Chapter 9

1023 Words
"Sabi ko na nga ba kakaiba talaga Ang lugar na ito. Napapansin ko talaga yun pagdating natin dito." Sabi ni Berto. "Narinig mo yun Vea " Sabi naman ni Amara. Hindi ako umimik. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nagbabakasakali na makakita ng nakaitim na lalake. Pero wala talaga akong nakita. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng may lumapit kay Pekto na nakikipagkwentuhan sa dalawang binata. Nagulat ako ng makita na may lumabas na kulay itim sa kamay niya. Saktong titirahin nito si Pekto ng itulak ko siya kaya inis na tumingin siya sa akin. Nagtakbuhan ang mga kausap ni Pekto na matatanda. Bago pa ako matira ng lalake sinipa na siya ni Pekto bumalandra ito sa tabi. Nagulat kami ng nagsitayo ang nasa Isang lamesa na limang lalake. Napakunot ang noo ko. Yung Isa may hawak na kadena. Tumayo narin sila Amara at Berto. Dumukot si Amara ng balisong si Berto naman sinuot ang five pinger na bakal niya. Si Pekto naman dudukutin sana Ang baril niya kaso Nakita niya na may lumabas na apoy sa kamay ng Isa. Kaya binalik na lang niya uli ang baril niya at humanda na lang sa paglaban ng mano mano at Nagtalikuran kaming magkakaibigan at humanda kami sa paglusob nila. Ng aktong lulusob na ang mga ito. Ng tirahin kami ng apoy ng Isa. Agad na nagkahiwalay kami sa pagilag namin dito. Yun lang ang hinintay nila nilusob na nila kami. Hinampas ako ng kadena ng Isa na agad kong nailagan. Sabay talon papunta sa Isa bago pa ito makaporma. Sinipa ko na ito sa mukha sad sad ito. Paglingon ko nakita ko na tatamaan ako ng kadena kaya sinalo ko ito. Nagliwanag ang kadena. Napangiti ang may ari nito. Hinila ko ito nagulat ang may ari sa ginawa ko sabay ng mapalapit siya sa akin sinuntok ko siya sa mukha. Saka ko inikot sa kanya ang kadena. Nagulat ako ng magliwanag ang paligid. Natigilan kaming. "Nandito ang goddess of light." Sabi ng Isa sabay sabay silang tumakbo. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. "Ayos lang kayo?" Tanong ko sa kanila. Tumango sila. Nakahinga ako ng maluwag. "Grabee yun ah.. Akala ko katapusan na natin." Sabi ni Pekto. Nagtawanan naman sila Berto at Amara. Nagiwan ako ng pera sa lamesa Saka umalis na sa lugar. "Ano kaya ang nangyari bakit biglang may lumabas na liwanag na nakakasilaw kanina?" Tanong ni Berto. "Sabi Nung isa may dumating daw na goddess of light." Sagot naman ni Amara. "Sino naman kaya yun?" Tanong naman ni Pekto. "Malay ko. Bakit hindi mo tanungin si Vea baka alam niya kung sino yun." Sabi naman ni Amara. Kaya tumingin sila sa akin. Hindi ako umimik. Iniisip ko ang sinabi ng mga matatanda na sasapit Ang eklipse. " Kung kanina napalaban na kami sa mga nilalang dito. Siguradong may kasunod pa yun kailangan namin maghanda." Bulong ko sa isip ko. Ng mapalingon ako sa Isang bahay. "Nagbebenta ng ibat ibang klase ng magic." Basa ko sa nakasulat sa labas. Napakunot ang noo ko. Pumasok kami sa loob. Parang normal na Antique Shop ang bahay may mga ibat ibang Naka display na mga bagay. Nagulat ako ng kalabitin ako ni Amara at inguso ang larawan na nasa Frame gumagalaw ang mata nito. Napatingin ako sa dalawa ko pang kasama. Nangingialam ang mga ito sa mga nakadisplay na mga pigurine ng may sumitsit sa kanila. Napalapit agad ang mga ito sa akin ng Makita na ang Isang painting ang sumisitsit sa kanila. Natawa si Amara. "Vea ano ba itong lugar na ito bakit naggagalawan ang mga larawan dito?" Tanong ni Pekto. Hindi ako umimik. Nagderetso ako sa pagpasok sa loob. Maya maya may lumabas na Isang kubang babae. "Alam ko ang dahilan kung bakit kayo narito. Halikayo may ipapakita ako sa inyo na makakatulong sa inyo." Sabi nito nagkatinginan ang tatlo Saka tumingin sa akin. Sumunod ako sa babae. Dinala niya kami sa Isang silid. Medyo madilim dito. Pinaupo niya kami. Umalis siya sandali pagbalik niya may dala na siya. Nilapag niya sa lamesa na maliit na nasa harap namin ang mga kakaibang sandata. Napatanga kami. "Sige kumuha kayo ng tagiisa." Sabi ng babae. Napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ko bago sila tumingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang Isang sandata magkabilaan ang talim nito. Nagulat ako ng mahawakan ko ito parang may kung anong pwersa na humatak sa akin nakaramdam ako ng lakas. Nagdamputan narin ang tatlo kong kasama. Si Perkto at si Berto parehong ispada ang kinuha. Si Amara naman ang dalawang bola na kulay blue Nagulat kami ng biglang nagliwanag ang mata nito at nagkaroon ng kulay puti ang ang buhok nito. Napatingin ako sa babae. Nakangiti ito. Napakunot ang noo ko. "Wag kang magaalala maayos lang siya. Ginigising lang ng mga sandata ang nakatago niyong lakas." Sabi ng matanda sa amin. Mas lalo kaming nagtaka ng biglang nawala ang mga sandata sa mga kamay namin. "Kinilala na kayo ng mga sandata. Magmula ngayon kayo na ang kanilang Amo. Kayo lamang ang may kakayahan na isummon sila." Sabi nito napakunot ang noo ko. "Summon?" Tanong ko sa kanya. "Oo sa tuwing nasa panganib kayo maari niyo silang isummon." Sabi niya sa amin. "Tama ako sa hula ko sayo ng makita kita." Sabi niya sa akin. Napakunot lalo ang noo ko sa kanya. "Hindi mo alam. Hindi Ikaw ang naghahanap sa kanila kundi Ikaw ang hinahanap nila. Darating ang panahon na kailangan mong magdesisyon. Sana maging matalino ka pagvsumapit ang araw na yun. Isipin mo ang nakararami kesa ang sarili mo. Wag kang magalala pinadala na ng nasa taas ang taong gagabay sayo at inihahanda na ang mga taong susuporta sayo. Sana magpakatatag ka Iha sa mga darating pang pagsubok Sayo." Sabi niya sa akin napatanga ako sa kanya. "Maging malakas at matatag kayo. Ingatan niyo Ang the chosen one. Nakasalalay sa mga kamay niyo ang tagumpay niya. Magiingat kayo dahil parating na sila." Sabi nito. Bago pa kami magsalita naglaho na ito kasabay ng paglaho ng bahay. Naiwan kami na gulong gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD