Ng makakyat ako sa bubong hinawakan ko ang kamay ni Amara sumunod sa amin si Pekto at si Kiko. Nagmamadali kaming tumalon sa kabilang bubong. Sa mga bubong kami dumaan. Magliliwanag na ng makarating kami sa Pier.
Naglakad lakad kami. Naghanap kami ng makakainan.
"Alam niyo ba na nilusob ng mga hindi pangkaraniwang nilalang ang Isang bahay aliwan kagabi." Sabi ng isang chino. Katabi lang namin ang lamesa nila. Kaya naririnig namin ang pinaguusapan nila.
"Ang sabi may hinahanap daw silang tao. Dala daw nito ang treasure na pagaari nila." Sabi naman ng Isa. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Hindi ako umimik. Ng matapos kaming kumain nagikot ikot na lang kami. Pagdating ng tanghali pumasok kami sa Isang hotel para magpahinga. Pagsapit ng gabi lumabas na kami. Saktong palabas kami ng hotel ng makita namin na papasok ng hotel ang mga lalake na nakakulay itim.
Kilala ko sila. Sila ang lumusob sa bahay
allwan. Kaya agad kong hinila ang mga kasama ko. Nagtago kami sa Isang gilid. Ng makalampas sila sa amin. Mabilis kaming lumabas ng hotel.
"Mukhang nasusundan ka nila Vea." Sabi ni Pekto. Napaisip ako.
"Magmadali kayo kailangan na natin makasakay ng Barko. Sabi ko sa kanila. Tumango sila. Tamang tama na nakakarating kami sa pantalan ng dumating ang Barko na sasakyan namin.
Agad kaming sumakay dito. Kagaya nung sinakyan namin papunta dito. Nasa ilalim na naman kami ng Barko naka pwesto. Tuwang tuwa ang ama ko ng dumating kami.
"Hindi mo talaga ako binigo anak.Kahit kailan. Sabi ko na nga ba makukuha mo ito." Sabi niya saka tumawa ng malakas. Hindi ako umimik. Umakyat na ako sa silid ko at nagpahinga.
"Grabe Vea kinabahan kaya ako dun sa mga nakakulay itim na sumusunod sa atin." Sabi ni Pekto. Kasalukuyan kami na nasa kusina nagaalmusal.
"Ano kaba. Nakita ko pa sila na dumating sa pantalan. Saktong umaandar na ang Barko." Sabi naman ni Kiko. Napatingin ako sa kanya.
"Talaga?" Tanong naman ni Amara dito. Tumango ito.
"Naku Vea hindi kaya masundan ka nila dito?" Sabi ni Amara sa akin. Napatingin sila sa akin.
"E di sumunod sila. Ang laki ng pilipinas para malaman nila kung saan ako susundan. Saka tawid dagat na ito." Sabi ko sa kanila. Kaya nakahinga sila ng malalim. Kanina ko pa tinitingnan ang mapa. Pinalitan ko ang mapa. Peke ang binigay ko kay Papa. Naisip ko ang sinabi sa akin ng driver ng kalesa na sinakyan namin. Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na totoo ang sinabi ng lalake na yun. Parang may pwersa na nararamdaman ako sa mapa na hawak ko.
"Wala naman akong nakikita na trucking device dito. Pinatingnan ko na din ito sa isang experto. Wala daw device na nakakabit dito." Bulong ko.
"Kaya nagkakamali kami na nasusundan nila ito. Maaring hinuhulaan lang nila ang mga dinaanan namin." Bulong ko uli, Saka nahiga na ako.
Kinabukasan paggising ko. Nagtaka ako kung bakit abala ang lahat ng mga kasambahay namin.
"Bakit mukhang busy ang lahat ng tao dito?" Tanong ko kayla Kiko na naabutan ko sa kusina.
"Hindi mo alam?" Tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Pano naman niya malalaman e laging wala yan." Sabi ni Amara. Abala kasi ako sa pagpapatingin sa Mapa nitong nakaraang araw kaya lagi akong wala dito sa bahay. Pinatingnan ko ito kung anong meron dito. Pero sabi nila pangkaraniwang mapa lang daw yun walang especial.
"Bukas na ng gabi gaganapin ang Auction ng tatay mo. Kaya busy na sila sa pagdadala ng mga Items na Iaauction." Sabi ni Kiko. Kaya pala nandito lahat ang mga tauhan ni Рара.
"O lha Buti nandito kana. Samahan mo sila sa lugar na gaganapan ng auction. " Sabi ni Papa. Kaya tumango na lang ako.
"Magbibihis lang po ako Papa." Sabi ko. Saka sinamahan ko ang mga tauhan namin. Chineck ko narin ang mga CCTV pati Ang lugar kung safe ba ang mga Items. Kasama ko ang mga kaibigan ko.
"Ano tiningnan niyo ba ang mga sensor kung gumagana?" Tanong ko sa kanila.
"Ayos naman Vea. Gumagana din ang mga Lazer sa paligid ng mga Items." Sabi ni Pekto. Kaya lumabas na kami.
"Ayusin niyo ang pagbabantay sa paligid. Laging ichecheck ang paligid." Sabi ko sa mga bantay.
"Ikaw wag kang malilingat. Bantayan maigi ang mga kuha sa Monitor. Pag may nakita ka na kahinahinala pindutin agad ang alarm. "Sabi ko dito. Tumango sila. Ng matapos kong kausapin sila umalis na kami.
Ng dumating kami sa bahay. Sinalubong ako ni Papa at ng tatlong bakla. Napakunot ang noo ko.
"Eto na pala ang maganda kong anak. Kayo na ang bahala sa kanya. Gusto ko magmukha siyang babae ngayung gabi." Sabi ni Papa sa tatlong Bakla.
"No problem Don Ramon. Kami ang bahala sa Unica lha mo. Umasa ka na siya ang magiging pinakamaganda ngayung gabi." Sabi ng isang bakla at nagapiran pa sila.
"Mukhang exited na kami makita ang itsura mo mamaya." Bulong ni Amara Saka ako iniwan nila.
"Maiwan ka na namin at mamimili pa kami ng isusuot mamaya." Sabi ni Pekto. Saka kinindatan ang tatlong bakla. Kinilig naman ang mga ito.
Naligo muna ako pagdating namin sa kwarto ko. Paglabas ko ng banyo agad nila akong pinaupo sa harap ng tokador ko.
"Maupo ka lang diyan seniorita kami ang bahala Sayo." Sabi ng isang bakla. Natutulala na lang ako sa kanila. Ang isa busy sa pagpili ng isusuot ko. Ang isa naman busy sa pagaayos ng buhok ko. Ang isa naman busy sa pagkalikot sa mga kamay ko.
Isang long gown na kulay itim na spaghetti strap ang napili ng bakla na isusuot ko. Makintab ito at V Shape ito kita ang clievage ko at back less din ito kitang kita ang likod ko. Kaya kitang kita ang shape ng katawan ko. May slit din ito na mahaba. Kita ang hita ko kapag humahakbang ako. Pinaresan nila ng heels na 3 inches ang taas na kulay silver. Sanay ako magsuot ng mataas Kasi laging mataas ang takong ng mga boots ko.
Ilang na ilang ako sa suot ko. Tinaas nila ang mahaba kong buhok. Saka nila ako nilagyan ng manipis na make up at pinasuot sa akin ang isang set ng silver na alahas. Mahaba ang suot kong hikaw.
"Perfect!" Sigaw ng isang bakla ng matapos sila na ayusan ako. Saka ako pinatayo sa whole size mirror ko na nasa tabi ng Tokador ko. Nagulat ako sa nakita ko na itsura ko. Babaeng babae ako. Napanganga sa akin ang mga kaibigan ko ng makita ako.
"Wow! Grabee Vea nakaka star struck ka." Sabi ni Pekto. Binatukan siya ni Amara. Natawa ako sa kanila.
"Ang ganda talaga ng Unica Iha ko." Sabi ni Papa. Sinimangutan ko sila. Kaya natawa sila.
Pagdating namin sa lugar ang daming media ang nagaabang nakakapit ako sa braso ng Papa ko. Maraming gustong lumapit na media sa amin pero inawat na sila ng mga tauhan ni Papa. Maraming kilala na tao ang dumalo. May mga nagparinig kay Papa na mga binatang business tycoon. Pero tintalampak na agad sila ni Papa kapag tungkol sa akin ang gusto nilang pagusapan. Ganun siya ka protective sa akin.
Nagumpisa ang auction. Umalis si Papa para pangunahan ang Auction Naupo ako sa nakalaan na upuan para sa amin. Kasama ang mga kaibigan ko. Nasa kalagitnaan ng Auction ng biglang magkagulo ang mga tao. Napatayo ako.