Juniper’s POV Dahil dalawang oras mali-late si Dax ngayon ay sinamantala ko ang pagkakataon na mag punta ng mall para bumili ng mga new cloths. Balak ko na rin bumili ng mga bagong shoes dahil masyado ng luma ‘yung mga ginagamit ko. Deserve ko ang magwaldas ngayong araw dahil masipag naman akong mag-business. Narito na kami ni Hernan sa parking area ng mall ni Dax. Yes, dito ko napag-trip-an pumunta ngayong araw. Wala lang, hindi pa kasi ako nakakapasok dito simula ng itayo ito. Labas pa lang ng mall ay maganda na agad ang view. Arte-arte talaga ni Dax. Daig pa ako. Siguro, dapat ko siyang utuin na pagandahin din ang mga labas ng restaurant ko. Nang sa ganoon ay gumanda rin ang ambiance doon. “Gusto mo bang samahan pa kita sa loob o maghintay na lang po ako dito, Ma’am Juniper?” tanong