Juniper’s POV Bago ang lahat. Nag-tour muna ako sa loob ng villa ni Dax. Sinamahan niya ako sa lahat ng sulok ng bahay niya. Wala siyang hindi pinakita sa akin. Manghang-mangha naman ako sa lahat ng silid na nakita ko. Lalo na ang bedroom niya na tila kuwarto na isang prinsipe dahil sa sobrang laki. Iba talaga kapag bilyonaryo. “You can sleep here tonight if you want,” sabi niya habang parehas kaming nakaupo sa kama niyang halos parang limang tao ang kasya kapag tinulugan. Bet ko ang inalok niya. Gusto ko ring maranasang ikama niya ako rito. Parang ang sarap kasing mag-uungol sa ganitong kuwarto niya na ang laki talaga. Tiyak na walang pakelam ang kung sino man sa lakas ng ungol namin dito. Wala kasi siyang pamilya o kahit na sino na sasaway sa amin sakaling mapalakas talaga ang ungol n