Dax’s POV Masakit ang ulo ko nang magising ako. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala si Juniper sa kama. Pagbangon ko ay napakapa ako bigla sa ulo ko dahil lalong tumindi ang sakit nito. Tila, hindi maganda ang tama ng alak na nainom ko kagabi. First time kong maranasan ang ganitong kagrabeng sakit sa ulo. Anong bang nangyari kagabi? At paano ako nakauwi? Habang pababa ako sa hagdanan ay para pa rin akong lumulutang sa ere. Pakiramdam ko ay lasing pa rin ako. Amoy usok sa ibaba. Mukhang nagsisiga na naman ng apoy si Hernan para mapausukan ang mga puno doon. “Juniper?” Tinawag ko agad siya dahil parang kailangang kong uminom ng gamot sa hang-over. Pumunta ako sa kusina. Nagbakasakaling makita siya roon pero wala. “Sir, wala pa po si Juniper. Ikaw lang ang umuwi kagabi dahil na-hospital s