Dax’s POV “Magandang araw po, Sir,” bati sa akin ng isang gay na makeup artist na dumating dito sa loob ng bahay ni Juniper. Mukha siyang babae na dahil parang may dibdib na siya ng gaya ng sa babae. Kaya lang malaki-laki pa rin ang katawan nito na siyang magpapahalata na isa talaga siyang lalaki dati. Pero kung sa mukha naman titignan ay may itsura naman. “Pasok ho,” sagot naman ni Hernan sa kaniya dahil sinenyasan ko siya na asikasuhin ito. Kaming dalawa na lang kasi ang narito dahil umalis na sina Juniper at Christine. “Paki asikaso na lang muna siya at maliligo lang ako,” paalam ko kay Hernan. “Sige, ako ng bahala.” “Ang guwapo pala nang aayusan ko,” dinig kong bulong ng bakla kay Hernan kaya napangisi ako. Medyo creepy talaga kapag may baklang gumaganito sa akin. Hindi naman sa a