Juniper’s POV Maaga naming tinapos ni Dax ang pagkain dito sa loob ng bahay ng hermano mayor. Bilang premyo na rin ay dito na kami pinakain sa loob. Ang akward lang dahil ‘yung babaeng ka-partner ni Dudes na ang pangalan pala ay Rhea ang siyang palaging nagsasalita. Tanging siya lang ang bangka habang tahimik naman kaming kumakain nila Dax at Dudes sa iisang lamesa. ‘Yung feeling na ang sarap buhusan ng kumukulong tubig itong si Rhea para matigil siya. Nakakainis lang dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kakasalita tungkol sa ka-sweet-an namin ni Dax na sa tingin ko ay parang masyado nang OA dahil hindi naman talaga kami sweet. May mga eksena na parang gumagawa na lang ng kuwento ang gaga na ang totoo ay hindi naman nangyari sa amin ni Dax. Kahit nga si Dax ay napansin na lang din na para