Chapter 39 DEAN… Parang hinugot ang kaluluwa ko mula sa katawan tapos muling ibinalik. O ‘di kaya nama’y nalaglag ako sa malalim na bang it sa ginawang kong paggamit sa portal. This is my first time doing it by myself. Hindi katulad ni Cordelia na may orasyon pa yata bago kami nailipat from Pennsylvania to Philippines. “Dean!” Pasigaw at gulat na gulat na tawag sa akin ni Athan. Nalaglag pa nga niya ang kutsara na hawak niya. Nakanganga siya habang nakatitig sa akin na gulat na gulat. Pero hindi naman siya ang kailangan ko. Si Heather. “Nasaan ang asawa ko?” tanong ko sa kanya. Wala siyang naging sagot, nakatulala lang siya habang nakatitig sa akin. Hindi na ako nag-aksaya Pa ng panahon sa kanya. Sa kusina ako napadpad, malamang nasa kwarto ang asawa ko. Teka! Kusina? Nasa kusi