Chapter 38: My Existence Meaning DEAN… “AS I SAID you need to stay here my boy,” ani Hestia na may pinal na pananalita. Nanlalata akong napaupo, bigla akong nanghina at parang naging sobrang lambot ng mga tuhod ko. Pagtingin ko nga sa tuhod ko nagulat na lang ako na parang yelo na nalusaw ang ibabang parte ng katawan ko. Nakikita ko pa rin namang nakadikit sa katawan ko ang mga paa ko pero sobang lambot nito. “You leave me no choice but to done this to you, my boy.” Ani Hestia na seryosong nagsasalita. Pero kahit na seryoso ito sa pananalita hindi maiaalis ang pagiging malambing ng tembre ng boses nito. “You’re too aware that we can hear your thoughts!” ani Cornelius na tumayo na at naglakad na palapit sa akin. Binuhat niya ako at mas inilapit pa sa kinauupuan ni Hestia, napaigtad