Juniper’s POV
Habang tumatagal ay nababahala na ako kung bakit ang tanging nag-iisang Korean restaurant ko ay paliit na nang paliit ang pumapasok na kita. Tila gusto ko nang maniwala sa isang staff ko na nagsusumbong sa akin na gumagawa talaga ng mga mali ang ilan sa mga tauhan ko roon.
Ako si Juniper Ortega, isang milyonaryong business woman na mag-isa na lang ngayon sa buhay. Yes, nakaraos ako sa kahirapan ng buhay na mayroon kami dati. Noong bata ako, naranasan kong pumasok sa school na walang baong pera. Naranasan kong pumasok sa school nang hindi nag-aalmusal at kumakain ng tanghalian. Nagtiyaga lang ako sa pag-aaral dahil may utak din ako na alam kong balang-araw ay magiging puhunan ko sa pagyaman ko. Nang mamatay ang ina at ama ko dahil sa isang malubhang sakit ay napunta ako sa bahay ampunan. Doon na ako lumaki hanggang sa magdalaga. Umalis na lang ako doon dahil nakakaranas ako ng pambu-bully sa mga kapwa ko dalaga. Malaki ang inggit nila sa akin dahil mayroong maganda mukha at pangangatawan ako. Dahilan para magsunud-sunod ang mga lalaking nanliligaw sa akin doon. Nang umalis ako doon ay namasukan akong katulong sa isang mayaman at mabait na pamilya. Doon na ako sinuwerte. Kapalit nang pagiging kasambahay ko ay pinag-aral ako ng pamilyang Cruz. Sila ang ginagawang instrument ni Lord para makaranas naman ako ng suwerte sa buhay. Hanggang sa makatapos ako sa college ay sila pa rin ang gumastos. Namatay lang ang mag-asawang ‘yun kaya napatalsik ako ng nag-iisang anak nila na may lihim pa lang inggit sa akin. Nalaman kasi nito na kaya napapadalas ang pagpunta ng boyfriend niya sa bahay na ‘yon ay para pala bumastag sa akin. Ako na pala ang natitipuhan nito kaya kahit sobrang close kami ni Lea ay pinalayas pa rin niya ako doon.
Marami naman na akong pera noon dahil may trabaho na rin ako. Nang kayanin ko na ang mag-isa sa buhay ay doon ko na sinubukang mag-business. Pinangako ko sa sarili ko na magiging milyonaryo ako balang-araw. At iyon ay natupad naman dahil sa kasipagan ko sa buhay ko. Nagkalat na ngayon sa buong city namin ang iba’t ibang kainan na pagmamay-ari ko. At heto, marami na akong lupa at bahay. Pero narito ako ngayon sa pinaka malaki kong villa. Dito na ako nakatira. Bago lang ito at kakatayo lang noong nakaraang taon.
Ay, wait. Hindi na pala ako mag-isa sa buhay ko ngayon. May kasama na pala ako. ‘Yun ay ang pinsan ko. Siya ang sinuwerteng kadugo ko na nakahanap sa akin. Gaya ko ay ulila na rin itong lubos. Siya si Mandie Ortega, pinsan ko siya sa ama ko. Kapatid ng papa niya ang papa ko. Sinama kong umangat sa buhay itong si Mandie, kaya lang ay pinarusahan ko ito dahil nagpatalo siya nang milyong-milyong piso sa casino. Dahil doon ay ginawa ko siyang crew sa isang restaurant ko para madala naman siya.
“Oh, nakasibangot ka na naman diyan, Juniper. Umagang-umaga punit na naman ‘yang mukha mo,” sabi ni Mandie nang makita niyang iritang-irita ako sa nababasa kong message sa akin ng isang loyal kong staff. Narito ako sa dining area at kasalukuyan nang nag-aalmusal. Kagigising lang ni Mandie dahil gulo-gulo pa ang buhok nito. Sumabay na rin siya sa pagkain ko ng almusal.
“F*ck! Kailangan ko na nga atang manuod sa mga gawain ng mga staff ko sa Dreame Korean Restaurant ko. Sobrang baba na ng kita ko roon. Parang pasara na nga eh. Hindi na ako natutuwa. Malaking kawalan sa akin ang Dreame Korean Restaurant ko kapag nagsara ‘yun. Ito ang kauna-unahang restaurant na nagpayaman sa akin kaya hindi ko hahayaang bumagsak na lang ito bigla. Kasi kung ganoon ang mangyari, hindi imposibleng ganoon na rin ang mangyari sa iba ko pang restaurant. Natatakot akong mangyari ‘yun kaya aalamin ko ang problema. Humanda sila sa akin.”
“Good luck, Sanpi. Patayin mo ang mga anay sa restaurant mo. Huwag kang uuwi nang hindi sila mapuksa ngayong araw,” sabi ni Mandie na tinatawanan pa ako. Gustong-gusto niya ang na-i-stress ako dahil alam niya kung paano ako maging dragon kapag may maling nangyayari sa restaurant ko.
**
“Samgyeopsal, Bibimbap at Red rice cakes, please,” sabi ko kay Robert nang lumapit na ito sa akin.
Narito na ako sa Dreame Korean Restaurant ko. Isa ito sa pinaka malaking restaurant na mayroon ako. Isa rin ito sa sikat na sikat na kainan ko na nagpa-famous sa akin, dahil simula nang mag-click ito ay na-interview tuloy ako sa iba’t ibang TV network dito sa Pilipinas.
“Ma’am pa-wait lang po ng thirty minutes,” sabi niya kaya nanlaki bigla ang mata ko.
“Wait, kahit ‘yung samgyeopsal ba ay kalahating oras ko ding hihintayin?” tanong ko pa.
“Yes ho, aayusin pa kasi,” sagot nito na para bang galit pa. Kahit po at opo ay wala na silang ginagamit manlang sa akin. Warning na ang isang ito. Naiirita ako sa baklang Robert na ito. Bakit ganito katagal kung mag-serve sila? Buburyuhin pala nila ang mga customer dito. Nakalimutan na ata agad nila ang sinabi ko dati na huwag paabutin ng ten minutes pataas ang paghihintay sa mga customer para hindi sila maburyo.
Hindi muna ako gumawa ng eksena. Naghintay pa ako sa mga makikita ko.
Walang kaalam-alam ang mga staff ko na narito ako. Naka-disguise kasi ako kaya hindi nila talaga ako makikilala.
Nakakadimasya ang mga sunod kong nakita. May customer na nagalit dahil may buhok ang soup Korean Stew na order nito, tapos ang isa naman ay nagreklamo dahil walang yelo ang na-serve na juice sa kaniya.
Hanggang sa isang lalaking malaki ang katawan na naka-cap at shades ang biglang tumayo at nanghampas ng malakas sa lamesa.
“Is this a joke or what?!” sigaw nito kaya lahat ng customer ay napatingin sa kaniya. Ang laki ng boses nito kaya maging ako ay natakot din. Nang sumigaw ito ay biglang pumasok sa loob ang apat nitong bodyguard. Wait, sino ba ito? Tila mayaman siya at may mga ganitong bodyguard pa.
“Ano pong problema, sir?” tanong sa kaniya ni Robert. Ngiting-ngiti pa ito nang lapitan niya ang nag-aamok na customer na ‘yun. Napapailing ako. Nanggagago na nga lang ata ang mga staff ko dito.
“I was very hungry when I came here! Naghintay pa ako ng kalahating oras para lang matikman ang mga pagkain dito tapos…f*ck! Nakakagalit ang mga natikman ko. Parang hindi pagkain. Idadaan ko na lang sana sa soup ang gutom ko, pero putang-ina, bakit kasing lamig ng patay ang lintik na ni-serve mo sa akin?! Tila kahapon pa ata ang putang-inang soup na ‘yan! Nakakadiri!” sigaw pa rin nito.
“Sir, umalis na lang po kayo kung ganiyan kayo,” pagtataboy pa ni Robert kaya doon na ako lalong nainis. Ang attitude niya. Naghahanap ata talaga siya ng away. Pinapahiya niya ang restaurant ko. Tanggal sa akin ang baklang ito.
“Eh, gago pala ito eh,” galit na sabi ng customer na ‘yun kaya binuhat siya nito gamit ang kuwelyo niya. Doon na ako umaksyon. Tinaggal ko na ang suot kong shade at cap at saka ako lumapit sa kanila.
“Sir, ako po ang may-ari ng korean restaurant na ito,” sabi ko pero maging ako ay tinabig niya lang.
Sa galit ay hinagis niya sa may malayo si Robert kaya nawalan agad ito ng malay-tao. Ang lakas niya.
“Sir, pasensya na po sa nangyari. Actually, kaya ako narito ay para tignan ang mga ginagawa ng mga staff k—”
Natigil ako sa pagsasalita ko nang ibuhos niya sa akin ang soup na nasa lamesa niya/.
“Favorite ko ang mga Korean Restaurant kaya dumadayo talaga ako dito. Pero ang restaurant na ito ang pinaka-worst na nakainan ko sa talambuhay ko. Hinding-hindi na ako babalik dito. I suggest na magsara na kayo dahil walang silbi ang mga pagkain mo dito, Miss.” Dinukot niya ang wallet niya sa bulsa at saka niya ako pinaliguan ng maraming piraso ng one hundred dollar. Ang sosyal. Dollar pa talaga ang sinaboy niya sa akin.
Natameme na lang tuloy ako habang pinapanuod ko ang pag-alis niya. Pero imbes na matakot ay napatitig talaga ako sa mukha niya kanina habang nagagalit ito sa akin. Kung papakinggan ang boses niyang galit kanina ay parang nakakatakot siya, parang halimaw, pero kung titignan mo naman ang mukha niya ay matutunaw ka. Lalo na kung makikipagtitigan ka sa mata niya. B-bakit ang guwapo niya? Dapat nagagalit na ako dahil binuhusan niya ako ng soup, pero parang okay lang sa akin dahil ang hot at ang guwapo niya talaga. Ngayon na lang ulit ako na-attract ng ganito sa isang lalaki. Tila may bago na naman tuloy akong ta-target-in nito. Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya makitang muli. Gumagana pa rin pala sa akin ang love at first sight.
Nice to meet you, Mr. Soup. See you soon again.