Dax’s POV “What happen, Dax?” tanong agad ni Pojo sa akin nang makauwi na ako sa bahay ko. “Nawala ang phone ko kaya hindi kita ma-contact ng ilang araw,” sagot ko sa kaniya. “My God! Ang dami mong nakaligtaan sa business mo at pati na rin kay Perper.” Naupo ako sa sofa upang mamahinga saglit dahil napagod talaga ako sa biyahe. Inabutan naman agad ako ng tubig ni Pojo gaya nang palagi niyang ginagawa sa akin tuwing uuwi ako galing sa mahabang bakasyon. “Why? Ano na namang nangyari kay Perper? Unahin mong sabihin sa akin ‘yun at ‘yan ang gusto ko munang malaman,” sabi ko habang naka-cross arm. Kinuha ni Pojo ang remote ng aircon para buksan ‘yun at pagkatapos ay saka ako hinarap. “Umiiyak ito nang nakaraang araw. Kailangang-kailangan daw niya ng pera dahil nagkasakit ang nanay niya