Juniper’s POV Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Katabi ko si Dax dito sa likod ng sasakyan ko. Tulala at parang latang-lata siya habang nakatingin sa bintana ng kotse. Nanlata siya dahil sa dami nang nilabas niya kanina. Naparusahan ko na siya, kaya okay na ulit ang mood ko ngayon. Ewan ko ba, ang weird ko rin eh. Kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng iparusa ay ganoon pa ang gusto kong ipagawa. Minsan, naiisip ko tuloy na baka lalong hindi siya magkaroong na pagtingin sa akin dahil ang baliw lang ng mga pinapagawa ko sa kaniya. Baka sa mga pinaggagawa ko ay mas lalo pa niyang magustuhan si Perper. Ay, naku hindi puwedeng mangyari ‘yun. Kailangan ko na talagang magpabango sa kaniya. Nang sa ganoon ay umakyat-akyat na ang puntos ko sa puso niya. Kung mayroon man, pero kung wala, gagawin