Juniper’s POV Habang pinaglilinis ko ng swimming pool si Dax ay binuksan ko ng palihim ang phone niya. Mabuti na lang at nalaman ko ang password nito nang buksan niya kanina ‘to habang nasa likod niya ako. Alam kong mali ‘to, pero gusto ko kasing makita ang itsura ng christmas tree niya na nasunog. Pagpunta ko sa gallery ng phone niya ay hindi naman ako nahirapang mahanap ‘yun. Tinandaan kong mabuti ang laki, ang mga pang-design at pati na rin ang christmas light dahil gagayahin ko talaga mismo ang nawala niyang christmas tree. Matapos kong pakelaman ang phone niya ay binalikan ko siya sa swimming pool. Haplit siya ng kakatanggal ng mga dahon sa tubig. Hirap man siya sa paggamit ng panala ng tubig ay mukhang nag-e-enjoy naman siya. Nakangiti pa nga ito habang naglilinis. Hindi ko tuloy