Chapter 4 : First Phone Call

1249 Words
Juniper’s POV Kanina pa ako naliliyo. Ang gagang si Mandie, paggising ko ng hapon ay inaya akong uminom ng wine. Ang sabi niya, hindi naman ito nakakalasing kaya pumayag ako, pero bakit ganitong umiikot na ang paningin ko ngayon. Kumuha ako ng apple sa lamesa. Para hindi masuka ay dinadaan ko sa pamumulutan ng apple ang pagkaliyo ko. “A-lam mo, n-namali ata ako ng kuha ng bote. May wine ba na clear ang kulay ng liquid?” tanong ni Mandie na lungayngay na rin ngayon.Nauutal na itong magsalita kaya lasing na talaga. “Tang-ina ka talaga. B-baka nga mali ang nakuha mo!”Kahit hindi ko na kayang tumayo ay pinilit kong tumayo para tignan ang bote na ininom namin na halos maubos na. Pagkuha ko nito sa lamesa ay pinilit ko ring basahin ang nakalagay sa label nito. “C-champagne pala ang nainom natin, Mandie! Napakatanga mo talaga babasa kahit kailan. Tatanga-tanga ka palagi!” sermon ko sa kaniya at saka ko binaba na lang sa sahig ang bote. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na ibalik ito sa lamesa at naliliyo lang ako lalo kapag gumagalaw. Tumapon tuloy sa carpet dito sa living area ang kaunting natitira ng champagne sa bote. “Kaya pala. Pasensya ka na. Saka, baka dito na ako matulog. Hindi ko na kayang maglakad pa,” sabi niya at kusa na lang ito pumikit doon. “Huwag, Mandie. May dinner pang darating. Sayang naman kung hindi natin makakain ‘yun. Mayamaya lang ay dadalhin na ito dito kaya hintayin na natin,” sabi ko. Nagugutom din kasi ako. Puro prutas lang kasi ang pulutan namin. “S-sige, g-gisingin mo na lang ako mamaya kapag kakain na tayo,” sagot niya na mautal-utal na. Wala na talaga. K.O na ito. Napapailing na lang ako. Hindi ako naiinom ng alak. Sobrang dalang lang. Saka kung iinom ako, kaunting-kaunti lang dahil natatakot ako sa maaari kong magawa kapag lasing ako. Naalala ko tuloy noon ‘yung araw na um-attend ako ng reunion ng mga kaklase ko ng highschool. Pinilit akong uminom ng alak ng mga kaklase ko. Sa kakaabot nila ng alak sa akin ay nalasing tuloy ako ng bongga. Nang papunta ako noon sa banyo para umihi ay nakasalubong ko ang crush ko. Sa kalasingan at kahibangan na nararamdaman ko noon ay bigla ko itong nilapitan. Hindi ako makapaniwalang may nagkunweto sa akin na naglaplapan daw kami ng gabing ‘yun. Hindi lang ‘yun, may nangyari din daw sa amin at ‘yun ang unang beses na nakuha ang perlas ng silanganan ko. Ang gago lang ng crush kong ‘yun dahil may girlfriend pala siya. Na-hopia tuloy ako. Hindi ko manlang naibigay ang pagkabirhen ko sa tamang lalaki. Mabuti na lang at hindi niya ako nabuntis. Namilog ang mata ko nang mapagtanto kong narito na pala ako sa rooftop ng bulding na ito. Sa kakaisip ko sa nangyari noong highschool reunion namin ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako rito. Hangin kasi ang hanap ko kapag ganitong lasing ako. Ayos na rin ito. Ito kasi talaga ang gusto ko. Pumunta ako sa may pinakadulo. Hindi naman ako mahuhulog dahil may mga bakal na harang dito. Pagtingin ko sa ibaba ay puro ilaw ng mga building at sasakyan ang nakikita ko. Gusto kong mag-selfie dahil maganda ang view dito. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko. Pero tila hindi ata maganda na lumabas pa gayong lalo kong nararamdaman na naliliyo ako. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang bumalik sa room namin ni Mandie. Paglabas ko sa phone ko ay nagulat na lang ako na may tinatawagan na pala ako. Kahit ang daliri ko ay lasing na lasing din ata. Nang pinilit kong basahin ang taong tinatawagan ko ay napangisi pa ako dahil pangalan ni Dax Walton ang nabasa ko sa screen ng phone ko. Sa tuwa ko naman ay hinintay ko na lang na sumagot ito. Pagtapat ko sa tenga ng phone ko ay nagulat ako dahil may boses na akong naririnig. “Hello, who is this?” Si Dax nga. Kilala ko na kasi ang boses niya. Kinikilig tuloy ako. “H-hey, Dax. A-ako ito. Yung Juniper na makakalaro mo bukas. ‘Yung gumawa ng contract na binasa mo rin kanina. T-tumawag ako para mag-confirm na tuloy na tuloy na ang laban natin bukas.” “Good. See you tomorrow,” sabi niya at ibaba na dapat niya ang phone nang magsalita pa ako. “Puwede ba tayong magkita ngayon? Narito kasi ako sa hotel na pagmamay-ari mo. Narito ako sa Lavander Casino & hotel. Ako rin ‘yung babaeng nasunggo mo kanina nang nagmamadali kang umalis. Dito na ako nag-stay sa hotel mo para hindi ako ma-late bukas sa paglalaban natin.” Narinig kong nagbuga siya ng hangin bago magsalita muli. “Lasing ka ba? Saka, bakit gusto mong makipagkita sa akin ngayon?” “Oo, lasing nga ako. Namali kasi na pagbubukas ng bote ng alak ang kasama ko. Imbis na wine ang mainom ay ibang alak tuloy ang nainom namin. Narito ako ngayon sa rooftop at nagpapahangin.” “What?! Nasa rooftop ka at nagpapahangin tapos lasing ka pa?!” Wow! Concern ba agad siya sa akin. “Oo, hintayin kita dito. Gustong-gusto kasi kita. Gustong-gusto rin kitang matikman. S-s*x kaya tayo ngayon, bet mo ba?” Bigla niyang pinatay ang linya niya kaya napailing na lang ako. Ganito rin ba ang epekto ng lasing? Nahihibang? Parang totoong kausap ko siya sa phone pero alam kong imagination ko lang ‘yun. Kaya ayokong nalalasing eh. Hindi ko alam kung totoo pa ba ang mga nangyayari sa paligid ko. Tang-ina kasi ni Mandie.Tatanga-tanga. Kasalanan niya kapag may nangyaring masama sa akin. Napaupo ako sa sahig. Naliliyo na talaga ako kaya gusto ko munang umidlip. Hindi ko na rin kayang bumalik sa room namin ni Mandie kaya dito na lang siguro ako matutulog nito. Nang ipikit ko ang mata ko ay agad naman akong nakagawa ng tulog. Nagising na lang ako ng may tumatapik sa pisngi ko. “Hey! Wake up!” Automatic akong nagising dahil narinig ko ang boses ni Dax. Pagdilat ng mata ko ay napangiti agad ako dahil siya nga itong nasa harap ko. Parang ayoko nang sisihin si Mandie dahil nalasing ako ngayon. Kung ganito naman pala ang epekto ng alak na nainom namin ay ayos na sa akin. Kanina, kausap ko lang siya sa phone, ngayon naman ay nasa harap ko na. Ang saya-saya naman! “Alam mo, Dax. Bakit nakakatakam kang tignan? Ngayon lang ulit ako nagkaganito. Unang kita ko pa lang sa iyo ay naglalaway na ako. Parang ang sarap mo sa kama kasama. Alam kong panaginip lang ito kaya hindi ako mahihiyang magsalita. Pero. Dax, daks ka ba?” “Daks? Ano ‘yung daks?” “Salitang mga bakla ata ‘yun. Doon ko ito natutunan sa isang crew ko sa restaurant ko. Kapag sinabing daks, malaki raw ang ari.” Nakita kong ngumisi siya. “Gusto mo bang makita?” tanong naman niya na tila nagiging naughty na rin. “Yes, gustong-gusto talaga,” sagot ko naman. “Kung ganoon, tanggalin mo ang sinturon ng pantalon ko. Laruin mo ako. Laruin mo ang ari ko para makita mo ang sinasabi mong daks kong ari,” utos niya kaya dali-dali naman akong tumayo. Inalalayan pa nga niya akong tumayo. Beautiful nightmare para sa akin ang nangyayaring ito. Kung puwede nga lang sana ay huwag na akong magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD