Dax’s POV Bago ako sumaglit sa bahay ko ay hinintay ko munang makabalik ang mga lola ni Juniper. Ayaw ko sanang umuwi at gusto kong kasama na lang si Juniper dahil may sakit siya, kaya lang ay mukhang seryosong emergency talaga ang tinawag ni Pojo sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang iwan muna siya ng saglit. Mabuti na lang at inaantok siya kaya saktong matutulog muna siya nang umalis ako. Pag-uwi ko sa bahay ay nanlulumo ang mukha ni Pojo nang ituro nito sa akin ang nangyari sa christmas tree ko na sira at sunog na. Tumaas ang mga balahibo ko sa nakita ko. Napasigaw ako sa galit dahil sa naging itsura ng christmas tree ko. “F*ck! Anong nangyari diyan?!” Madalang akong magmura kapag narito sa bahay pero dahil sa nadatnan ko ay mapapamura ka na lang talaga. Gusto kong sapakin si P