Nakita ko na parehas silang lumutang sa ere. May kung ano na nakabalot sa kanila. Seryoso lang na nakatingin si Azreil dito habang nililipad ang mahaba nitong buhok na nakatali ang kalahati. Naglabas ng kulay itim na usok ang lalake sabay nabalutan nito si Azreil. Kinabahan ako.
"Poison ashes." Sabi ng Isa. Na malapit sa akin. Maya maya unti unting na Wala ang usok na itim naging puti ito.Lumamig ang paligid.
"Ice powers! Sino ang gumagamit sa kanila?" Sabi naman ng Isa. Maya Nakita namin na nabalutan ng yelo ang paligid. Biglang nagapoy ang katawan ng lalake na nakakulay itim natunaw ang yelo na nasa paligid. Naglabas ng mga Bolang apoy ito at pinalutang sa taas. At sabay sabay na pinalipad papunta Kay Azreil. Nagulat ako ng biglang mabalutan ng tubig si Azreil. Maya maya Uminit ang paligid. Napalingon ako ng magsalita ang nasa tabi ko.
"s**t! Maglagay kayo ng Panangga sa sarili niyo" Sabi ng Isa. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko na nakatingin sila sa taas. Napatingin ako sa taas nagulat ako ng makita na may maliit na liwanag na nakalutang sa taas. Bago pa ako nakakilos sabay sabay na nagbagsakan ang mga ito.
Nagulat ako nagsigawan ang mga nilalang na Kasama ko sa ibaba. Pero bago pa bumagsak sa amin natunaw ito Isa Isa naging snow flakes.
"Whoo Ang galing!" Sabi ng Isa Napatingin ako sa naglalalaban. Nakita ko na nasa taas na si Azreil.
Nakatingin sa akin.Lumamig uli ang paligid. Nakita ko na sa lalake na siya nakatingin. Nabaluta n na naman ng kulay asul na apoy ang lalake. Pero bago pa ito makakilos nabalutan na ito ng tubig na unti unting naging crystal. Hindi na siya nakakilos kasi inilock na ang mga kamay niya pati ang leeg niya. Unti unti ng bumaba si Azreil. Nagtataka ako bakit Hindi niya natutunaw ang nakagapos sa kanya e yelo lang yata yun.
"Hindi niya matutunaw yan kasi hindi Diamond yang nakagapos sa kanya at habang nagpipiglas siya Lalo lang yan hihigpit." Sabi ng Isa Napatingin ako sa kanya.
"Grabe ang powers ng lalaking ito. Pinagsama niya ang water manipulation at Ice powers para matalo ang Isa sa mga leader ng mga retriever " Sabi ng matanda na nasa gilid.
"Sa tingin ko Isa din siyang leader." Sabi naman ng Isa. Nakita ko na umakyat na Ang tagapagsalita. Si Azreil ang nanalo sa laban. Sinamaan siya ng Isang babae. Nakita ko na si Amara Ang susunod na lalaban. Laban sa lalake na may hawak na maso.
"Magiingat ka." Sabi ko dito.
"Wag kang magalala sa tingin ko kaya ko siya." Sabi nito. Ngumiti na lang ako pero sa totoo lang Hindi ako makakampante hangat hindi ko nakikita na nakatumba ang kalaban niya. Umakyat na siya sa stage. Nakita ko na ngumise ang lalake na kalaban niya. Nilabas ni Amara ang lagi niyang dalang patalim.
"Sigurado siya lalabanan niya ng mano mano si Barquillo. Alam niya ba kung gano kalakas ito." Sabi ng Isang lalake. Napatingin ako sa kalaban ni Amara. Nakita ko na hinampas nito ang sahig ng stage. Nag wasak ito papunta kay Amara na mabilis na nakatalon papunta sa gilid . Sabay talon papunta sa kabila. Mabilis na nagpalipat lipat si Amara na sinusundan ng hampas ng kalaban niya. Natunugan ko na kung ano ang binabalak ni Amara. Mabilis na nakalapit ito sa lalaki sabay hiwa sa magkabilang Binti ng lalaki. Humiyaw ito sa naramdaman sakit. Mabilis nitong pinaghahampas si Amara. Muntik muntikan matamaan ito. Buti na lang likas na maliksi itong kumilos. Mabilis na namang nakalapit ito sa kalaban at agad na sinaksak nito sa braso ang lalake. Sabay layo galit na galit ang kalaban nito.
Hangang sa natapos ang laban nila Hindi man lang niya natamaan si Amara. Punong puno siya ng saksak sa mga Binti at paa. Kaya nakaluhod na bumagsak siya. Nanalo si Amara. Napangiti ako.
Nakita ko na lumabas ang pangalan ko sa monitor. Umakyat ako sa stage. Nakita ko na babae ang kalaban ko. Nakita ko na may binigkas ito. Humanda ako sa gagawin niya pero laking Gulat ko ng mawala siya sa harap ko at bigla siyang sumulpot sa tabi ko sabay sipa sa mukha ko. Bumalandra ako sa tabi Hindi ko napaghandaan ang pagdating niya sa tabi ko. Tumayo ako Saka pinunasan ang labi ko na nagdugo. Ngumise siya maya maya na Wala na naman siya nagulat ako ng sumulpot siya sa tagiliran ko sabay wasiwas ng patalim niya naka Iwas man ako na daplisan niya parin ako sa braso.
"s**t! Pinaglalaruan niya ako. Kailangan kong pagaralan ang kilos niya hindi ako pwedeng magpaubaya kundi matatalo ako." Bulong ko. Kaya ng mawala siya uli humanda ako sa pagsulpot niya. Bigla siyang sumulpot sa harap ko. Saktong sasaksakin niya ako ng patalim niya. Ng hawakan ko ito sabay sikmura sa kanya. Bago pa siya nakakilos na hawakan ko uli ang buhok niya
"Huli ka ngayon balbon." Sabi ko sabay pinagsusuntok ko siya. Binalete ko ang kamay niya nabitiwan niya ang sandata niya. Hindi ko siya binibitawan dahil alam ko na mawawala na naman siya. Narinig ko na nagbigkas na naman siya ng salita. Nagulat ako ng mawala siya sa pagkakahawak ko. Pagtingin ko sa kanya malayo na siya sa akin pinupunasan niya ang dugo niya sa mukha niya.
Nagbigkas uli siya ng orasyon. Humanda ako sa gagawin niya. Nagulat ako ng maging madami siya pinalibutan niya ako. Humanda ako. Tinitigan ko Isa Isa.
"Isa lang ang totoo sa kanila at yun ang kailangan mong malaman kapag nalaman mo kung sino ang totoo matatalo mo siya." Sabi ng tinig na bigla na lang narinig ko. Napatingin ako sa paligid. Hindi ako magkakamali tubig yun ni Azreil.
"Mag pocus ka Vea." Sabi niya uli. Kaya huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko na unti unti akong nanghihina. May kung ano sa sandata niya.
Ng may maalala ako. Tiningnan ko Isa Isa ang mga nakapalibot sa akin. Napangiti ako.
"Huli ka balbon." Sabi ko. Naramdaman ko na susugod sila sa akin.
"Magiingat ka may lason ang patalim niya." Sabi ni Azreil. Napakunot ang noo ko.