Juniper’s POV
Napakasakit ng ulo ko nang magising ako kinabukasan. Pagdilat ng mata ko ay narito pa rin pala ako sa living area ng presidential suite na na-rent ko. Wala na sa tabi ko si Mandie. Tumingala ako nang maramdaman kong parang binibiyak ang ulo ko. Nakatingin ako sa kawalan habang inaalala ang nangyari kagabi. Napakunot ang noo ko nang matandaan ko’ng parang na-meet ko kagabi si Dax. Na-meet ko nga ba? Natatandaan ko rin na tinanggal ko ang sinturon niya at saka ko binaba ang pantalon nito. Ang sumunod na nangyari ay…ay…hindi ko na maalala. Ang sakit na talaga ng ulo ko ngayon. Hang-over na siguro ito.
Pero totoo ba ‘yung na-meet ko si Dax o panaginip lang?
Lumabas sa bedroom si Mandie na naka-barthrobe at basa na ang buhok. May skin care face mask pa ito sa mukha niya na akala mo ay siya ang nagbayad ng rent dito.
“Hoy! Bakit hindi mo manlang ako ginising at dinala sa bedroom natin?” tumayo ako at saka lumapit sa kaniya, “Ang mahal-mahal ng rent dito tapos hindi ko manlang naranasang mahiga sa kama. Nag-rent lang pala ako para matulog dito living area!”
Kinurot ko ang tagiliran niya nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
“Ano ka ba! Parehas kaya tayong knock down diyan. Parehas tayong diyan nakatulog kagabi. Maaga lang akong nagising dahil sa kalam ng sikmura ko. Tamang-tama, narito na sa dining area ang almusal kaya kumain na tayo.”
Pumapalakpak ang tainga niya habang naglalakad papunta sa dining area dahil alam niyang makakain na naman siya ng masasarap na pagkain. Ito ‘yung mga gustong-gusto ni Mandie na buraot. ‘Yung nakakakain siya ng mga sosyal na pagkain.
“Itimpla mo muna ko ng kape bago ka mag-umpisang kumain!” utos ko sa kaniya kaya nakita kong umikot at tumirik ang mata nito sa akin. “Aba, baka gusto mong tusukin ko ng tinidor ang mata mo! Iirap-irap ka pa diyan!”
Agad naman itong bumawi ng ngiti nang pagalitan ko na siya. Kapag ganitong masakit ang ulo ko dahil sa nainom naming alak kagabi gawa ng katangahan niya ay huwag siyang loloko-loko at talagang makakatikim siya sa akin.
Habang hinihintay ko ang kape ko ay napansin ko na para bang lumuwang o nabanat ang bibig ko. Ganoon din ang lalamunan ko. Ang weird. Kasama rin ba sa epekto ng pag-inom ng alak ang biglang makaramdam na kakaiba sa bibig at lalamunan? Para talagang lumawang na nabatak na ewan. Hindi ko maintindihan. Tila sinungalngal ang pakiramdam ko sa bibig ko ngayon.
“Oh, madam. Ayan na ho ang kape ninyo. Pagkatapos nito ay maaaring gumayak na rin ho kayo at alas diyes ng umaga ang usapan ninyo ni Dax. Ngayong araw na magaganap ang laro ninyong dalawa,” sabi niya habang nag-uumpisa nang kumain.
“Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.”
Bigla tuloy akong nagkaroon ng energy. Napabilis din ang pagkain ng almusal ko at pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo para maligo.
Binuksan ko na ang shower. Nang dumaloy na ang tubig sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa sa ulo ko. Pakiramdam ko ay nabawasan ng kaunti ang pananakit ng ulo ko. Kaya lang, napansin ko rin na parang masakit din ang puwerta ko. Pakiramdam ko ay parang may pumasok na kung anong mataba at mahaba rito. Anong bang nangyayari? Bakit pakiramdam ko ay masahol ang epekto ng alak na ininom namin kagabi? Hindi ko tuloy mapigilang kapa-kapain ang ari ko. Masakit talaga siya na para bang napuwersa na hindi ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Wala naman akong natatandaan na gumamit ako ng kung anong s*x toy kagabi para magpaligaya ang sarili ko. Saka, matagal ko nang tinigilan ‘yun. Hindi ko naman siguro gagawin ang magsarili kapag lasing.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako gamit ang dress na nabili ko kahapon dito sa shopping floor. Ang isa ay binigay ko kay Mandie, dahil alam kong wala rin siyang suot na damit.
“Mabuti na lang at naisipan mo akong utusan bumili ng underwear kahapon. Hindi tuloy tayo mukhang saraula ngayon na uulitin ang suot natin ng underwear. Kadiri ang ganoon,” sabi niya habang nagsusuklay ito sa harap ng whole body mirror.
“Huwag nga ako, Mandie! Gawain mo kaya ‘yun. Kung makapandiri ka, parang pinandirihan mo na rin ang sarili mo!”
“Hoy! Never akong magiging saraula! Makabintang ka akala mo malinis ka! Ikaw nga hindi naliligo ng limang araw kapag may dalaw ka eh,” panunukso pa niya sa akin. Ayaw din nito magpapatalo sa akin kung minsan.
“Mas okay na ‘yun, kaysa naman sa iyo na isang linggong hindi nagpapalit ng underwear at damit makapagsugal lang dito sa casino.” Ewan ko na lang kung makasagot pa siya. Alas ko ‘yun sa kaniya kaya tiyak na tameme siya ngayon.
“Mag-a-alas diyes na. Mabuti pang bumaba na tayo at baka nag-aabang na sa iyo si Dax doon,” pag-iiba niya sa topic kaya ngingisi-ngisi ako habang palabas na kami sa presidental suite.
Habang naglalakad kami sa hallway ay naglalagay ako ng blush on, liptint at kaunting eyeshadow para maging maganda naman ako sa paningin ni Dax.
“Nga pala, hindi kita puwedeng samahan sa loob ng private room doon sa casino. Ayaw ng may kasamang iba si Dax kapag may karalo siya,” paalala pa niya habang nakasakay na kami sa elevator.
“Okay lang. Baka kasi malasin pa ako kapag sumama ka pa sa loob,” sagot ko sa kaniya kaya umiikot na naman ang mata niya. Nakita ko ang reflection niya sa salamin na mayroon dito sa loob. Hindi na lang ako umimik dahil nakakarami na rin ako ng lait sa kaniya. Baka mapikon na siya.
Sa mismong casino na rin kami nilabas ng elevator. Pagdating doon ay napapanganga ako sa lawak ng casino ni Dax. Iba’t ibang machine games ang nakita kong nilalaro ng mga tao roon. Mga machine games na hindi ko alam kung paanong laro ang ginagawa. Wala talaga akong idea. Gusto kong magtanong kay Mandie, kaya lang ay mukhang dadalhin na niya ako sa private room na paglalaruan namin ni Dax. Ganoon na nga ang nangyari. Dinala niya ako sa isang private room dito.
“Good luck! Galingan mo!” sabi niya kaya tumango at nginitian ko na siya.
Pagsara ng pinto ng private room ay tumuloy na ako sa loob at saka naupo sa may oblong na mesa na nakita ko roon. Dalawang upuan lang ang mayroon dito kaya mukhang pang dalawang tao lang talaga ang room na ito. Kinakabahan na ako. Alam kong anumang oras ngayon ay darating na si Dax Walton. Kinuha ko ulit tuloy ang cell phone ko para tinignan ang sarili ko.
“Perfect! Kaunting ayos lang talaga ay okay na ang look ko. Ayokong naman buhating ang sariling bangko pero para sa akin, ang ganda-ganda ko na agad kahit simple lang ang ayos ko.”
Mayamaya ay kumabog na ang dibdib kong nang marinig kong bumukas na ang pinto ng room na kinaroroonan ko. Hindi talaga ako tumingin sa may pintuan. Hinintay ko na lang na pumasok siya ng kusa sa loob para hindi naman niya isipin na atat na atat akong makita siya.
Habang naririnig ko ang mga yapak ng paa niya ay parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko. Nakakakaba talaga. Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ay naupo na siya sa harap ko.
Namilog agad ang mga mata ko. Tila bumagal ang ikot ng mundo habang nakatingin ako sa kaniya na ngayon ay ayos na ayos ang itsura. Ang pula ng labi niya. Sigurado ako na hindi lang ako ang nagpantasya na sana ay makahalikan ko siya. Tiya na napakasarap nitong humalik. Sobrang tikas talaga ng tindig niya, ang lapad ng dibdib at balikat. Kung yayakapin ka ng lalaking ito ay parang safe na safe ka. Tiyak na sobrang ganda rin ng kilikili niyang mabuhok na for sure din ay mabango.
Napansin ko na tila bagong ahit siya ng balbas at bigoti. Bumata siya tuloy tignan at lalo pang naging guwapo sa paningin ko. Pakiramdam ko tuloy ay namamasa na agad ang perlas ko kahit tinititigan pa lang niya ako ngayon. Saka, kumalat na sa buong paligid ang napakabango niyang pabango na nakakadagdag guwapo sa kaniya. Bilyonaryong-bilyonaryo ang datingan niya. Napakasuwerte ng babaeng mapapangasawa niya. Ngayon tuloy ay parang nahiya ako bigla. Kung sakaling manalo ako ay ang lalaking guwapo at bilyonaryong ito ang magiging toy boy ko. Pasuwertihan na lang ang mangyayari ngayon. Sana matalo ko siya.
“Can we start now o kulang pa ang pagtitig mo sa akin na sa tingin ko ay hinububaran mo na ako sa isip mo?” tanong niya habang seryoso ang boses. Mukha nga itong masungit pero parang green minded din gaya ko. Bigla tuloy akong nahiya. Wala pa naman ako sa ganoong imagination pero nang sabihin niya ‘yun ay bigla akong napaisip. Siguro, sobrang sexy niya rin kapag walang suot na saplot. Naintriga tuloy ako kung daks ba ito. OMG! Lalo ng namasa ang bukana ko. Napakalakas ng dating ni Dax sa akin. Hindi lang siya nakaka-inlove, nakakalibog din talaga.
Nagbuga ako ng hangin at saka tumango sa kaniya. “Y-yes, ready na ako,” mautal-utal ko pang sabi.
Tumayo ako at saka nilabas ang dalawang copy ng contract paper na dala-dala ko. Binigay ko ang isa sa kaniya. Nagdala rin ako ng dalawang ballpen para sabay kaming pipirma.
Heto na. Halos nanginginig pa tuloy ako habang pumipirma sa contract na ginawa ko. Patingin-tingin pa nga ako sa kaniya. Tinitignan ko kung pinipirmahan na rin ba niya. Mabuti na lang at pumirma talaga siya. Hiningi pa niya ang mga papeles ng lupa na ibibigay ko sa kaniya sakaling manalo siya. Tinignan niya muna ‘yun kung legit ba ang mga papel. Nang makita niyang totoo talaga ang mga ‘yun ay napangisi siya.
Alam kong malaki ang mawawala sa akin kapag natalo ako. Kaya naman gagawin ko ang lahat ng paraan para ako ang magwagi. Kapag nanalo ako rito ay parang nanalo na rin ako sa lotto.
Kapag ako talaga ang nanalo dito, araw-araw kong iuutos sa kaniya na kainin niya ang perlas ko. Araw-araw kong iuutos sa kaniya na finger-in niya ako. Handa akong maging baboy para sa masarap na lalaking ito.
Ngayon pa lang ay natatawa na ako. Ano kaya ang pakiramdam ng kinakain ng isang guwapong hot na bilyonaryo ang ari mo? Siguro sobrang saya at sobrang sarap din. Mukha pa namang mahaba ang dila nitong si Dax.
Hay naku, isang malaking good luck talaga ito para sa akin.
Sana manalo ko!