Juniper’s POV
Kinabukasan ay inaya ko na agad si Mandie sa Lavander Casino na madalas puntahan ni Dax Walton. Go na go naman ang gaga kong pinsan dahil nakaligtas na naman siya sa work niya. Dahil sinama ko siya rito, hindi ito papasok ngayon sa work niya bilang crew sa isang restaurant ko. Nauto nga niya agad ako. Kanina ay ayaw pa nitong sumama. Nanghihinayang pa raw ito sa mababawasang sahod niya dahil sa kaniyang pag-absent. Eh, siyempre, bilang siya ang nakakaalam sa pagpunta sa casino, hindi puwedeng hindi ko siya isasama dahil baka kung saan ako mapadpad. Hindi naman ako manunugal. Kailangang-kailangan ko siya kaya kahit labag sa loob ko ay binigyan ko pa tuloy siya ng pera.
Ang pinuntahan namin ngayon ay ‘yung pinaka marangyang casino na pagmamay-ari ni Dax Walton. Nagkamali ako ng akala sa ganitong lugar. Akala ko basta lang sugalan ang mga casino. Ngayon ko lang nalaman na may mga hotel, restaurants, entertainment, club, shopping, meeting and events dito.
Iniwan muna ako ni Mandie dito sa shopping floor kaya nag-ikot-ikot muna ako. May nabilis akong mga damit. Nagandahan kasi ako, lalo na at mahilig ako sa mga dress na mahahaba. Madalas kasi akong magpunta sa mga beach. Beach lover kasi ako. Umalis si Mandie dahil Aalamin muna raw kasi niya kung narito na ba sa Lavander Casino si Dax. Mahirap din daw kasi itong makausap kung minsan kapag sobrang busy. Marami din kasi ang nag-aagawan na makalaro ito. Nagtagal si Mandie. Halos kalahating oras na akong nag-iikot dito.
Habang nag-iikot ako sa shopping floor ay bigla akong nasunggo ng isang lalaking nagmamadali. Natumba ako sa sahig kaya galit kong tiningala ang lalaking nakasunggo sa akin na tila ba bato ang katawan.
“I’m sorry, miss. I’m in a hurry kasi,” sabi nito kaya ang kunot ng noo ko ay biglang nawala. Natulala na naman ako nang muli kong masilayan ang mukha niya. Hindi ko inaasahan na dito pa kami muling magkikita. Saka, mas guwapo pala ang boses niya kapag mahinahon magsalita. Mabait siya kapag narito sa teritoryo niya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko naman tinanggihan ang pagkakataon na mahawakan ang kamay niya. Nang abutin ko ang kamay nito ay para akong nakuryente. Ang laki-laki ng kamay niya pero sobrang lambot.
Nang maitayo na niya ako ay doon ko lang napansin na may anim siyang bodyguard na kasama na nasa likuran niya. Naka-formal attire si Dax ngayon kaya lalo siyang gumawapo sa paningin ko. Mukha siyang kagalang-galang ngayon.
“D-dax, p-puwede ba kitang—”
“Sorry, miss, nagmamadali talaga ako,” putol niya sa sasabihin ko at saka na niya ako nilagpasan. Natulala na lang ako habang nakatingin sa mabilis niyang paglalakad.
Inamoy ko ang kamay ko nang mawala na siya sa paningin ko. Napakagat-labi na lang ko sa sobrang bango ng kamay niya na dumukit na rin sa kamay ko. Parang ayoko tuloy mag-ugas ng kamay. Tumingin ako sa paligid. Nang makita kong wala namang nakatingin sa akin ay hinalikan ko nang hinalikan ang kamay ko na pinanghawak ko sa kamay niya kanina.
Tiyak na wala na kaming mapapala ni Mandie dito. Wala na siya. Lumabas na ito sa Casino niya kaya tinawagan ko na rin ang gaga. Pa-call na ako sa phone number niya nang matanaw kong tumatakbo ito nang nakangiti sa akin.
“Wala na siya rito. Umalis na kaya wala nang saysay kung mag-i-stay pa tayo rito,” sabi ko sa kaniya habang nakapamaywang.
“Oo, wala na. Pero may good news ako sa ‘yo. Sa sampo naming nangungulit kanina sa secretary niya ay ako ang pinalad na napiling papasukin ni Dax kanina sa office nito. Nasilaw ata si Dax sa mga mansiyon at pera na sinabi kong ipupusta mo sa kaniya. Paano ba naman kasi, puro pera at kotse lang ang alok ng ilang sa mga kasabay ko. Karamihan sa mga ito ay babae din na para bang ginagawa lang way ang pakikipaglaro sa kaniya para makasama ito sa isang private room. Kumbaga, hindi talaga sugal ang habol nila kundi pakikipaglandian lang.”
“Good job, Mandie. May bonus ka sa akin pag-uwi natin. Pero, teka, kailan at anong oras ang paglalaro namin dito sa casino niya?” tanong ko sa kaniya.
“Bukas ng alas diyes ng umaga,” sagot naman niya kaya napakunot ang noo ko.
Dahil tinamad na akong umuwi, nagpasya akong mag-stay na lang muna kami dito sa hotel. Wala man kaming dalang damit ay hindi naman problema sa akin ‘yun dahil maraming mabibilhan dito sa shopping floor.
Tuwang-tuwa lalo si Mandie. Habang nakasakay na kami sa elevator at papunta na sa room namin ay kinikilig siya dahil alam niyang makakapag-chill kami ngayon dito. Kumikita ako buwan-buwan ng milyon-milyon kaya hindi ko rin titipirin ang sarili ko na mag-try kumuha ng presidential suite.
Bumukas na ang elevator. Naglakad kami sa bonggang hallway na naka-red carpet pa. Narito kami ngayon sa pinakatuktok ng building na ito na kung saan ay puro presidential suite room na ang lahat ng nasa paligid. May mga nakakasalubong kaming hotel staff, panay ang bati ng mga ito sa amin.
Nang makarating na kami sa room 169 ay tinapat ko na sa pinto ang hotel key card.
“Bilis, excited na akong makapasok sa loob,” pagmamadali ni Mandie. Pagbukas ng pinto ay nakipag-unahan ito sa pagpasok sa loob. Sumalubong sa ilong namin ang mabangong amoy sa loob. Halatang bago kami papuntahin dito ay nilinis muna nilang mabuti ang lahat. Living area agad ang bumungad sa amin na may mga mahahaba at malalaking sofa. Ang laki rin ng lamesa na mayroong mga malalaking flower vase. Ang background ng living area ay ang view sa labas na sobrang nakakalula kung titignan.
Sumilip ako sa bedroom. Tamang-tama pala at may dalawang bed dito. Hindi ko makakatabi si Mandie na sobrang likot matulog. Sinilip ko rin ang banyo. Hindi naman ako na-amaze dahil mas bongga pa rin ang kuwarto at ang banyo ko. Ganoon pa man ay halatang mamahalin ang mga gamit dito. Ang banyo dito ay nahahati sa apat na room; May sauna, may bathtub, shower at dumihan. Okay na rin para sa akin. Mamaya ay magagamit ko ang sauna. Tamang-tama, ilang linggo na rin akong walang visit sa gym. Dito na lang ako magpapapawis sa sauna.
Ang daming paglilibangan dito; may library room, may bar room, may cinema room, may gaming room at sa kusina naman ay sobrang daming stock ng food. Naroon nga agad si Mandie na nagluluto ng pagkain ngayon. Paglapit ko ay pasta pala ang ginagawa nito. “Kuhang-kuha mo na rin ang recipe ng mga menu sa restaurant ko,” sabi ko sa kaniya.
“Nagugutom na kasi ako. Agad mo kasi akong hinatak kanina sa bahay. Hindi pa kaya ako nag-aalmusal,” reklamo pa niya habang napapairap.
“Sorry na. Pero dalhan mo ako niyan kapag naluto na. Mahihiga muna ako sa kuwarto natin.”
“Sandali, heto nga pala ang number ni Dax. Ang sabi nito kanina, confirm mo muna raw siya kapag tuloy kayo bukas. Ayaw kasi niya ng nasasayang ang oras.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya imbis na tumuloy na sa kuwarto ay bumalik ako sa tabi niya.
“Number niya ba mismo ang binigay o baka number lang ng secretary niya?” paglilinaw ko pa.
“Alam mo, sabi ng secretary niya, suwerte nga raw tayo dahil ngayon lang nagbigay ng mismong phone number niya si Dax. Sabi pa nito ay maganda raw kasi ang alok natin kaya interesado siya sa laban ninyo.”
“W-wait, pinakita mo ba ang contract na pinabibigay ko?”
“Oo, sabi ng secretary ay natatawa pa nga raw ito nang mabasa ang ginawa mong contract. Isa rin ‘yun kung bakit binigay niya ang phone number niya sa iyo. Adik rin daw kasi sa pagbili ng bahay at lupa si Dax kaya hinding-hindi niya tatanggihan ang alok mong mga bahay at lupa.”
“Syet! Seryoso ba ito?! Ibig sabihin ay lalaban siya talaga sa akin? Oh my, gosh! Sana manalo ako para maging toy boy ko na siya. Kapag nangyari ‘yun magiging masaya talaga ako.”
Binitawan niya ang sandok na hawak at saka lumapit at namaywang sa tabi ko.
“Hoy, sanay ka bang magsugal? Ano naman ang lalaruin ninyo? Naku, Samara, wina-warning-an na talaga kita ngayon pa lang. Sa tinagal-tagal na niyang naglalaro sa mga casino niya ay galamay na niya ang lahat ng laro dito.”
Ngumisi ako. “Bahala na. Pero may isang laro akong naiisip. Pasuwertihan na lang ang mangyayari bukas kaya mag-abang ka na lang sa mangyayari.”