Dax’s POV Ang ganda-ganda ni Perper. Unang kita ko pa lang sa kaniya kanina pagpasok ko rito sa restaurant ay agad niyang nakuha ang atensyon ko. Kung ikukumpura ko siya sa isang artista ay masasabi kong hawig niya si Selena Gomez. “H-hi!” bati niya agad sa akin pagpasok ko sa loob. Tumayo siya upang salubungin ako ng halik sa pisngi ko na siyang kinagulat ko naman agad. Masyado ata siyang mabilis sa ginawa niyang ‘yu. Doon pa lang ay masasabi kong interesado na siya sa akin. “Masaya ako na nakita na rin kita,” sabi ko sa kaniya pag-upo namin sa table. Tumingin ako sa paligid. Bago ako atupagin ang pakikipag-usap sa kaniya ay gusto ko munang makita kung maayos ba ang lahat nang nadatnan niya. Napangiti ako matapos kong malibot ng tingin ang buong paligid. Mabuti na lang at maayos ang la