Juniper’s POV Dumating na kami sa bahay nila Donna. Kumpleto na silang lahat dito. Narito na nga rin sina Dudes at si Rhea. Ang aga nilang pumunta rito, siguro ay hindi nag-enjoy si Dudes na kasama ang maingay at madaldal na babaeng ito sa pera. Pero bakit ba sinama pa niya ito kung pakiramdam niya ay hindi naman ito masayang kasama. Baka kasi gumawa na naman siya ng hindi maganda. Hay, naku. Wala siyang kakampi. Kung gusto ko siyang sabunutan ay gugustuhin ko. Huwag ko lang talaga siyang makalasingan mamaya. Naaamoy ko tuloy na hindi maganda ang magiging bonding-an naming magkakaibigan. “Ang tagal. Akala ko eh, aabutin pa kayo ng dalawang oras doon,” sabi ni Christine sa amin ni Dax. “Pasensya na kayo. Ako kasi talaga ang ayaw pang pumunta rito at ngayon lang kasi ako nakapunta sa pe