Chapter 2 : Contract

1708 Words
Juniper’s POV Pag-uwi ko sa bahay ay uminit na naman ang ulo ko dahil nadatnan kong hindi pumasok si Mandie sa work niya. Napakatamad talaga! Dapat pag-uwi ko ay inaasahan kong wala na ito pero nadatnan ko itong nanunuod ng movie sa living area. Nakataas pa ang paa. Ang sarap ng buhay nito dahil naka-popcorn at naka-ice cream pa siya. Samantala ako ay stress ang inabot sa restaurant ko. “Bago ka magtatalak, gusto ko munang sabihin sa iyo na nakipagpalit sa akin ng day-off ang staff mo kaya narito ako ngayon. Ngayon niya gustong pumasok dahil bukas pa raw ang out-of-town ng family niya. Mabait naman ‘yung tao kaya pumayag naman ako.” Nang tignan niya ako ay nakangiti pa siya dahil alam niyang ligtas na siya sa panenermon ko. “Anyway, anong nangyari sa lakad mo? Kumusta ang mga anay na tinigna mo?” tanong pa niya kaya naupo na ako sa tabi niya at saka ako kumuha ng popcorn. “Tinanggal ko na ang sampung staff ko na sinasadya na palang manggulo sa restaurant ko. Nakita ko kanina ang lahat nang kagaguhang ginagawa nila roon. Galit na galit ako, sobra! Ayun nga at tinakbo pa sa hospital ang isang baklang staff ko na siyang promotor sa lahat ng kagaguhang nagaganap doon. Ngayon ay hiring tuloy ako ng sampung bagong tao dahil sampu ang tinanggal ko doon.” “Eh, wait. Bakit amoy sea food soup ka ata? Ang baho, ah!” tanong pa niya at saka ito nagtakip ng ilong. Naalala ko tuloy si yummy boy. Sa tuwing maaalala ko talaga ang mukha niya ay parang may kumikiliti sa puso ko. Nabihag niya talaga ang puso ko kanina. Nakakaasar. Heto na naman ang pakiramdam kong ito. Sigurado ako na hindi na naman ako matitigil hanggang hindi ko siya makitang muli. Nilabas ko ang phone ko. “Look,” sabi ko at saka ko pinapanuod sa kaniya ang kuha sa CCTV sa loob ng restaurant ko. Halos mapanganga siya nang makita niyang binuhusan ako ng soup ng hot guy na ‘yun. “Oh, syet! Kilala ko ‘yan, Sanpi. Si ano ‘yan eh. Si…” tumirik pa ang mata niya at pilit na inisip ang pangalan ng lalaking ‘yun. “Si Dax Walton na isang billionaire. Ayon, tama. Siya nga ‘yan. Ang lalaking ‘yan ang tumalo sa akin ng milyon-milyon. Naku, talagang masungit at seryoso ang isa ‘yan. Kahit babae talaga ay pinapatulan niya. Pero, naku, sobrang hot niyan sa personal. Ang bali-balita sa kaniya ay mahilig nga ito sa mga korean food. Kaya siguro siya napadpad sa Dreame Korean Restaurant mo.” Dax Walton pala ang pangalan niya. Pangalan pa lang ay ang guwapo na rin pakinggan. Napangisi tuloy ako kay Mandie. Ang ganda kung isusudlong ko na sa name ko ang surname ni Dax. Juniper Walton. Pak! Ang lakas nga makayaman. Tunog bilyonaryo. Kahit pa paano pala ay may silbi ang pagiging usisera ng pinsan kong ito. “Paano ito naging bilyonaryo? Ano ba ang mga business niya?” tanong ko naman. “Mayroon siyang sampung five star hotel na nagkalat dito sa buong Pilipinas. Hindi lang dito kundi pati na rin sa ibang bansa. Pero ang mas pinagtutuunan niya ng pansin ay ang mga casino niya rito sa Pinas. Yes, doon siya mas yumaman. Mayroon siyang halos sampu din casino dito sa Pilipinas at mayroon din sa ibang bansa. Wala na siyang mga magulang. Patay na pareho. Ang dinig ko pa sa mga nakakalaro ko dati sa casino tungkol sa kaniya ay mayroon din itong secret village. Walang nakakaalam kung saan ‘yun. Tanging siya lang ang nakatira sa village na ‘yun. Wala siyang kapitbahay dahil ayaw nito ng maingay, lalo na kapag natutulog siya. Sobrang arte nito sa lahat. Wala nga rin atang kaibigan ‘yun eh.” Matapos kong marinig ang lahat nang sinabi niya ay tila lalo akong naging interesado kay Dax. “Mandie, may chance ba na maging kami ng Dax na ‘yun?” seryoso kong tanong sa kaniya pero bigla niya lang akong tinawanan. “Alam mo, Sanpi, maligo ka muna. Ang baho mo. Amoy kang tahong na malapit ng mabulok. Pagkaligo mo ay saka mo na lang ako ulit tanungin tungkol sa kung bagay ba kayo o hindi,” sagot niya at saka ulit ako tinawanan. Nakakapang-init ng ulo itong palamunin kong pinsan. “Gaga, seryoso ako!” bulyaw ko sa kaniya kaya nakita kong nawala na ang pag ngiti niya. “Weh? Seryoso ka talaga?” pag-uulit pa niya kaya tumango ako. “Anong magandang gawin para mapalapit ko sa kaniya?” Tumirik na naman ang mata niya at saka nag-isip. Sana lang maganda ang maisip niyang pakulo, minsan pa naman ay magpaka-bobita itong mag-suggest. Pero dahil sa marami siyang nalalaman sa lalaking ‘yun ay makikinig ako sa kaniya. Go! “Sanpi, labanan mo siya sa casino niya. Doon, tiyak na magkakalapit kayo. ‘Yun nga lang, kailangan magaling ka kundi, milyon-milyon ang matatalo sa iyo. Bukod kasi sa pagkain ng mga Korean food ay ang pagtambay na lang palagi sa casino niya ang nagpapasaya sa kaniya. Warning lang, masyadong magaling ‘yang si Dax kaya kahit ang mayayamang nagpupunta roon para talunin siya ay walang napapala. Umuuwi silang talunan.” Umirap ako. Kaya nga ako nag-ipon ng maraming pera ay para ito sa future ko. Eh, nakita ko bigla ang future ko kay Dax kaya ito na siguro ang time para magwaldas ako ng pera. Kung sugal ang paraan para makuha siya, itataya ko ang lahat-lahat ng lupa ko, makuha ko lang siya. “Madali lang ba itong ayaing maglaro?” tanong ko pa sa kaniya. Aba, dapat kapag sumugod ako sa giyera ay may mga bala ako. Ayokong mawalang saysay ang pagpunta ko sa casino niya. “Oo, labanan mo ito sa private room ng casino niya.” Tumango ako at saka ko na siya nilayasan. Bago ako gumawa ng plano ko ay naligo na muna ako. Pagkatapos ay tumuloy na ako sa bedroom ko. Binuksan ko ang laptop ko para gawin na ang contract na naisip ko kanina habang nagbabad ako sa bathtub. Sana pirmahan niya ito bago kami maglaro para wala na siyang kawala. Titignan ko kung matutupad ba ang nais kong maging Toy Boy ang billionaire na ‘yun. Yes, iyon ang naisip kong plano. Imposible mang mangyari ‘yun pero malay mo, kumagat naman siya. Aba, dapat lang. Dalawang villa at sampung milyong piso kasi ang ipupusta ko sa kaniya. Kapag nanalo siya, makukuha niya ang dalawa kong villa at ang sampung milyong piso ko, pero kapag ako naman ang nanalo, simple lang ang premyong hihingin ko, magiging toy boy ko siya ng isang buwan. Limang rules o task ang tina-type ko na ngayon sa laptop ko para i-print. Ito ‘yung pipirmahan niya kung gusto niyang ituloy ang laro namin. Ang unang rules o task ay bawal siyang tumanggi sa iuutos ko, pangalawa ay sa bedroom ko na rin siya matutulog dahil kahit gabi ay may mga iuutos pa rin ako sa kaniya, pangatlo ay magmumulta siya ng twenty million pesos kapag tumanggi siya sa iuutos ko. Maganda ito para sumunod talaga siya sa akin. Pero kung gusto niya rin magwaldas ng pera sa akin ay, go! Bet ko rin ‘yun. Napaglalaruan ko na siya, nagkakapera pa ako. Pang-apat ay kailangan niyang nakabuntot lang nang nakabuntot sa akin kapag aalis ako ng bahay. Panglima, magiging crew din siya sa Dreame Korean Restaurant ko kahit halfday lang. Ang gusto ko kasing mangyari ay magkaroon siya ng experience sa paghihirap biglang crew. Bilang bilyonaryo, kailangan din niyang maranasan ‘yung mga hindi pa niya nararanasan sa buhay niya. Kumbaga, gagawin kong exciting ang life niya. Tutal ay mukhang boring na boring naman siya sa buhay niya ay dapat lang na kumagat siya sa trip ko. Sa dami ng pera niya ay tila wala na kasing thrill sa kaniya ang lahat. Dito sa gagawin ko, tiyak na mag-e-enjoy siya. Habang pini-print ko na ang contract ay napapangiti ako. Panay ang wish ko na sana ay patulan niya ang pakulo kong ito. Pagbalik ko sa living area ay nanunuod pa rin si Mandie. “Look, gumawa na ako ng contract,” sabi ko at saka ko pinabasa sa kaniya ang papel na ‘yun. Habang binabasa niya ito ay nakita kong nagpipigil siya ng tawa. Sa ginagawa niya ay pinanghihinaan tuloy ako ng loob. “Akin na nga ‘yan, ginagawa mo akong katawa-tawa dito! Kapag ikaw, tinapon ko sa kangkungan tatawanan din kita ng ganiyan,” bulyaw ko sa kaniya at saka ko inagaw ang contract na ‘yun. “Sanpi, seryoso ka ba kasi diyan?” tanong niya na sumiryoso tuloy bigla. Natakot ata sa sinabi kong itatapon ko siya sa kangkungan. “Yes, seryoso ko dito. Bukas na bukas din ay sasamahan mo ako sa casino niya para makipaglaro na sa kaniya,” sagot ko habang seryoso ang aking mukha. Malakas ang kutob ko na kakagat siya sa plano no. Sana nga. “S-sige, support na lang kita,” tugon niya na para bang gusto pa rin akong pagtawanan. Sa dalawang villa at sampung milyong piso ay mukha bang nagloloko ako? Sabagay, ano ba ang alam ng bruhang ito eh, isa lang naman siyang dugyot na walang nalalaman sa buhay kundi ang magpaloko lang sa jowa niyang mukhang unggoy. Kung tutuusin ay mukhang mas katawa-tawa pa nga siya sa akin. Bumalik na ako sa bedroom ko. Humiga ako sa kama at saka ako nag-stalk kay Dax sa social media niya. Nakakalungkot lang dahil kahit saang sulok ng social media ay wala manlang akong nakitang account niya. Mukhang napakaseryoso nga nito sa buhay niya. Tila nawalan tuloy ako ng pag-asa. Baka gaya ni Mandie ay pagtawanan lang din ako ng Dax Walton kapag tinignan na niya ang contract. Sana naman ay hindi. Kasi seryoso ako dito. Pakiramdam ko kasi ay si Dax na ang lalaking susunod na magdadala sa akin sa langit kapag naikama na niya ako. Ngayon pa lang ay parang nakikiliti na ang hiyas ko sa kaniya. Sigurado kasi ako na pagkahaba-haba at pagkataba-taba ng ari niya. Sa laking tao ba naman niya ay siguradong daks si Dax.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD