Juniper’s POV Dumating na kami sa harap ng simbahan. Pagpasok ng karosa namin doon ay lahat ay nagtingin sa karosa namin at pati na rin sa amin ni Dax. Inaamin ko, ang bongga naman din kasi talaga ng pag-aayos sa karosa namin. Saka, ang guwapo-guwapo lalo ni Dax ngayon. Hindi ko nga lang siya napuri kanina dahil nainis niya ako dahil ang pangit niya ka-bonding. Hindi manlang niya ako sinabihan ng maganda kanina, parang napipilitan pa siyang purihin ako. Habang patuloy kaming pumapasok sa loob ay umiikot ang paningin ko sa mga karosa na narito na at nakahinto. Hinahanap ko kasi ang karosa ni Dudes. Gusto ko rin kasing makita ang itsura niya at pati na rin ang ka-partner niya. Biglang humawak sa balikat ko si Dax kaya napatingin ako sa kaniya. “Sobrang daming taong nakatingin sa atin, Jun