Juniper’s POV Hindi ko lubos maisip na gagawin ko ito sa talambuhay ko. ‘Yung magmasid at manuod sa dalawang tao na nagde-date. Ngayon ko na lang ulit binaba ang pride. Siguro nga ay talagang sobrang interesado na ako kay Dax kaya ganitong gumagawa ako ng mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa sa ibang lalaki noon. Nakakainis lang na panay ang titig ni Dax sa babaeng ‘yun. May minsan na natatawa lang siya habang busabos na kumakain ang nakakadiring babae na ‘yun na tila napulot lang niya sa kung saan-saan. Sa totoo lang ay kakaiba ang kutob ko sa babaeng ‘to. Pakiramdam ko ay may tinatago itong baho sa pagkatao niya. Ito namang si Dax, parang hangang-hanga sa babaeng ‘yun na akala mo ay matagal na niyang kakilala. Hindi nga kaya matagal na silang magkakilala kaya parang masyado nan