Sinabi ni Pekto sa akin kanina. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti.
"Tulog na kaya siya?" Tanong ko sa isip ko. Naalala ko nung matulog siya sa balikat ko.
Napangiti na naman ako.
***ALVEA POV#***
Hindi ako makatulog hindi ko alam kung bakit.
Pabiling baliktad ako sa higaan. Hindi ko alam kung Anong oras na ako nakatulog.
Kinabukasan pinapunta kami sa bulwagan lahat.
Nilapitan kami agad nila Pekto ng Makita nila kami.
"Anong meron?" Tanong ni Amara.
"Ewan Basta pinapupunta lang lahat dito."
"Binabati namin kayo kasi nalampasan niyo ang pangalawang pagsubok. Ngayon tutungo tayo sa pangatlong pagsubok." Sabi ng tagapagsalita.
"Isa Isa kayong lalapit dito at bubunot ang mabubunot na kulay niyo ang siya ninyong magiging kagrupo." Sabi nito. Kaya nagkatinginan kami. Pinapila kami ng mga kawal. Isa Isa kaming bumunot. Kulay Asul ang nabunot ko. Ganun din si Amara. Kulay pula naman kay Pekto at Jepoy. Dilaw naman Kay Azriel, Biboy at Berto. Nagkahiwahiwalay kami.
"Pano yan iba iba ang nakuha nating kulay. Baka tayo tayo ang mgalaban sa huli." Sabi ni Jepoy.
Kinabahan din ako. Dahil may point siya.
"Hindi yun mangyayari." Sabi ni Azreil. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Lumakas ang t***k ng puso ko natigilan ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Lihim akong napahawak sa dib dib ko.
"Ano yun bakit parang ang lakas lakas ng t***k ng puso ko." Bulong ko sa isip ko. Na Wala na Ang isip ko sa pinaguusapan namin.
Hinanap na namin ang grupo namin. Nakita na iba iba din ang kagrupo namin sampo sampo bawat grupo. Tahimik lang ako sa gilid.
"Hoy kinakabahan kana ba?" Sabi ng Isang babae na lumapit sa akin. Tiningnan ko siya. Nakita ko na may daladala siyang dalawang karet na nakakabit sa Isang kadena. Ngumisi siya.
"Kung Hindi mo kaya umurong kana ngayon pa lang dahil baka matalo lang tayo dahil sayo." Sabi nito. Hindi ko siya pinansin at iniwan ko siya
"Abat!" Sabi nito ng aktong hahabulin ako nito hinawakan ito sa balikat ng lalake na may dalang maso.
"Hayaan mo na siya. Ikaw talaga." Sabi nito. Kaya inis na tiningnan na lang ako ng babae.
"Lahat ba nakabunot na at nahanap niyo na ang grupo niyo? Ngayon tumingin kayo dito sa monitor. Eto ang unang maglalaban. Kapag Nakita niyo Ang pangalan niyo sa monitor umakyat na kayo dito. Ang mananalo ang siyang maiiwan. Ang matatalo ang matatangal." Sabi nito. Kaya nagkatinginan kami ni Amara.
Nilibot ko ang paningin ko nakita ko na
marami din pala kaming mga grupo ibaiba ang kulay na hawak na kahoy. Nakita ko na ngumisi ang babae na nasa kabilang grupo sa akin. Yung Isa naman sumenyas pa kay Amara ng hiwa sa leeg.
"Hmm, Akala naman niya natatakot ako sa kanya." sumenyas naman si Amara itinaas niya ang kamay at pinakita ang middle finger niya. Napakunot ang noo ng mga ito.
"Oh,Loko Akala niyo kayo lang marunong mangasar." Bulong uli nito sa tabi ko. Natawa ako. Pagtingin ko sa kabila nakita ko na titig na titig ang lalaking nakaitim sa akin. Kinilabutan ako sa klase ng pagkakatitig niya. Nawala lang ang attention ko sa kanya dahil Nagsalita na uli ang lalake sa stage. Sinabi niya na magsisimula na laban.Kaya lahat kami nakatingin sa monitor. May mga unang naglaban.
Sumuko na agad ang Isa. Ang sumunod na lumaban pareho duguan ng matapos patas ang laban ng mga ito. May kumuha sa kanila. Ang sumunod Yung babae na sumenyas kanina ng gilit sa leeg kay Amara. Hay hawak itong Bilog na patalim. Patay ang kalaban niyo ng tantanan nito kahit sumuko na ito Hindi niya prin tinigilan. Kaya napakunot ang noo ko. Sumenyas ito kay Amara. bago ito bumaba.
"Ang yabang nitong hayop na ito." Bulong ni Amara. Hindi ako umimik pagtingin ko Nakita ko na nakatingin sa amin ang grupo grupo nitong sumalubong sa amin.
Sumunod na lumaban si Pekto. Huminga ako ng malalim. Tumingin siya sa akin.
"Magiingat ka." Sabi ko ng makita ko na Yung lalake na Kasamahan ng babae na bumaba ang makakalaban ni Pekto. Dinilaan pa ng kalaban ni Pekto ang sandata niya na. Akala ko naman malakas ito pero ni hindi nga pinagpawisan si Pekto. Ni hindi niya nga nailabas ang sandata niya. Nagulat ako ng bigla na lang itong bumagsak Isang suntok lang ni Pekto. Ang sumunod na lumaban sila Jepoy at Biboy. Nakita ko kung gano kabilis ni Biboy at kung gano kalakas ni Jepoy nakakaya pala nitong palakihin ang katawan niya. Ang sumunod si Berto kinabahan ako dahil ang babae na lumapit sa akin kanina ang makakalaban nito. Nung una ayos pa dahil pinaglalaruan lang ito ni Berto. Pero nagulat ako ng bigla na lang nagliyab ang sandata nito pero kulay orange ang apoy na nakabalot dito. Nag iba din ang mata nito naging kulay itim ito. Nagseryoso narin si Berto nilabas na nito ang sandata niya. Nagulat ang babae. Nakilala niya siguro ang sandata ni Berto nagingay ang paligid. Naging mainit ang laban ng dalawa. Nakita ko na humahaba ang sandata ng babae. Napatayo ako ng masugatan sa braso si Berto. Hinawakan ako sa kamay ni Amara.
"Wag kang magalala kaya niya yan." Sabi ni Amara sa akin. Kumalma ako ng ngumiti si Berto. Maya maya sumeryoso na ito. Ngumise ang babae ng tirahin nito si Berto sinangga ni Berto ito ng sandata niya. Nagulat ako ng mawasak ito. Nagulat din ang babae. Pagtingin ko nagliliyab na din ang ispada ni Berto kulay asul ang lumalabas na apoy dito. Nagkadurog durog ang sandata nito at bago pa makakilos ito nakatutok na ang sandata ni Berto sa leeg niya. Panalo si Berto. Semenyas si Amara dito ng Good.
may kumuha sa kanya na babae.
Ang sumunod na lumaban si Azreil ang kalaban nito Ang lalake na nakaitim kanina na nakatingin sa akin. Nagulat ako ng makita na wala itong sandata.
Pareho silang walang sandata. Pero nagulat ako ng magliparan ang mga bagay sa paligid nila at lumipas ito patungo Kay Azreil na bigla ding huminto pagdating sa harap ni Azreil at unti unti ang mga ito na natunaw. Nagkaingay ang mga nilalang na nasa paligid namin.
Titig na titig ako sa laban nila.