Juniper’s POV Tinapat ko kay Dax ang electric pan para kahit pa paano ay maginhawahan siya. Sobra ang kaba ko nang mabuwal siya kanina, pero nang maramdaman kong humihinga pa naman siya ay nawala ang kaba ko. Sa tingin ko ay napagod lang siya sa paglilinis. Hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa magkaroon na siya ng ulirat. Dahan-dahan niyang dinilat ang mata niya at nang mapagtanto ang nangyari ay namilog ang mga mata niya nang tignan niya ako. “A-anong nangyari?” tanong niya. Babangon sana siya pero pinigilan ko. “Mahiga at mamahinga ka muna diyan. Napagod ka siguro sa paglilinis kaya nahimatay ka,” sabi ko kaya napailing siya. “Hindi. May naamoy kasi akong gaas. May gaas ba ‘yung pinapaapuyan ni Hernan kanina?” tanong niya habang himas-himas ang ulo niya. Mukhang masakit pa ang