"Vea, kanina ka pa hinahanap ni pinuno. San ka na naman ba nagpuntang bata ka?" Sabi ni manang Loleng sa akin ang kusinera namin. Kumuha ako ng manok na niluto niya saka kinain ito.
"Diyan lang sa tabi tabi manang." Sagot ko dito. Tiningnan naman ako nito.
"Naku, Siguradong napalaban na naman kayo no. Tingnan mo puro bangas ka na naman." Sabi nito saka hinawakan ang siko ko. Napapiksi ako ng maramdaman ang hapdi.
"O. Ano ngayon? Nasasaktan kana. Pero nung nakikipag bangasan ka hindi mo man lang iniinda ang sakit." Sermon nito sa akin habang ginagamot ang sugat ko.Siya ang pinaka nanay ko dito sa mansion.
"Nasan po ba si Papa?" Tanong ko dito.
"Pinalaki ka kasi ng Papa mo na parang lalake." Sabi nito saka tinuro ang opisina ni papa. Pumunta ako doon.
Nakita ko na may kausap ito na mga lalake. Naupo ako sa gilid habang kumakain ng manok.
"O, Iha nandiyan kana pala. halika dito" Sabi niya. Lumapit ako sa kanila.
"Mabuti pa iha samahan mo sila sa pagkuha niyan. Alam mo kasi iha yan ngayon ang pinagkakaguluhan sa market. Ang bato na daw na yan ay nagkakahalaga ng Billiones. Kaso ang mapa na magtuturo kung saan matatagpuan ang bato nasa Sagradong lugar ng mga monghe." Sabi ni Papa. Tiningnan ko ang bato. Parang pang karaniwan lang naman ito na bato na kulay pula.
"Sige Papa pero kailangan ko ng Mapa ng lugar ng mga Monghe." Sabi ko kay papa. Ngumise ito ng malapad.
"Walang problema anak." Sabi nito saka binigay sa akiin ang isang mapa. Tiningnan ko ito.
"Kailangan ko pang pagaralan ito." Sabi ko sa kanya.
"Kailan ko naman malalaman anak kailangan natin magmadali baka maunahan tayo ng iba." Sabi ni Papa.
"Wag kang magalala Papa sa klase ng lugar nato mukhang mahihirapan sila na pasukin ito." Sabi ko kay Papa. Saka ngumiti sa kanya. Tumango ito. Nagpaalam na ako.
"Hoy! Alvea, sigurado ka na papasukin natin ang lugar ng mga Monghe? Alam mo ba na usap usapan na wala pang nakakalabas ng buhay dun." Sabi ni Pekto sa akin. Hindi ko siya pinansin. Busy ako sa pagtingin sa mapa na hawak ko.
"Ano ka ba Pekto kailan ba natakot yang si Vea. Naalala mo ba nung pasukin natin yung lugar ng mga Mummy sa Egypt. Sabi din nila walang nakakalabas ng buhay dun pero sa awa ng diyos nakalabas naman tayo dahil kay Vea. Yun pala wala naman palang laman na kayamanan dun kundi isang bangkay ng Isang babae muntik pa tayong malibing dun ng buhay." Kwento ni Amara habang tumatawa.
"Oo no, hinabol kaya ako dun ng malaking ahas, muntik pa akong maging hapunan nila ng mga anak niya." Sabi naman ni Kiko. Nagtawanan silang tatlo. Silang tatlo ang mga kababata ko. Bata pa kami magkakasama na kami. Kaya sila ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay. Anak sila ng mga tauhan ni papa.
Buong magdamag kong pinagaralan ang mapa.
*****HEAVENLY RELIAM******
"Haring Hedduis may nagpakita pong isang pangitain sa akin. May digmaan pong magaganap sa mundo ng mga immortal." Sabi ni Calliope ang diyosa ng Panaginip.
"Haring Heddius, may gumambala sa himlayan ni Nocturna." Sabi naman ni Aphrodite ang diyos ng oras.
"Isa yan sa nakita ko. May isang immortal ang bubuhay kay Nucturna." Sabi ni Calliope. Si Nucturna ang pinaka makapangyarihang goddes, ang Goddes of war. Pinarusahan ito ng Bathala dahil naghasik ito ng kaguluhan sa Heavenly Reliam. Dahil sa kasakiman nito ginusto nito na mamuno sa sanlibutan. ikinulong ito sa mundo ng mga patay ng habang panahon ng kataastasang Bathala. Dahil ang mga goddes ng Heavenly Reliam ay walang kamatayan.
"Pano mangyayari yun. Walang sino man ang pwedeng magpagising sa kanya. Ni kahit ang kapangyarihan natin. Hindi kayang gisingin siya." Sabi ni Haring Heddius.
"Meron haring Hedduis. Ang dugo ng makapangyarihang Organo." Sabi ni Athena ang diyosa ng buhay.
"Pero wala ng natitirang Organo." Sabi naman ni Artemis ang diyos ng kalawakan.
"Meron. May isang Organi na nabubuhay sa mundo ng immortal." Sabi ni Athena ang diyos ng buhay. Napatingin sila dito.
"Ang ama ng diyosa ng liwanag." Sabi uli nito. Nagkatinginan sila.
"Kung ganun ang anak ng diyosa ang maaring gumising sa natutulog na si Nucturna?" Sabi ni Aphrodite ang diyos ng oras. Hindi umimik si Athena.
"Kaya ba hiniling mo sa akin na hayaang ilayo sa kanya ang anak niya. Dahil natatakot ka na may makaalam sa lihim na kakayahan ng bata at gamitin ito upang gisingin si Nucturna." Sabi ni haring Hedduis. The god of justice. Kay Athena. Nagkatinginan sila.
"Kung ganun mangyayari at mangyayari talaga ito." Sabi ni Calliope.
"Ano pong gagawin natin haring Hedduis?" Tanong ni Athena.
"Pano yan walang may kakayahan sa atin na magkulong at muling magpatulog kay Nucturna." Sabi ni Aphrodite.
"Meron. Ayun sa pangitaiin ko may isang lilitaw na Goddes na naangat ang kakayahan at kapangyarihan siya lamang ang may kakayahan na magkulong kay nucturna." Sabi ni Calliope. Napatingin sila kay haring Hedduis.
"Si Azereil ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ni Haring Hedduis, Ang nagiisang anak nila ni Athena, hindi nagsiimikan ang mga ito.
"Siya lang po ang nagiisang natatangi ang kapangyarihan sa ating lahat." Sabi ni Aphrodite. Napatingin si Hedduis sa anak na nagsasanay sa labas. Napaisip siya. Matagal tagal narin ng ibigay ng bathala ang pangalawang pagsubok sa anak. Alam ng lahat na ito ang napili na hahalili sa kanya sa trono. Kaya napaisip siya.
*****ALVEA POV#****
"Nakahanda na po ako papa." Sabi ko sa papa ko. Ilang gabi ko ring pinagaralan ang plano. Tuwang tuwa ito.
"Maasahan ka talaga anak." Tuwang tuwa na sabi nii Papa sa akin.
"Kailan ang alis niyo papuntang china?" Tanong nito.
"Baka sa lingo ng umaga." Sagot ko kay papa.
"Kung ganun ipapahanda ko na ang barko na sasakyan niyo papunta dun." Sabi nito. Kagaya ng dati iligal na naman ang pagpasok namin sa lugar. Wala kasi akong mga papeles. Saka kung maglalakad pa kami ng mga yun matatagalan pa ang pagproseso. Kaya kung gusto mo ng madalian sa iligal ka pumunta.
Madilim pa lang umalis na kami papuntang Pier. Para sumakay ng barko na biyaheng china.
"Magiingat ka dun anak. Kapag may problema alam mo kung paano ako kokontakin." Sabi ni Papa. hinatid niya kami dito. Kasi siya ang kilala ng sasakyan namin.
"Kayong tatlo wag niyong pababayaan si Vea kung hindi ang mga ulo niyo ang ipapalit ko kapag may nangyaring masama sa anak ko." Sabi niya sa tatlo kong kasama.