Dax’s POV Nakauwi na’t lahat si Hernan pero si Juniper na sa itaas pa rin ng room namin. Napakatagal niyang gumayak. Mukhang nagpapaganda pa ata para sa Dudes na ‘yun. Kanina pa ako rito sa loob ng sasakyan niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumababa. Mabuti at aircon dito sa loob, kung ‘di ay baka tinaas ko na siya at napagalitan doon. Sa work, ayoko nang pinaghihintay ako. Kakaiba itong si Juniper. Sa buong buhay ko ay siya lang ang nakagawa na paghintayin ako ng sobrang tagal. Hindi lang talaga ako makapagreklamo at sabit lang naman ako sa lakad niya. Isa pa, kapag nagreklamo ako ay baka makatikim na naman ako ng halik sa kaniya. Teka, bakit nga ba naiinis ako sa kaniya ngayon? Paano ba naman kasi, gusto pang makipagkita at makipag-usap sa lalaking ‘yun na balak na niy