Dax’s POV Pagkahatid ko kay Juniper sa bahay nila ay nagmadali akong umuwi sa bahay. Hinarap ko agad si Pojo dahil kanina ko pa siya gustong makausap. Kanina ko pa siya gustong sermunan dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni Perper. “Bakit mo siya pinuntahan sa coffee shop nang pinagkitaan namin?” Halata sa mukha niya ang takot dahil alam niyang kapag nagtanong din ako ng seryoso ay bawal siyang magsinungaling. Alam niya kung paano ako magalit. Minsan ko na siyang nasaktan noong galit na galit ako kaya hindi niya gugustuhin na magsinungaling sa akin. “Wala raw kasi siyang dalang wallet ng oras na ‘yun. Kaya tumawag siya sa akin upang magpasundo doon ay magpahatid sa hotel na pinagtatrabahuhan niya,” sagot niya. “Ang pera? Kumusta na? Nakita ba ‘yung kumuha?” tanong k