Chapter 3

1062 Words
"Wag muna tayong magpadalos dalos. Hindi pa malinaw sa atin kung anong kaguluhan ang darating sa mundo ng imortal. Sabi ni Athena. Napaisip sila. Saka nagpasya na maghintay muna ng Isa pang mensahe. *****ALVEA POV#**** Huminto na ang Barko. Bumaba kami. Kumain muna kami bago kami sumakay at nagpahatid sa pupuntahan namin. Pagbaba namin. Nakita namin agad ang monesteryo. Pumasok kami sa loob. "Iha! May maipaglilingkod ba ako sayo?" Sabi ng matandang Monghe sa akin. Yumukod ako sa kanya. Napatingin siya sa marka ko sa balikat. "Ano ang pangalan at kapanganakan mo Iha?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Saka sinabi ko sa kanya ang Pangalan ko at kapanganakan ko. Nagdasal ito. "Magiingat ka lha dahil hindi siya titigil hangat hindi niya nakukuha ang kailangan niya sayo. Alam ko na nauuhaw na kayo. Dumeretso kayo sa daan na yan at makakakita kayo ng Isang balon pwede niyo iyong inumin." Sabi nito kaya napatingin ako sa tinuro niyang lugar. Nagpasalamat ako dito saka niyaya ko na ang mga kasama ko.Tinahak namin ang daan na tinuro ng matandang Monghe. Paglampas namin sa hallway. Nakita namin ang balon. "Buti naman kasi kanina pa kami nauuhaw." Sabi ni Amara. Ako naman nililibot ang paningin sa paligid. Nagulat ako ng magiba ang itsura ng paligid. Napunta kami sa disyerto. pagtingin ko sa mga kasama ko mga bangag na. "Amara!" Tawag ko kay Amara na naliligo ng buhangin. "Pekto!" Tawag ko kay Pekto na lumalangoy sa buhangin. Pagtingin ko kay Kiko nililibing ang sarili sa buhangin. Agad na pinuntahan ko ito at hinatak ito. Naghanap ako ng lugar na mapagtataguan namin. Nakakita ako ng kweba kaya Isa Isa ko silang dinala dun. Kanina pa ako nagiisip kung papano kami napunta dito. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko mga tulog na tulog. Kaya Iniwan ko muna ang mga ito. Lumabas ako at nilibot ang paligid. Nakakita ako ng Isang butas. Kumuha ako ng bato at hinulog dun malalim ang Ibaba. Kinuha ko ang lubid sa bag ko tinali ko sa isang malaking bato ang lubid Saka hinulog yun sa butas. Kinuha ko ang ginagamit namin na ilaw. Saka kinagat yun at nagsimula na akong Bumaba. Nung nasa kalahati na ako kinuha ko ang ilaw sa bibig ko saka inilawan ang paligid. Napangiti ako ng makita na nasa libingan ako ng mga Monghe. Nagpatuloy ako sa pagbaba. "Kung ganun, ang nangyayari kanina ay Isang spell. Hallucinations lang. Buti na lang hindi ako uminom ng tubig. Kundi Isa din ako na maghahalucination. Ng malapit na ako sa baba. Nakarinig ako ng mga tunog. Kaya tumingin ako sa ibaba. Hindi na ako nagtaka ng makakita ng maraming malalaking scorpion na itim. Tumingin ako sa paligid. Nakakita ako ng sasampahan. Kaya pinagalaw ko ang lubid na kinakapitan ko. Saka malakas na tumalon papunta sa nakausling bato. Pagdating ko dun kinuha ko ang bag ko Kumuha ako ng ginagamit naming pang ilaw. Sinindihan ko iyon saka ko hinagis sa Isang pintuan. Nagsipuntahan ang mga Scorpio dun ng wala na akong nakita. Bumaba ako. Habang hawak ang pang ilaw. Sinara ko ang pintuan para Hindi makalabas ang mga Scorpio, Saka tiningnan ang paligid. Nakakita ako ng mga sulo. Sinindihan ko ang mga ito. Nagulat ako ng may biglang sumulpot na Scorpio. Mabilis na hinugot ko ang kutsilyo ko na nasa binti ko. Saka inispin ito. Nagingay ito ng matamaan ko. Mabilis na inilabas ko ang mapa. Nakita ko na nasa tamang location ako. Inisa Isa ko ang nakalibing. Ng makita ko ang hinahanap ko. Napangiti ako. Inangat ko ang nakatakip na bato. Nakita ko ang mapa nasa ibabaw ito ng bangkay ng isang Monghe. "Gotcha!" Sabi ko. Saka napangiti. Saktong naibabalik ko na ang takip ng makarinig ako ng malakas na tunog. Kaya nagmamadali akong bumalik sa pinanggalingan ko agad akong umayat sa nakausling bato. Saktong nakakaakyat ako ng nawawasak ang pintuan na pinagkulungan ko sa mga Scorpio. Nagulat ako ng maglabasan ang napakaraming Scorpio. Mabilis akong tumalon papunta sa lubid. At nagmamadali akong umakyat. Saktong nakakasampa ako ng makarinig ako ng nakakakilabot na hiyaw. Pero hindi ko na yun pinansin. Nagmamadali kung kinuha ang lubid Saka pinuntahan ang mga kaibigan ko. Nasa dati na ang Lugar. Nasa tabi ng balon ang mga ito natutog. "Hoy! Magsiging na kayo. Aalis na tayo." Sabi ko sa mga ito. Naaalimpungatan pa ang mga ito. Ng sumunod sa akin. "Anong nangyari?" Tanong ni Pekto. "Teka aalis na tayo? Pero hindi pa natin nakukuha ang mapa ah?" Sabi ni Amara na inaayos ang sarili. Hindi ako umimik tumawag na ako ng sasakyan namin. Nakalabas na kami ng Monesteryo. Kakamot kamot ang tatlo na kasama ko. Hininto kami sa bayan ng driver ng kalesa. "Pagingatan mo lha ang nakuha mo.Sa pagkat ikaw ang napili upang magmay ari niyan. Kahit anong mangyari wag mong wawalain. Kakailanganin mo yan balang araw." Nagulat ako sa sinabi ng driver sa akin. Saka walang ano ano itong umalis. Napakunot ang noo ko. Nagpalipas muna kami ng magdamag sa Isang Bar. Bukas pa ang dating ng Barko na sasakyan namin pabalik. Natutulog ako sa Isang silid. Samantalang ang mga kasama ko nagkakasayahan sa labas. Ang sarap na ng tulog ko ng magising ako sa ingay sa labas. Napadilat ako. "Mukhang nagkakagulo sa labas." Bulong ko. Bumangon ako saka binuksan ang pintuan ng silid ko. Nakita ko na tulog na tulog ang tatlo. Sumilip ako sa pintuan Nagulat ako ng makita na nagkakagulo sa labas. May mga nakaitim na lalake ang pumapatay. Sa mga tao sa labas. Nagmamadali kong sinara ang pintuan ng silid namin. "Pekto gumising kayo bilisan niyo." Sabi ko kay Pekto. Kakamot kamot ang ulo na tumingin ito sa akin. Magiingay pa sana ito mabilis na tinakpan ko ang bibig nito. Saka tinuro ang labas. Napatingin siya sa akin Saka napatingin sa labas. Narinig namin ang mga hiyawan sa labas. "Gisingin mo sila aalis tayo dito ngayun." Hahanap ako ng malalabasan natin." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Halatang hilo pa. Tumayo ako sumilip ako sa bintana. Nakita ko na nagkakalat ang mga nakaitim sa labas. Tumingin ako sa taas. Nakita ko na may masasampahan. Tumingin ako sa mga kasama ko nakita ko na gising na sila. Nakasilip sila sa pintuan.Maya Maya lumapit sila sa akin. Tinuro ko ang taas. "Ako muna ang aakyat sumunod kayo sa akin " Bulong ko sa kanila Tumango sila. Hinarang nila Pekto ang lamesa sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD