Sabi ko. Napatingin ito sa akin. Nagpasalamat ito at kinuha ang pagkain
at inumin. Natulala ito ng mahawakan ang kamay ko. Ng aktong aalis na ako. Nagulat ako ng hawakan ang kamay ko ng bata. napa tingin ako dito.
"Mama!" Sabi nito. Nanghingi ng pasensiya yung lalake. Pilit niyang nilalayo ang bata pero umiiyak lang ito. Kaya pinatigil ko siya. Kinuha ko ang bata. Tuwang tuwa na yumakap ito sa akin. Kumuha ako ng pagkain at binigay dito. tuwang tuwa na kumain ito. Ng mabusog ito nakatulog ito habang kalong ko.
"Maraming salamat binibini." Sabi ng lalake ng ibalik ko sa kanya ang bata.
"Nasaan ba ang nanay niya?" Tanong ko dito.
"Patay na. Inatake sa puso kakalilibing lang namin nung isang araw." Sabi nito. Naawa ako sa bata.
"Ganyan din siguro ako nung mamatay ang aking Ina." Bulong ko sa sarili ko.
"San ba ang punta niyo!" Tanong niya sa
akin.
"Papunta po kami sa tashihunpo monastery." Sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako.
"Magiingat ka. Dahil nanganganib ang buhay mo. Meron kang pinakialaman na hindi dapat. Ingatan mo ang patak ng dugo mo. Dahil nasa sayo ang tatak ng mga Organo na kailangan ng mga Lorcan. Maari itong mangwasak ng san libutan." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Naku kuya talaga naman pong laging nasa panganib ang buhay ng kaibigan namin. Kasi kung ano ano ang pinapasok niya. Sanay na kami. Hehehe." Sabi ni Amara sabay akbay sa akin. Saka nagpalam ito sa kausap ko at hinila na ako sa tabi. Napaisip ako sa sinabi ng lalake.
"May alam siya sa balat ko sa balikat." Bulong ko. Saka ko tiningnan ang magama.
******HEAVENLY RELIAM******
"Nagpakita uli ang pulang buwan. Tanda na may magaganap na kaguluhan sa mundo ng mga immortal." Sabi ni Aphrodite. Habang nakaharap sa malaking bolang crystal.
"Kung ganun kailangan mong makausap si Haring Hedduis upang mapaghandaan ang mangyayari." Sabi ni Calliope.
"Kung ganun kailangan mong bigyan ng babala ang Diyosa ng liwanag." Sabi ni Artemis. Ng sabihin ni Aphrodite ang Nakita.
"Ano sa palagay mo Athena?" Tanong ni Haring Hedduis sa asawa dahil Alagad niya sa mundo ng mortal ang Diyosa ng liwanag. Napaisip ito.
"Sa palagay mo Hedduis sino ang maghahasik ng kaguluhan sa mundo ng mga immortal?" Tanong ni Athena kay Haring Hedduis.
"Sa tingin ko may kinalaman yan sa pangitain na nakita ni Calliope. Nitong
nakaraan. Tatlong kamatayan ang darating mga bagong pinuno ang isisilang at magpapanatag sa buong sanlibutan." Sabi ni Haring Hedduis. Nagkatinginan sila dahil yan ang binigkas ni Calliope nung minsan makatangap ito ng mensahe galing Sa taas. Inisip nila noon na sa Heavenly reliam yun mangyayari. Pero biglang nagpakita ang pulang buwan at isinilang ang Diyosa ng buwan. At ng isilang ang anak nila Haring Hedduis. Muling nagpakita ang pulang buwan. Nakita namin na may tatak ito ni Haring Hedduis. Kaya naisip namin na ito ang susunod na Hari. Pero Isang malaking katanungan sa amin kung bakit nagpakita ang pulang buwan.
"Kung ganun nung magpakita ang pulang buwan noon ay Hindi dahil sa pagsilang si prinsepe Azereil. Kundi may isinilang din nung araw na yun na maaring mabibigay ng kaguluhan O Kapayapaan sa mundo ng imortal." Sabi ni Artemis.
"Anot ano man ang mangyari kailangan maghanda ang Diyosa ng liwanag." Sabi ni Haring Hedduis.